MAJA’S RELATIONSHIP WITH MATTEO STRONGER THAN EVER

After the critically-acclaimed “Lumayo Ka Man Sa Akin”, Maja Salvador returns via the much-awaited upcoming primetime series, Ina, Kapatid, Anak alongside Xian Lim, Enchong Dee and Kim Chui.

Maja shared that she will play a different and difficult role in the series and will surely be challenged by it. People should watch out for the conflict between her and Kim Chiu in the series. “We are both aggressive in this series, and both love our families dearly,” she hinted.

She also shared that her relationship with Matteo Guidicelli is getting stronger in spite of their busy schedules. “We have no time to watch movies but we work out together or I go with him in his training so I really have no choice but to run too,” she revealed, noting that she is glad that after quitting his first love, Kart Racing, her boyfriend has found a new sport- triathlon.

“Though I usually go with him in his trainings, I have no plans yet to join a real triathlon in the near future because it entails serious training,” she added.

Meanwhile, Maja Salvador will be the guest in Toda Max this Saturday (June 2, 2012) with Bentong and Al Tantay. She will play as Darling, Isabel’s (Angel Locsin) half-sister. Surprised with the revelation, but happy with her newfound sister, Isabel invites her to the family and to her upcoming wedding. But a huge problem will occur – Darling just got married and Isabel pursuing her wedding means bad luck.

Will Isabel and Justin Bibbo (Vhong Navarro) still pursue their wedding against all odds? Find out in “TODA Max” this Saturday after Maalaala Mo Kaya only here on ABS-CBN.

-30-

 

MAJA “TODA MAX” NA ANG RELASYON KAY MATTEO

Nagbabalik sa primetime si Maja Salvador sa pinakabago niyang teleserye, ang Ina, Kapatid, Anak kung saan makakasama niya si Xian Lim, Enchong Dee at Kim Chui pagkatapos ng tagumpay ng “Lumayo Ka Man Sa Akin.”

Hindi madali ang role ni Maja sa bagong teleserye. Ayon sa kanya challenging ito at dapat abangan ng mga manonood ang pasiklaban nila dito ni Kim Chiu. “Agresibo po kami dito parehas dahil sa matinding pagmamahal,” ayon pa kay Maja.

Hindi lamang sa teleserye may matinding pagmamahal si Maja dahil ipinagmamalaki ng dalaga na kahit busy sila ng boyfriend na si Matteo Guidicelli sa kanya-kanyang trabaho ay mas lalong tumatatag ang kanilang relasyon. “Wala nga kaming oras manood ng sine pero nagwo-workout kami madalas. Sumasama ako sa training niya,” pag-amin ni Maja na masaya sa bagong sport ni Matteo na triathlon mula sa kart racing.

Nang tanungin tungkol sa pagsali sa triathlon, “Wala po akong plano na sumali sa totoong triathlon kasi po matindi ang training doon.”

Samantala, guest si Maja sa “TODA Max” ngayong Sabado kung saan makakasama niya sina Bentong at Al Tantay. Gagampanan niya si Darling, ang half-sister ni Isabel (Angel Locsin). Mabibigla si Isabel sa nalaman ngunit matatanggap din niya ito at iimbitahan ang kapatid sa kasal. Ngunit, sasabihin ni Darling na hindi dapat ituloy ang kasal kasi sukob sila dahil kakakasal lang niya.

Matuloy pa kaya ang pinaka-iintay na kasalan nina Isabel at Justin Bibbo (Vhong Navarro)? Alamin sa “TODA Max” ngayong linggo na pagkatapos ng Maalaala Mo Kaya sa ABS-CBN.

-30-

Comments are closed.