LOISA MARKS DEBUT WITH A MAJOR SOLO CONCERT THIS APRIL

 

Reality TV star-turned-teen idol Loisa Andalio has come a long way from being a Pinoy Big Brother housemate to becoming the latest concert performer to watch out for as she holds her first-ever solo concert at the Music Museum on April 29.

“The Loisa18: A Birthday Concert” is being produced by Star Events, an exclusive present to the multi-talented millennial teen star and a huge career milestone as she turns 18 on April 21.

 

“I just wanted a simple birthday celebration, to just eat out with my family. I didn’t expect that I would be given a concert on my special day, but Star Music and Star Events gave me this wonderful opportunity,” shared Loisa.

 

Joining Loisa in the concert as her special guest is none other than pop-rock singer Yeng Constantino who is the former’s topmost favorite amongst today’s local performers.

 

This exciting show follows the release of her first single and music video under Star Music entitled, “High School,” held last March signaling her official entry to the music scene. This revival song of Sharon Cuneta’s original 80’s hit is just one of the pop song lineups for her much-awaited debut performance.

 

The singer-actress first became popular in “Pinoy Big Brother: All In” in 2014. She has since become a must-see talent starring on hit TV shows “Nasaan Ka Nang Kailangan Kita,” “Be My Lady,” “Wansapanataym: My Hair Lady,” and “My Dear Heart.”

 

Many have seen Loisa grow as a performer, too. She is a former member of It’s Showtime’s all-female group, GirlTrends, and is now part of ASAP’s BFF5 together with Maris Racal, Kira Balinger, Ylona Garcia and Andrea Brillantes. Prior to PBB, she was also part of a sing and dance group called 3G.

 

Last year, she was handpicked by One Music PH to become part of the digital concert “Double Hearts” featuring other up-and-coming singers Maris, Sue Ramirez and Kristel Fulgar. This time, Loisa is excited to showcase her vocal prowess live on stage at her very own concert.

 

Tickets to the Loisa18 Concert are priced at P2,500.00 (VIP), P2,000.00 (lodge), and P1,000.00 (balcony). Interested parties may log on to ticketworld.com.ph or call Ticketworld at 891-9999 or Music Museum at 721-0635 or 721-6726.

 

For more information on Loisa18 Concert, visit Starmusic.ph or follow Star Music’s official social media accounts at Facebook.com/starmusicph, or @starmusicph on Twitter and Instagram.

 

-30-

DEBUT NI LOISA, MAJOR SOLO CONCERT NGAYONG ABRIL

Malayo na ang narating ng reality TV star at teen idol na si Loisa Andalio. Mula sa pagiging housemate sa Pinoy Big Brother, isa na siya sa inaabangang concert performer ngayon dahil sa kanyang unang solo concert na magaganap sa Music Museum sa April 29.

Handog ng Star Events, ang “Loisa18: A Birthday Concert” ay isang sorpresang regalo sa sinasabing “multi-talented millennial teen star” ngayon at isa ring malaking milestone sa kanyang karera kasabay ng pagdiriwang ng kanyang debut ngayong April 21.

“Nagulat ako. ‘Di ko ine-expect na bibigyan ako ng concert sa special day ko. Ang gusto ko lang simpleng celebration lang, kakain lang sa labas, pero ito binigyan ako ng Star Music at Star Events ng ganitong opportunity na magkakaroon po ako ng debut concert sa espesyal na araw ko,” pagbabahagi ni Loisa.

Makakasama niya sa nasabing concert ang kanyang paborito at hinahangaang singer, ang special guest na si Yeng Constantino.

 

Ang pinaka-inaabangang show na ito ay kasunod ng paglabas ng unang single at music video ni Loisa mula sa Star Music, ang awiting “High School,” isang revival song na unang pinasikat ni Sharon Cuneta noong 1980s at kasama sa lineup ng kanyang aawitin sa concert.

 

Unang nakilala ang singer-actress sa “Pinoy Big Brother: All In” noong 2014. Mula noon ay naging bahagi na siya ng ilang sumikat na programa tulad ng “Nasaan Ka Nang Kailangan Kita,” “Be My Lady,” “Wansapanataym: My Hair Lady,” at “My Dear Heart.”

 

Bukod sa kanyang pag-arte, unti-unti nang nakikilala si Loisa bilang isang performer. Naging kabilang siya ng grupong GirlTrends ng “It’s Showtime”. Ngayon ay isa na siyang miyembro ng BFF5 ng “ASAP” kasama sina Maris Racal, Kira Balinger, Ylona Garcia at Andrea Brillantes. Bago siya sumali sa PBB, bahagi rin siya ng isang sing and dance group na 3G.

 

Noong nakaraang taon, kasama si Loisa sa digital concert na iprinodyus ng One Music PH, ang “Double Hearts” kasama sina Maris, Sue Ramirez at Kristel Fulgar. Ngayon, excited siya na ipakita ang kanyang galing sa pag-awit ng live sa kanyang sariling concert.

 

Ang tickets sa “Loisa18 Concert” ay nagkakahalagang P2,500.00 (VIP), P2,000.00 (lodge), at P1,000.00 (balcony). Maaaring bumisita sa ticketworld.com.ph, tumawag sa Ticketworld sa 891-9999 o sa Music Museum sa 721-0635 at 721-6726.

 

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang Starmusic.ph, Facebook.com/starmusicph, o sundan ang @starmusicph sa Twitter at Instagram.

 

-30-

Comments are closed.