MAYA AT ‘SER CHIEF’ HAHARAPIN ANG MGA PROBLEMA NG PAMILYA SA “BE CAREFUL WITH MY HEART REWIND” SA TFC

Ser Chief and MayaLR
Sa paghahanda ng bagong kasal na sina Maya (Jodi Sta. Maria) at Ser Chief (Richard Yap) sa kanilang bagong mundo, dadaanan nila ang mga problema ng pamilya sa sub-titled version ng “Be Careful With My Heart Rewind” ngayong October sa The Filipino Channel (TFC) worldwide.
Nanay Teresita and ArturoLR
Sa unang episode ngayong buwan na ipapalabas sa October 5 (October 2 London time and October 4, Riyadh at Pacific time), nais ni Arturo (Pepe Pimentel) na maayos ang relasyon niya sa kaniyang bunsong anak na si Maya, sa asawang si Teresita (Sylvia Sanchez), sa panganay na anak na si Kute (Aiza Seguerra) at sa apo nito at anak ni Kute na si Cho (JM Ibañez).  Katulad ng gawain ng mga tatay, susubukan ni Arturo ang ilang gawaing bahay para makabawi sa kaniyang pamilya.  Samantala, tila hindi naman kumbinsido si Kute, na tumayong tatay ng pamilya simula nang umalis si Arturo, sa ikinikilos ng ama at kakausapin ang kaniyang nanay sa pagbabalik nito.  Sa bahay naman ng mga Lim, susubukan namang i-comfort nina Abby (Mutya Orquia) at Nikki (Janella Salvador) ang kanilang kuya Luke (Jerome Ponce) dahil sa stress na nae-experience niya sa kolehiyo.
Luke, Nikki, Abby and JomaLRSa susunod na episode ng kilig-serye, bilang bagong nanay ng mga anak ni Ser Chief sa kaniyang unang asawa, tinuruan niya ang mga ito lalo na si Abby, sa tamang paggamit ng mga digital gadgets na maaaring makaistorbo sa kanilang pag-aaral.  Binisita rin ni Maya ang kaniyang Obstetrician – Gynecologist para sa posibleng pagbubuntis nito.  Sinubukan naman ni Ser Chief na sorpresahin si Maya ngunit na-disappoint ito nang hindi sinasagot ni Maya ang mga tawag ng kaniyang asawa.  Ngunit agad din namang bumawi si Maya pag-uwi niya galing trabaho.  Ang episode na ito ay ipapalabas sa October 12 (October 11, Riyadh at Pacific time).

Arturo and KuteLRSa unang pagkakataon ay nag-bonding ang mag-Lolo na sina Cho at Arturo sa susunod na episode na ipapalabas sa October 19 (October 16 London time and October 18, Riyadh at Pacific time).

Ngunit nabigla ang lahat sa pamilya ni Maya nang hindi mapakali si Nanay Teresita na nagpakaba lalo kay Kute.   Nadiskubre naman ni Ser Chief ang ilang impormasyon sa kaniyang mga anak na nagpagalit dito: ang Facebook account ng bunso at bata niyang anak na si Abby, ang matinding paghanga ni Nikki kay Niccolo (Marlo Mortel), at ang bagsak na grado ni Luke sa isang subject niya sa college.

Sa final episode ngayong buwan ng October na ipapalabas sa ika-26 ng Oktubre (October 23 London time and October 25, Riyadh at Pacific time), problemado pa rin sina Luke at kaniyang mga kapatid sa galit ng kanilang ama.  Samantala, sinubukan naman ni Arturo na magkaayos sila ni Kute at naisip niya na bigyan ito ng pre-Christmas gift.  Maayos na sana ang lahat hanggang sa masabi ni Arturo sa kaniyang mga kapit-bahay sa San Nicolas ang sikretong planong ni Kute na magka-eatery.  Dito lalong nagalit si Kute sa kaniyang ama.

