“LUV U” STAR MILES OCAMPO WANTS TO BE A SINGER?

Miles Ocampo showed everyone that she can also sing when she and her “LUV U” partner Marco Gumabao did a duet on their last mall tour in Glorietta 5. They also invited everyone to watch the season 2 of the hit teen comedy series.

Many people are asking about Miles’ next project. She already tried comedy in Goin’ Bulilit and romantic-comedy in “LUV U”. So, does this mean her next focus will be on singing?

According to the teen star, she enjoys the current status of her career and doesn’t think too much of the future. Her focus now is on “LUV U” and her studies. She is excited for the new season of the teen series.

“I am very happy and was surprised that the people loved our show. It’s very inspiring to work hard when people appreciate your craft,” Miles said.

Meanwhile, this week on “LUV U”, it seems that Camille (Miles) and JB (Marco) are into a mutual understanding again. When Camille wanted to sing a song in the videoke but couldn’t remember the title, JB immediately made a way to find out. Will this help rekindle their lingering love for each other?

Find out on “LUV U”, Sundays after “ASAP 2012” on ABS-CBN. Be updated on the latest happening by following @LUVUBarkada on Twitter and like the official Facebook page: www.facebook.com/LUVUBarkada.

-30-

“LUV U” STAR MILES OCAMPO GUSTO MAGING SINGER?

Nagpamalas si Miles Ocampo ng galing sa pag-awit nang nagduet sila ng ka-love team sa “LUV U” na si Marco Gumabao sa nakaraang mall tour sa Glorietta 5. Inimbitahan na din nila ang mga manonood sa Glorietta 5 na abangan ang pangalawang season ng nakakakilig na teen show.

Marami ang nagtatanong kung ano ba ang susunod kay Miles. Nagdaan na siya sa pagpapatawa sa Goin’ Bulilit, at pagpapakilig naman ngayon ang focus niya. Sa susunod naman kaya ay pag-awit na?

Ayon sa teen star, hindi niya pa masyadong iniisip ang future lalo na pagdating sa career. Para sa kanya mas masayang enjoy-in muna niya ang kung anong mayroon siya. Nasa “LUV U” ang focus ni Miles ngayon at sa pag-aaral. Sa pagsisimula ng bagong season ay mas masaya at excited siya.

“Sobrang saya po at nagulat po ako na ganoon ang pagtanggap ng tao. Masaya po ako na nagustuhan po nila. Mas lalo pa pong nakaka-inspire magtrabaho lalo na kapag alam niyong may nakaka-appreciate sa ginagawa niyo,” ani ng dalaga.

Samantala, ngayong linggo sa “LUV U”, mukhang nagkakaroon nanaman ng mutual understanding sina Camille (Miles) at JB (Marco). Nang may gustong kantahin si Miles sa videoke na hindi niya maalala, gumawa kaagad ng paraan si JB para alamin ito. Maging dahilan kaya ito para bumalik na ang nararamdaman nila sa isa’t isa at tuluyan nang maging ‘sila’?

Alamin sa “LUV U”, tuwing Linggo, pagkatapos ng “ASAP 2012” sa ABS-CBN. Para sa mga updates, i-follow ang @LUVUBarkada sa Twitter, o i-like ang official Facebook page: http://www.facebook.com/LUVUBarkada

-30-

Comments are closed.