Manny Pacquiao and Topex Robinson headline part two of ABS-CBN S+A Year-Ender special “The Final Score”

Filipino boxing legend Sen. Manny Pacquiao and LPU head coach Topex Robinson headline the second part of ABS-CBN S+A’s two-part year-ender special “The Final Score” which will air on New Year’s Day (January 1) at 10 pm on S+A and S+A HD.

Anchored by TJ Manotoc and Dyan Castillejo, the special looks back at the momentous championships and memorable athletic performances that made 2017 a memorable year in sports with exclusive in-depth interviews withPacquiao, LPU Pirates head coach Topex Robinson for the episode airing on New Year’s Day (January 1).

The second part, dubbed “#Redemption,” features Topex and “People’s Champion” Pacquiao, who will share the challenges they faced in their respective disciplines. The former SSC-R Stag will recount the hard work they put in ahead of the Pirates’ historic season, his unusual coaching methods off the court, and the pain and lessons learned after their Finals loss to defending champions San Beda Red Lions.

Manny, on the other hand, will reminisce about the highs of his career and how his stinging defeat at the hands of Jeff “The Brisbane Hornet” Horn this year made him tougher in life and inside the ring. Aside from that, “#Redemption” will also give spotlight to the biggest upsets in the sporting world this year, and the NBA Finals last June that saw the Golden State Warriors take the NBA crown back from the Cleveland Cavaliers.

In the special’s first part “#Trending” that aired on Christmas night (December 25), “The Final Score” talked to two of the most talked about athletes this year — Thirdy Ravena, Ateneo De Manila’s King Eagle, and Ricci Rivero, the most tweeted athlete of 2017 in the entire Philippines and gave a rundown of the trending moments in the UAAP Season 80 Men’s Basketball Tournament.

Don’t miss the second and final part of S+A’s year-end special, “The Final Score,” airing on New Year’s Day (January 1) at 10 pm on S+A and S+A HD with sports anchors TJ Manotoc and Dyan Castillejo . For more information, schedules, and stories, go online visit ABS-CBN’s sports hub sports.abs-cbn.com, and follow their official social media accounts on Facebook and Twitter (@ABSCBNSports).

 

 

MANNY PACQUIAO AT TOPEX ROBINSON, TAMPOK SA IKALAWANG BAHAGI NG ABS-CBN S+A YEAR-ENDER SPECIAL


Pangungunahan ng alamat ng boksing sa bansa na si Sen. Manny Pacquiao at LPU head coach Topex Robinson ang ikalawa, at huling parte, ng year-end special ng ABS-CBN S+A na “The Final Score.”

Mapapanood ang ikalawang bahagi sa Bagong Taon (Enero 1) ng 10 pm sa S+A at S+A HD.

Magsisilbing anchor pa rin ng naturang espesyal sina TJ Manotoc at Dyan Castillejo na sasariwain lahat ng mga kaganapan sa sports sa taong 2017.

Mapapanood sa ikalawang bahagi ng year-end special na pinamagatang “#Redemption,” ang kwento ni Topex at “People’s Champion” na si Pacquiao, na parehong ilalahad ang mga pagsubok na kanilang hinarap sa kani-kanilang mga disiplina sa sports. Ang dating SSC-R Stag, babalikan ang trabaho at sakripisyo na binuno bago marating ng LPU Pirates ang kanilang pinakamagandang season sa NCAA bago tumumba sa Finals kontra sa kampeon na San Beda Red Lions.

Para naman kay Manny, sasariwain niya ang mga tagumpay at ang mga natutunan sa mga pagkatalo kay Jeff “The Brisbane Hornet” Horn. Bukod pa riyan, magbabalik-tanaw rin ang year-end special ng S+A sa mga di-inaasahang mga panalo, at ang NBA Finals noong nakaraang Hunyo kung saan binawi ng Golden State Warriors sa Cleveland Cavaliers ang korona sa NBA.

Nakasama sa unang bahaging pinamagatang “#Trending,” na umere nung Pasko (Disyembre 25) sina King Eagle ng Ateneo de Manila University Thirdy Ravena at si Ricci Rivero na most tweeted athlete ng 2017 sa buong Pilipinas na ikinuwento ang kani-kanilang mga karanasan sa nakaraang UAAP Finals.

Huwag palampasin ikalawa at huling parte ng year-end special ng S+A ngayong 2017 na pinamagatang “The Final Score” sa Bagong Taon (Enero 1), ng 10 pm sa S+A at S+A HD kasama sina TJ Manotoc at Dyan Castillejo. Para sa karagdagang impormasyon, schedule, at mga storya, bumisita lamang sa sports hub ng ABS-CBN nasports.abs-cbn.com,o kaya sundan ang kanilang official social media accounts sa Facebook at Twitter (@ABSCBNSports).

 

Comments are closed.