Maaayos pa ba ang mga problemang umiikot sa mundo nina Maya at Ser Chief?  Huwag palalampasin ang programang pampamilya at nagpapahalaga sa pamilya, ang sub-titled version ng “Be Careful With My Heart” sa English para rin sa enjoyment ng non-Filipino speaking viewers  ngayong October, tuwing Linggo (tuwing Huwebes, London time at Sabado, Riyadh at Pacific time) sa TFC worldwide.  Maaari ring mapanood ang mga episodes sa pamamagitan ng video-on-demand service (internet protocol service or IPTV) at official online service ng TFC, ang TFC.tv.

Para sa karagdagang updates, bisitahin ang www.facebook.com/KapamilyaTFC o i-follow ang @KapamilyaTFC sa twitter at Instagram.

###

As newlyweds Maya (Jodi Sta. Maria) and Ser Chief (Richard Yap) prepare for the newest chapter of their lives, fate takes an interesting turn for Maya’s family and Ser Chief’s kids in the sub-titled “Be Careful With My Heart Rewind,” this October on The Filipino Channel (TFC) worldwide.

In the first episode for the month of October airing on October 5 (October 2 London time and October 4, Riyadh and Pacific time), Arturo (Pepe Pimentel) starts to mend and rekindle his relationship with his youngest daughter Maya, his wife Teresita (Sylvia Sanchez), his eldest daughter Kute (Aiza Seguerra), and his grandson and Kute’s son Cho (JM Ibañez).  Like what fathers normally do, Arturo performs some chores at home.  Kute, who has served as the father figure since her father left, finds it hard to accept Arturo back in their lives and confronts her mother about it.  Over at the Lim residence, Abby (Mutya Orquia) and Nikki (Janella Salvador) comfort their brother Luke (Jerome Ponce) who is stressed from his college duties.

On the next episode of the kilig-serye, Maya as the new mother of the Lim children, persuades the kids, especially Abby to limit the use of digital gadgets as it may interfere with their studies.  Maya also visits her Obstetrician – Gynecologist to check on her possible pregnancy.  Meantime, Ser Chief tries to surprise Maya but gets disappointed when she does not answer his call.  This leads to a rift between the two love birds.  Maya comes home from work and tries to reconcile with her husband in her sweetest way.  This episode airs on October 12 (October 9 London time and October 11, Riyadh and Pacific time).

Cho finally bonds with her lolo (grandfather) Arturo on the third episode this month airing on October 19 (October 16 London time and October 18, Riyadh and Pacific time).  However, the closeness seems to go wrong when Teresita starts to feel uneasy about it which makes Kute worry.

Ser Chief
in the meantime, gets mad because of his kids’ supposed pitfalls: Abby’s entry into the social media at her young age, Nikki’s attraction towards Niccolo (Marlo Mortel), and Luke failing one of his subjects.

In the final episode for the month of October airing on the 26th (October 23 London time and October 25, Riyadh and Pacific time), Luke and his siblings are still worried about their dad’s anger.  Meanwhile, Arturo tries to resolve the issues between him and his eldest daughter, Kute, and thinks of giving Kute a pre-Christmas gift.  Things start to go smoothly until Arturo discloses to his friends about Kute’s plans of having a small eatery in San Nicolas, which makes Kute more furious at her father.

Will the situations hounding Maya and Ser Chief be fixed? Tune in to the show that teaches the importance of family, every Sunday (Thursdays London time and Saturdays, Riyadh and Pacific time) on TFC worldwide.  Never miss a single episode of the sub-titled version of “Be Careful With My Heart” in English for non-Filipino speaking viewers also to enjoy this October via TFC’s video-on-demand service (internet protocol service or IPTV) and its official online service, TFC.tv.

Connect with fellow global Filipinos, visit www.facebook.com/KapamilyaTFC or follow @KapamilyaTFC on twitter and Instagram for more updates.

Comments are closed.