Lloyd Cadena releases “Ex-Rated” book

YouTube sensation Lloyd inspires laughter in heartbreak…

Social media personality Lloyd Café Cadena reveals tips on how to deal with heartbreaks and former loves in his first book under ABS-CBN Publishing (API) entitled “Ex-Rated: ex – (noun) lubak, wrong turn, mistake, hayop.”

The new book features Lloyd’s straight-out yet hilarious take on the right way to be unloved, the same way he presents his hit online videos and posts. He currently has close to 850,000 YouTube subscribers and 4.8 million Facebook followers who enjoy humorous anecdotes, memes, challenges, and short films he posts online.

Lloyd, who is one of Adober Studios’ content creators,delivers an engaging vibe in this self-help manual. According to his talent manager, Ely Concord III, it features relatable and realistic stories about getting through heartbreak the gradual way.

“In this book are all the Ex-Rated files that we usually experience. It contains real life stories of moving on and other painful experiences in our search for ‘the one,’ Ely wrote in the book’s foreword.

The latest API offering highlights the many reasons of heartbreaks, common breakup lines, the struggles of the one left behind, and the realizations later on.

Lloyd shares tips on what to do when faced with an ex such as saying no to haggard looks, practicing the art of ignoring, and pretending to be busy.

He also said that in order to fully recover from exes, it is important to veer away from places where old flames usually go, to avoid investigating on their current status, and to start loving oneself a little more.

The author, who is a Top YouTube Personality awardee in Influence Asia 2017, also shared his answers on some of the questions from his current radio program with DJ Kara Karinyosa and his thoughts on letters and stories from brokenhearted fans.

Discover the art of moving on from Lloyd in the new “Ex-Rated: ex – (noun) lubak, wrong turn, mistake, hayop” book, now available in leading bookstores nationwide for only P185.

 

 

Idaan sa tawa ang sakit ng pag-ibig, ayon sa YouTube sensation na si Lloyd

LIBRONG “EX-RATED,” INILUNSAD NI LLOYD CADENA

 

Handog ng social media personality na si Lloyd Café Cadena ang mga nakakatuwa ngunit makatotohanang payo para sa mga nasaktan sa kanyang unang libro sa ilalim ng ABS-CBN Publishing na pinamagatang “Ex-Rated: ex – (noun) lubak, wrong turn, mistake, hayop.”

Tampok sa bagong libro ni Lloyd ang mga diretsahan niyang suhestiyon kung paano harapin ang paghihiwalay, sa paraang nakakatawa para sa mga mambabasa. Ito ay maihahalintulad din sa nakakatuwang videos at posts na inilalabas niya online na talagang patok sa kanyang halos 850,000 YouTube subscribers at 4.8 million Facebook followers.

Ayon sa talent manager ni Lloyd na si Ely Concord III, mababasa dito ang mga tunay at relatable na kwento ng pagtanggap ng hiwalayan sa unti-unting paraan.

“Nasa librong ito ang lahat ng mga Ex-Rated files na karaniwang nae-experience natin. Laman nito ang tunay na kwento ng pagmo-move on at iba pang masasakit na karanasan sa paghahanap ng “the one,” ayon sa foreword ng libro na isinulat ni Ely.

Bida sa “Ex-Rated” ang iba’t ibang dahilan ng paghihiwalay, karaniwang breakup lines, ang mga paghihirap na dinaranas ng taong iniwan, at ang realizations pagkatapos ng sakit na pinagdaanan.

Ibinihagi rin ni Lloyd, na isa sa content creators ng Adober Studios, ang kanyang tips kung ano ang gagawin kapag nakaharap ang ex, tulad ng ‘no to haggard look,’ pag-aralan ang ‘art of dedma,’ at magbusy-busihan.

Sinabi rin niya na huwag abangan ang ex sa mga lugar na tinatambayan nito, iwasang mag-imbestiga ng kasalukuyan nitong estado, at simulang mahalin ang sarili para makalimot ng tuluyan.

Bukod sa kanyang mga suhestiyon, ibinahagi rin ng author na kinilala bilang Top YouTube Personality awardee sa Influence Asia 2017 ang kanyang mga sagot sa tanong na nagmula sa kanyang radio program kasama si DJ Kara Karinyosa at  pati na rin ang mga komento niya sa mga sulat at kwento na nagmula sa mga brokenhearted fans.

Mabibili na ang “Ex-Rated: ex – (noun) lubak, wrong turn, mistake, hayop” sa iba’t ibang bookstores sa bansa sa halagang P185.

Comments are closed.