MASCULADOS’ ORLANDO SOL DEBUTS SOLO ALBUM, STARS IN ONLINE DRAMA SERIES

Actor, model and singer Orlando Sol, a member of the Masculados group, is now embarking on a solo career as an artist as he launches his first-ever album and takes the lead in an online romantic-drama series.

His album entitled “Emosyon” features five original hugot love songs composed by Jerwin Nicomedez. This will be distributed under Star Music.

Aside from this, Orlando leads in Star Music’s first online drama series called “Kailan Darating ang Ayoko Na,” which is also the title of the album’s carrier single. Catherine Rem, Ruby Cayetano and Blumark Roces join him in this highly anticipated, unconventional love triangle which is sure to go viral in the coming days. The five-part series is produced by Production 56 and is directed by Maryo J. De Los Reyes, the blockbuster director known for many hit films such as “The Unmarried Wife,” “Magnifico” and “A Love Story.” Its pilot episode will premiere on Star Music’s YouTube channel starting this Friday, April 28 at 6PM. The next episodes will be shown on May 5, 12, 19 and 26.

 

 

Star Music released the official music video of the hugot single “Kailan Darating Ang Ayoko Na” on YouTube and on music channel MYX last week, serving as a preview of the upcoming series and a teaser of the singer’s ballad album.

The actor-singer is excited for his first lone venture in the music scene, referring to this opportunity as an “accident.” He was first introduced as a Masculados member eight years ago. More opportunities came his way when he recorded his first single which is also part of this album, entitled “Ingatan Mo ang Salitang Mahal Kita,” his lucky first as a solo artist, as this eventually led him to pursue a dream of having his own album.

Other tracks included in this release are “Lilipad Ako ‘Nay,” ”Kaibigan” and “I’ll Always Be There,” songs that listeners can easily relate to. “I’ll Always Be There” is a light track that talks about developing feelings for someone special while “Lilipad Ako ‘Nay” is a song particularly dedicated to his mom, his major inspiration as he strives to make it big in the industry.

“Emosyon” is now available online at Spotify, iTunes, and Apple Music, and will soon be available in record stores for only P199. For more information, visit Starmusic.ph or follow Star Music’s official social media accounts at Facebook.com/starmusicph, Twitter.com/starrecordsph and Instagram.com/starmusicph.

Watch the hottest music videos at Star Music’s YouTube channel @ABS-CBN Star Music.

-30-

 

 

MIYEMBRO NG MASCULADOS NA SI ORLANDO SOL, MAY SOLO ALBUM AT ONLINE DRAMA SERIES NA

Ang actor, model at singer na si Orlando Sol, miyembro ng Masculados group, ay nagsisimula nang makilala bilang isang solo artist sa kanyang paglulunsad ng sariling album at pagbibida sa isang nalalapit nang ipalabas na online romantic-drama series.

Pinamagatang “Emosyon,” mayroong limang hugot love songs sa album ni Orlando mula sa composer na si Jerwin Nicomedez. Ito ay i-didistribute ng Star Music.

Bukod dito, bibida rin si Orlando sa unang online drama series ng Star Music na pinamagatang “Kailan Darating ang Ayoko Na,” na siya ring titulo ng carrier single ng album nito. Sasamahan siya nina Catherine Rem, Ruby Cayetano at Blumark Roces para sa natatanging love triangle na tiyak na magiging viral sa mga susunod na araw. Ang five-part series na ito ay prinodyus ng Production 56 at mula naman sa direksyon ni Maryo J. De Los Reyes, ang direktor ng mga patok at tanyag na pelikula tulad ng “The Unmarried Wife,” “Magnifico” at “A Love Story.” Ipapalabas ang pilot episode nito sa Star Music’s YouTube channel ngayong Biyernes, April 28, 6PM habang ang mga susunod na episodes ay mapapanood sa May 5, 12, 19 at 26.

Inilunsad ng Star Music ang official music video ng hugot single na “Kailan Darating Ang Ayolo Na” sa YouTube channel nito at sa MYX noong nakaraang Biyernes bilang pasilip sa nalalapit na series at patikim sa ballad album ng baguhang singer.

Excited na nga si Orlando sa una niyang solo venture sa musika at natutuwa siyang alalahanin na inabot niya ang tagumpay na ito nang hindi inaasahan. Unang siyang nakilala bilang miyembro ng Masculados walong taon na ang nakalilipas. Marami pang oportunidad ang dumating nang inawit niya ang kauna-unahang single at bahagi ng kanyang album, ang “Ingatan Mo ang Salitang Mahal Kita,” dahil ito nga ang nagdala sa kanya upang magtuloy-tuloy na sa pagkakaroon ng sariling album.

Ilan pa sa mga awitin dito ang “Lilipad Ako ‘Nay,” ”Kaibigan” at “I’ll Always Be There,” mga awiting madaling makakapukaw ng atensyon ng mga makikinig. Isang “chill” track ang “I’ll Always Be There” na nagpapahayag ng emosyon sa isang taong nagsisimulang maging mahalaga habang ang “Lilipad Ako ‘Nay” ay awiting alay sa kanyang ina na kanyang malaking inspirasyon sa kanyang pagsisikap na magtagumpay sa industriya ng showbiz.

Pwede nang i-download ang “Emosyon” sa Spotify, iTunes at Apple Music, at malapit na ring mabili sa mga record stores sa halagang P199. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang Starmusic.ph o sundan ang official social media accounts nito sa Facebook.com/starmusicph, Twitter.com/starrecordsph at Instagram.com/starmusicph.

Panoorin ang mga bagong music videos sa YouTube channel @ABS-CBN Star Music.

-30-

Comments are closed.