Maja sa bagong karakter bilang Lily: “Mas matapang, mas palaban si Lily!”

 

“Wildflower” pumalo sa pinakamataas nitong nationwide TV rating na 35.2%

Sinubaybayan at tinutukan ng mga Pilipino ang engrandeng paglantad ni Maja Salvador bilang Lily Cruz sa hit teleseryeng “Wildflower” noong Martes (Oct 10).

Trending sa social media ang makapigil hiningang mga eksena at kaliwa’t kanan din ang mga ginawang meme ng netizens tungkol sa pinag-uusapang episode.

Kaya naman todo todo at talaga namang abot langit ang pasasalamat ni Maja sa mas tumitindi pang suporta ng mga manonood lalo pa’t mas umariba ang “Wildflower” sa national TV ratings.

Mula sa national TV rating na 33.8% noong Lunes (Oct 9) ay mas tumaas pa ang rating nito noong Martes at pumalo sa panibago nitong all-time high national TV rating na 35.2%. Masasabing isa na ito sa pinakamalakas na programa sa 6 pm timeslot dahil sa lakas ng natamo nitong viewership.  Doble ang ratings nito kumpara sa kalaban na may 17.1% lamang, base sa datos ng Kantar Media.

“Thank you Lord! Siya ito lahat. Proud ako sa aking ‘Wildflower’ family sa lahat ng cast, writers, creative team, directors, staff, at crew. Saludo ako sa kanilang lahat. Sulit lahat ng pagod at puyat namin,” pahayag ni Maja.

Hindi lang top-rating kung hindi trending din sa Twitter worldwide ang pinag-usapang pagbabalik ni Lily. Bagamat sunod sunod ang nakakamit na tagumpay ng “Wildflower,” aminado ang aktres na nakakaramdam pa rin siya ng pressure na para sa kanya ay hindi dapat mawala.

“Hindi mawawala yun. Kailangan may takot ka palagi para ma-challenge mo ang sarili mo. Huwag makampante lang. Always give your best,” paliwanag niya.

Una nang gumawa ng ingay ang serye sa ginanap na “Widlflower” wildest wedding kung saan umeksena si Ivy Aguas bilang bride in black. Ginulat nito ang sambayan at isa ito sa pinakatumatak na pasabog sa lahat ng planong paghihiganti ni Ivy.

Ngayong si Ivy ay patay na at si Lily na ang magpapatuloy ng laban, palaisipan sa marami kung mas magiging mabait na ba ang minahal nilang mapangahas na karakter ni Maja.

“Mas matapang siya kay Ivy. Mas palaban siya dahil nakalaya na siya bilang Lily Cruz. Pero makikita niyo rin na mas may puso siya sa kanyang pamilya at sa mga tao,” sagot ng “Wildflower” star.

Patuloy ngang nakatutok ang lahat sa susunod na hakbang ni Lily. Tuluyan na nga kaya niyang mapabagsak ang mga Ardiente? Sino si Red Dragon? Kakampi ba siya o kaaway? Paano niya babaguhin ang takbo ng kanilang mga buhay?

Huwag palalampasin ang “Wildflower,” Lunes hanggang Biyernes bago mag-“TV Patrol” sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (Skycable ch 167). Para sa updates, i-follow ang @wildflowerabscbn sa Instagram, @RSBDramaUnitNew sa Twitter at i-like ang official Facebook page ng programa sahttps://www.facebook.com/wildflowerchannel2/.

Panoorin ang past episodes ng palabas sa iWant TV o sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.

 

“Wildflower” soars with new all-time high rating of 35.2%

MAJA ON LILY CRUZ: “SHE IS BRAVER AND FIERCER!”

Viewers nationwide tuned in to what could be one of the grandest and most show stopping comeback on Philippine television as Maja Salvador finally CAME out as Lily Cruz in ABS-CBN’s hit teleserye “Wildflower” last Tuesday (Oct 10).

Maja’s scene stealing entrance wearing a gold gown instantly set social media ablaze as the show trended on Twitter worldwide. Netizens were also quick to share funny memes about the talked about episode.

From a national TV rating of 33.8% last Monday (Oct 9), nationwide viewership got even stronger and the series hit its new all-time high national TV rating of 35.2% last Tuesday, which is double that of its rival program that only scored 17.1%, based on data from Kantar Media. This is the highest TV rating a program airing in the 6PM slot has reached in recent years.

“Thank you Lord! We give back the glory to you. I am so proud of my “Wildflower” family, to the whole cast, writers, creative team, directors, staff and crew. I salute everyone for a job well done. All the tiring and sleepless nights paid off!” said Maja.

But despite all the successes the show has achieved, Maja admitted that she still feels the pressure each time she does a scene.

“Pressure will always be there and must always be there because that’s what challenges us to do better. Never ever be complacent. Always give your best,” she explained.

“Wildflower” first created buzz with its “wildest wedding” episodes where Ivy Aguas walked down the aisle in a black wedding gown. The iconic scene surprised viewers and became an instant talk of the town.

Now that Ivy is dead and Lily is about to continue the fight, Maja gave viewers an idea on what to expect from her new character.

“She is braver and fiercer than Ivy Aguas! “Lily will definitely step up her game since she is now free to be her true self. Feisty, but with a heart especially for her family and the people of Ardiente,” she shared.

What’s next in Lily’s plans to destroy the Ardientes? How will the ruling clan fight back? Who is Red Dragon?

Don’t miss “Wildflower,” weeknights before “TV Patrol” on ABS-CBN or ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). For updates, follow @wildflowerabscbn on Instagram, @RSBDramaUnitNew on Twitter and like the show’s official Facebook page athttps://www.facebook.com/wildflowerchannel2/. Catch its latest episodes on iwantv.com.ph or skyondemand.com.ph for Sky subscribers.

Comments are closed.