MARK ‘MAGNIFICO’ MAGSAYO, IBABANDERA ANG LAKAS NG PINOY SA “PINOY PRIDE 41: NEW GENERATION WARRIORS” SA S+A

Muling makikita ang galing at lakas ng Pilipino sa larangan ng boksing sa pagsabak ni Mark “Magnifico” Magsayo sa “Pinoy Pride 41: New Generation Warriors” ngayong Sabado (Hulyo 8), na mapapanood sa ABS-CBN ch. 2 ngayong Linggo (Hulyo 9) ng 3:30pm at sa primetime sa S+A ng 8pm.

Idedepensa ni Magsayo (16-0; 12 KOs) ang kanyang WBO International Featherweight na titulo laban kay Daniel “El General” Diaz (23-7-2; 15 KOs) sa harapan ng kanyang mga kababayan sa fightcard ng ALA Promotions at ABS-CBN Sports sa IEC Convention Center sa Cebu.

Makakasama ni Magsayo sa “Pinoy Pride 41” ang baguhang si Jeo Santisima (13-2; 11 KOs) na inaasahang susunod na magdadala ng watawat ng Pilipinas sa mundo ng boxing. Haharapin niya ang pinakamabigat na laban ng kanyang batang karera sa pagbisita ng Tanzanian boxer na si Goodluck Mrena (16-0; 8 KOs) na hindi pa nakakatikim ng talo.
Kaabang-abang din ang patuloy na pagbabalik sa tuktok ng tinaguriang “Prince” at knockout artist na si Albert Pagara (27-1; 18 KOs) na gustong sundan ang kanyang panalo noong Nobyembre sa kanyang pakikipagtunggali kay Aekkawee Kaewmanee ng Thailand (16-9; 6 KOs).

Bago ang mga maiinit na laban, mapapanood din sa S+A ang pag-angat ni Magsayo patungong trono ng mga featherweight sa programang “The Killer Instinct of Magnifico” ngayong Sabado (July 8) ng 12nn sa S+A.

Huwag palampasin ang pagdepensa ni Mark “Magnifico” Magsayo sa kanyang WBO International Featherweight division belt ngayong Linggo (Hulyo 9) sa “Pinoy Pride 41: New Generation Warriors” sa ganap na 3:30pm sa ABS-CBN ch. 2 at sa primetime sa S+A ng 8pm. Panoorin ito ng live, walang komersyal, at sa high definition sa SKY Sports PPV sa halagang P99 para sa SKYcable, SKYdirect, One SKY, at SKYbroadband subscribers. Tumawag lang sa 418-0000 o sa lokal na SKY office, o kaya ay pumunta sa www.mysky.com.ph/boxingppv para sa detalye.

Para sa balita sa laban, bumisita lamang sa online sports hub ng ABS-CBN Sports na sports.abs-cbn.com, at sundan ang social media accounts nila sa Facebook at Twitter (@ABSCBNSports).

-30-

Comments are closed.