Limang maaksyong FPJ movies palabas sa CineMo

Digitally restored and remastered na “Isusumbong Kita sa Tatay Ko” ipapalabas sa SM North

LIMANG MAAKSYONG FPJ MOVIES PALABAS SA CINEMO

Limang maaksyong pelikula ng King of Philippine Movies na si Fernando Poe Jr., ngayong buwan ng kaniyang kaarawan ang mapapanood sa CineMo.

Sa daan-daang pelikulang nagawa ni FPJ, ilan rito ang nagbigay sa atin ng mga hindi malilimutang karakter gaya ni Flavio mula sa “Ang Panday,” at nina Ador at Kardo mula sa “Ang Probinsyano.” Maliban sa pag-arte, nag-direk at nag-produce din siya ng mga pelikula.

Abangan ang patok na pelikula ni Da King sa CineMo.

  1. “Batas ng Lansangan” (August 14, 7 PM)

Dating Army Major si Ruben Medrano (FPJ), isang byudo na gagawin ang lahat para maprotektahan ang kaniyang anak at komunidad laban sa mga drug pusher. Hindi siya titigil hangga’t hindi nakakamit ang hustisya para sa kaniyang asawa.

  1. “Ang Panday Ikatlong Yugto” (August 15, 7 PM)

Nagbabalik si Flavio (FPJ) para sa ikatlong pagkakataon upang ipagtanggol ang mundo laban sa mga aliens na bubuhay sa kaniyang mortal na kaaway na si Lizardo (Max Alvarado). Isang tunay na iconic role ang Panday na ginampanan na rin ni Bong Revilla Jr. at Richard Gutierrez. Ngayong taon ay mapapanood naman ang Primetime King na si Coco Martin bilang si Flavio.

  1. “Eseng ng Tondo” (August 16, 7 PM)

Kilala si Eusebio (FPJ) bilang isang tapat at ulirang pulis na may malinis na prinsipyo. Subalit ito ring mga prinsipiyo ang magdadala sa kaniya sa kapahamakan at magdudulot ng gulo sa kaniyang pamilya matapos ma in love sa kaniya ang isang informant na ginampanan ni Ina Raymundo.

  1. “Ikaw Ang Mahal Ko” (August 17, 7 PM)

Magkatambal si Da King at ang Star for All Seasons na si Vilma Santos sa action-comedy movie na meron ding romansa.  Kahit na hindi magkasundo ay poprotektahan ni Pilo (FPJ) si Miling (Vilma) matapos itong makahanap ng notebook na puno ng impormasyong magpapahamak sa kanya.

  1. “Dito sa Pitong Gatang” (August 18, 7 PM)

Kailangan protektahan ni Brgy. Chairman Berting Cayabyab (FPJ) ang Barangay Pitong Gatang, isang mapayapang komunidad sa Tondo, matapos siyang habulin ng kaniyang madilim na nakaraan. Kasama niya sa pelikula si Nanette Medved, ang tigasing kapitana ng kabilang bayan.

Mapapanood din ang ilan pang mga pelikula ni Da King tuwing 7PM, Sabado sa FPJ: Hari ng Aksyon. Abangan ang “May Isang Tsuper ng Taxi” sa Agosto 19, at “Minsan Pa…Kahit Konting Pagtingin 2” sa Agosto 26.

Ipapalabas din ng CineMo ang digitally restored and remastered movie na “Isusumbong Kita sa Tatay Ko” nang libre sa Cinema 1 ng SM North EDSA The Block sa Agosto 17. Gumanap na anak ni Da King ang Queen of Philippine Soap Opera na si Judy Ann Santos sa pelikulang ito na nagpakita ng pagmamahalan ng isang mag-ama. Magpunta sa official Facebook page ng CineMo para malaman kung paano makakuha ng libreng tickets.

-30-

 

 

Digitally restored and remastered “Isusumbong Kita sa Tatay Ko” to screen in SM North

FIVE ACTION-PACKED FPJ MOVIES AIRS ON CINEMO

CineMo airs five blockbuster hits from the King of Philippine Movies, Fernando Poe, Jr. to celebrate his birthday this August.

In his hundreds of movies, FPJ not only delivered iconic roles such as Flavio in “Ang Panday,” and Ador and Kardo in “Ang Probinsyano,” but he also directed and produced some of them. Check out his biggest hits throughout a career that spanned decades.

  1. Batas ng Lansangan (August 14, 7 PM)

FPJ plays former Army Major Ruben Medrano, a grieving man who will stop at nothing to avenge the death of his wife and protect his daughter and their community from a drug syndicate.

  1. Ang Panday Ikatlong Yugto (August 15, 7 PM)

Flavio (FPJ) is back to defend the world after aliens attack and bring back to life his mortal enemy, Lizardo (Max Alvarado). “Ang Panday” is such an iconic character that it has been brought to life by other actors like, Bong Revilla Jr. and Richard Gutierrez. Coco Martin will also bring the swordsmith back to the movies this year.

  1. Eseng ng Tondo (August 16, 7 PM)

FPJ is Eusebio, a kind and honest hardworking policeman dedicated to his job. However, it is exactly his principles that bring trouble into his life and his marriage after an informant (Ina Raymuno) starts falling in love with him.

  1. Ikaw Ang Mahal Ko (August 17, 7 PM)

Da King teams up with the Star for All Seasons in this action-romantic-comedy about an odd couple falling in love. Pilo (FPJ) and Miling (Vilma Santos) do not get along but have to work together to outsmart some goons after Miling finds a notebook that puts her life in danger.

  1. Dito sa Pitong Gatang (August 18, 7 PM)

Berting Cayabyab (FPJ) is the Barangay Chairman of peaceful Pitong Gatang in Tondo. However, that peace is in danger as his dark part comes back to haunt him. Nanette Medved co-stars as Lamberta “Lambing” Enriquez, the headstrong chairman of the next barangay.

Fans can also catch some of Da King’s other movies every Saturday, 7 PM, on FPJ: Hari ng Aksyon. Watch out for “May Isang Tsuper ng Taxi” on August 19, and “Minsan Pa…Kahit Konting Pagtingin 2” on August 26.

CineMo will also premiere the digitally restored and remastered movie “Isusumbong Kita sa Tatay Ko” for free at Cinema 1 of SM North EDSA The Block on August 17. Da King stars alongside the Queen of Philippine Soap Operas, Judy Ann Santos, in this heartwarming story about the bond between a father and his daughter. Check the official Facebook page of CineMo to find out how to get free tickets.

-30-

Comments are closed.