MARIS AT INIGO, MAGPAPAKILIG SA “MMK”

Mapapanood sa unang pagkakataon ang tambalan nina Maris Racal at Inigo Pascual ngayong Sabado (Aug 5) sa kanilang pagganap bilang campus sweethearts na hahamunin ng distansya ang relasyon sa “MMK.”

Itinuring na ‘love team’ sa eskwela ang magkaklaseng sina Allan (Inigo) at Lou Ann (Maris). Nagsimula ang lahat sa tuksuhan at awayan na kalauna’y nauwi sa pagkakamabutihan. Dahil na rin sa suporta ng mga malapit sa kanila kung kaya’t naging maayos ang relasyon ng dalawa hanggang sa sila ay nagkolehiyo.

Ngunit sabi nga nila, ang pag-ibig ay laging may kaakibat na pagsubok. Kaya naman ang pagmamahalan nina Allan at Lou Ann ay hinamon nang umalis papuntang Dubai ang binata.

Makayanan kaya ng dalawa ang long distance relationship? May susuko ba sa kanila o mananatiling matibay ang love team na minahal ng lahat?

Makakasama din nila Maris at Inigo sa episode sina Arlene Muhlach, Jairus Aquino, Rochelle Barrameda, Nikki Bagaporo, Heaven Peralejo,Vivoree Esclito, Andre Yllana, Amy Nobleza, Kokoy de Santos, Bea Basa, at Noel Comia. Ang episode ay sa ilalim ng direksyon ni Mae Cruz Alviar at panulat ni Mark Angos. Ang “MMK” ay pinamumunuan ng Star Creatives COO na si Malou N. Santos.

Abangan ang longest-running drama anthology sa Asya, ang “MMK” tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, i-follow ang @mmkofficial sa Facebook, Twitter, at Instagram.

-30-

MARIS AND INIGO PLAY CAMPUS SWEETHEARTS IN “MMK”

Maris Racal and Inigo Pascual team up for the first time on television and play campus couple whose relationship gets tested by distance and time this Saturday (July 31) on “MMK.”

Paired as a ‘love team’ in school, Allan (Inigo) and Lou Ann (Maris) got teased a lot by their friends and classmates. This paved the way for their feelings for each other to grow and for their relationship to level up from being friends to finally becoming lovers.

The two were inseparable even when they stepped into college. They had their share of ups and downs but managed to find their way back into love. Until one day, Allan needed to leave the country to work in Dubai.

Did the Allan and Lou Ann ‘loveteam’ survive this challenge?

Joining Maris and Inigo in this episode are Arlene Muhlach, Jairus Aquino, Rochelle Barrameda, Nikki Bagaporo, Heaven Peralejo,Vivoree Esclito, Andre Yllana, Amy Nobleza, Kokoy de Santos, Bea Basa, and Noel Comia . The episode is directed by Mae Cruz Alviar and written by Mark Angos. “MMK” is led by Star Creatives COO Malou Santos.

Don’t miss the longest-running drama anthology in Asia, “MMK,” every Saturday after “The Voice Teens” on ABS-CBN or ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Catch its latest episodesoniwantv.com.phorskyondemand.com.ph for Sky subscribers. For more updates, follow @mmkofficial on Facebook, Twitter, and Instagram.

-30-

Comments are closed.