LizQuen’s “My Ex and Whys” hits Cinema One this Sunday

“My Ex and Whys,” the highest earning local movie for the first half of 2017 with P400 million sales worldwide starring Liza Soberano and Enrique Gil, makes its Cinema One premiere this Sunday (August 20).

Released in February of this year, this Star Cinema mega blockbuster film directed by Cathy Garcia-Molina is LizQuen’s third movie in a leading role and their most successful big screen project to date.

Blogger Cali (Liza) shares her painful experience in love to her followers with her “Bakit List” rants. Her former boyfriend, Gio (Enrique), answers back with his “Dahil List,” aiming to win over the trust of the girl he once hurt by explaining his side of the story. In an unexpected twist, the two are forced to work with each other and will be entangled in their exciting pursuit of payback and forgiveness.

Aside from the fun and romance that the film delivers, viewers also get to see scenic spots in South Korea, meaningful sites in Cali and Gio’s journey, as a bonus treat.

Believe in the magic of second chances in “My Ex and Whys” on Cinema One’s Blockbuster Sunday (August 20) at 8PM. Cinema One is available on SkyCable and Destiny Cable Digital Channel 56, and Destiny Analog Ch. 37. Like Cinema One on Facebook at facebook.com/Cinema1channel to view full schedule and catch the replay dates.

-30-

 

“MY EX AND WHYS” NG LIZQUEN, BIBIDA NA SA CINEMA ONE NGAYONG LINGGO

Mapapanood na sa Cinema One ngayong Lingggo (Agosto 20) ang “My Ex and Whys” nina Liza Soberano at Enrique Gil na kumita ng P400 milyon sa takilya dito at sa iba’t ibang bansa at pinakamalakas na lokal na pelikula sa unang bahagi ng 2017.

Ang Star Cinema mega blockbuster film na ito mula sa direktor na si Cathy Garcia-Molina ay unang ipinalabas sa mga sinehan nitong Pebrero. Ito na ang ikatlong pelikulang pinagbidahan ng LizQuen, at ang kanilang pinakamatagumpay na pelikula sa ngayon.

Isang blogger si Cali (Liza) na nagbabahagi ng masasakit niyang karanasan sa pag-ibig sa pamamagitan ng kanyang “Bakit List.” Sa pagnanais na makuha muli ang pagtitiwala ng babaeng minsan na niyang sinaktan, gumawa rin ang ex-boyfriend niyang si Gio (Enrique) ng sarili niyang “Dahil List” para sagutin ang mga hinanakit ni Cali. Sa hindi inaasahang pangyayari, mapipilitan si Cali na makisama kay Gio para sa isang trabaho at dito na magtutuloy ang naudlot na samahan ng dalawa.

Bukod sa nakakatawa, nakakaiyak at nakakakilig na kwento ng pelikula, ka-abang-abang din dito ang mga magagandang tanawin sa South Korea na mahalagang bahagi sa pag-iibigan nina Cali at Gio.

Abangan ang kwento ng pangalawang pagkakataon sa “My Ex and Whys” sa “Blockbuster Sunday” ng Cinema One ngayong Agosto 20, 8PM. Mapapanood ang Cinema One sa SkyCable at Destiny Cable Digital Ch. 56, at Destiny Analog Ch. 37. Sundan ang Cinema One sa Facebook facebook.com/Cinema1channel para sa kumpletong schedule nito.

-30-

Comments are closed.