LizQuen’s “Dolce Amore” spreads sweetness on Jeepney TV

K-drama ‘Twenty Again” debuts on Philippine TV

Reminisce the sweetness of young love in the ABS-CBN primetime hit series “Dolce Amore,” starring Liza Soberano and Enrique Gil, as it premieres on cable television via Jeepney TV this September.

LizQuen’s second primetime series after “Forevermore” is one of the most watched Kapamilya programs in 2016, ending on a high note with a national TV rating of 37.7% based on data from Kantar Media.

“Dolce Amore” is a love story between a wealthy young lady from Italy, Serena (Liza), and hardworking Tenten (Enrique) from Tondo who cross paths when the former runs away to the Philippines to escape an arranged marriage. The two wanderers get even closer through an infallible link, amidst money issues and family problems, until they discover their roots and find out their real connection.

Korean romantic comedy series “Twenty Again“ will be seen for the first time on Philippine television when it premieres on Jeepney TV this month. No-ra, who is in her late 30’s, decides to go back to college after being misdiagnosed with cancer and given a six-month prognosis.  She hopes to live the life she missed when she got pregnant at an early age, but things get messy when her son becomes her classmate, her intellectual snob of a husband accepts a job at the same university, and her professor turns out to be her former admirer in high school.

Meanwhile, witness the lives tangled in love in “Tubig at Langis” as it makes its mark on Jeepney TV this September. Follow the journey of Irene (Cristine Reyes), a resilient young woman who rekindles her relationship with her high school sweetheart Natoy (Zanjoe Marudo) who accepts her despite of her son from another man and the disapproval of his family. However, after a ploy of his mother to think Irene is cheating on him, Natoy succumbs to barrio lass Clara (Isabelle), whom he met during one of his business trips.

Jeepney TV is iconic Pinoy television reimagined, bridging generations of Filipino viewers by bringing back good memories and celebrating the best of Pinoy pop culture.

Catch three different stories of love Mondays thru Fridays in “Dolce Amore” at 6:30-8:00pm starting September 4; “Tubig at Langis” at 12:15-1:30pm starting September 11; and “Twenty Again” at 9:10-10:00pm starting September 18. Jeepney TV is available on SkyCable channel 9, Destiny Cable Analog 41 and Digital 9. For updates, like the Jeepney TV page on Facebook (www.facebook.com/JeepneyTV) or visit www.jeepneytv.ph.

K-drama na “Twenty Again,” unang ipapalabas sa cable

“DOLCE AMORE” NG LIZQUEN, MAGPAPAKILIG SA JEEPNEY TV

 

Balikan ang tamis ng pag-iibigan nina Liza Soberano at Enrique Gil sa “Dolce Amore,” ang primetime hit serye mula sa ABS-CBN na ipapalabas na sa Jeepney TV ngayong Setyembre.

Ang ikalawang teleserye ng LizQuen tandem, sumunod sa matagumpay na “Forevermore,” ay isa sa mga pinaka-pinanood na programa sa Kapamilya network noong 2016. Nagtapos ito na may national TV rating na 37.7% base sa datos mula sa Kantar Media.

Tampok sa “Dolce Amore” ang kwento ng mayamang dalaga mula sa Italya na si Serena (Liza) at ang mahirap ngunit masipag na si Tenten (Enrique) ng Tondo na magtatagpo ang landas nang tumungo ang babae sa Pilipinas para takasan ang kasalang hindi niya gusto. Dahil sa kanilang hindi mapipigilang koneksyon, maglalapit ang dalawa sa kabila ng mga matitinding problema, hanggang sa matuklasan nila ang kani-kanilang tunay na pinagmulan at ang dahilan kung bakit sila pinagtatagpo ng tadhana.

Samantala, magpapakilig din ang Koreanovelang “Twenty Again” sa kauna-unahang pag-ere nito sa bansa. Kuwento nito ang buhay ng 38-taon gulang na si No-Ra na muling babalik sa kolehiyo matapos mabigyan ng maling diagnosis — may cancer siya at may tanim na anim na buwan. Nais niyang balikan ang buhay na kanyang iniwan nang siya’y mabuntis nang maaga pero magugulo ang lahat dahil sa tatlong hindi inaasahang pangyayari: magiging kaklase niya ang kanyang anak, magtatrabaho ang asawa niya sa parehong eskwelahan, at matutuklasan niya na ang isang professor ay dati niyang tagahanga.

Tunghayan naman ang mga buhay na pinagsama-sama ng pag-ibig sa unang pagpapalabas ng “Tubig at Langis” sa Jeepney TV. Sundan ang matatag na si Irene (Cristine Reyes) na babalik sa piling ni Natoy (Zanjoe Marudo), na siya’y tanggap pati na rin ang kanyang anak mula sa ibang lalaki. Ngunit dahil sa hindi pagsang-ayon ng pamilya ni Natoy, papalabasin ng ina nito na nangangaliwa si Irene. Mahuhulog naman ang loob ni Natoy kay Clara (Isabelle Daza) na makilala niya habang nasa trabaho.

Panoorin ang iba’t ibang kuwento ng pag-ibig mula Lunes hanggang Biyernes tampok ang “Dolce Amore,” 6:30-8:00pm simula Setyembre 4; “Tubig at Langis,” 12:15-1:30pm simula Setyembre 11; at “Twenty Again,” 9:10-10:00pm simula Setyembre 18. Ang Jeepney TV ay mapapanood sa SkyCable channel 9, Destiny Cable Analog 41 at Digital 9. Para sa karagdagang updates, i-like ang Jeepney TV sa Facebook (facebook.com/Jeepney TV) o bisitahin ang www.jeepneytv.ph.

 

Comments are closed.