MCLISSE ASKS “IF WE FALL IN LOVE” IN FIRST JOINT SINGLE

One of the country’s most promising love teams, McLisse, composed of McCoy de Leon and Elisse Joson will make fans fall in love will their rendition of the song “If We Fall In Love, to be released by Star Music.

 

“We’re both nervous and excited to share it with you guys. We’re excited because this is another ‘first time’ for us as a love team,” said Elisse.

 

“We really prepared for this. We really took it seriously,” says McCoy. “I kept playing the song on repeat until I was already dreaming about it.”

 

Producer Rox Santos also shared that he had no difficulty working with the pair as the song suited them well. He also teased that there is a possibility for an album for the pair.

 

“We picked ‘If We Fall In Love’ because we all know their love team really swoons fans, and their journey is really something people watch out for every now and then,” said Rox. “So why not come up with a song that would bring out the ‘kilig’ in fans, and at the same time reflects the real score between them?”

 

Elisse also added, “When I read the lyrics, I said the song matches us. It’s difficult to say if it perfectly matches us, but I feel it’s really fitting.”

 

Hashtags member McCoy said he also feels a connection with the song, stating that “If We Fall In Love” does convey his status with Elisse. “There are still questions about what’s happening between us. We still don’t know what’s here, so the song really suits us,” he said.

 

The ballad, originally performed by Yeng Constantino and RJ Jimenez, was written and composed by RJ during his stay as a contestant in the 2006 hit talent-reality show “Pinoy Dream Academy.”

 

The new single is remastered by Rox Santos, featuring the voices of McCoy and Elisse. It is now available on Spotify and YouTube. For more information, visit Starmusic.ph or follow Star Music’s official social media accounts at Facebook.com/starrecordsphil, Twitter.com/starrecordsph and Instagram.com/Starmusicph.

 

-30-

MCLISSE, MAGPAPAKILIG SA UNANG SINGLE NA “IF WE FALL IN LOVE”

 

Papatunayan ng tambalang McCoy de Leon at Elisse Joson o McLisse na kaya rin nilang magpakilig sa pamamagitan ng musika sa kanilang kauna-unahang single na “If We Fall In Love” na ire-release ng Star Music.

 

Parehong ikinatuwa ng “Pinoy Big Brother Lucky Season 7″ alumni ang panibago nilang milestone, dahil ito ang kauna-unahang kantang ini-record nila nang magkasama.

 

“Kabado kami and excited na i-share sa inyo. Na-excite po kami kasi isa na naman po itong first time sa’min as a love team,” pahayag ni Elisse.

 

“Pinaghandaan talaga, sineryoso talaga namin,” pahayag ni McCoy. “Paulit-ulit ko po pinakinggan ‘yung kanta, hanggang sa napapanaginipan ko na.”

 

Ikinuwento naman ng producer na si Rox Santos na hindi ito nahirapan makipagtrabaho sa dalawa, lalo pa’t bagay na bagay raw ang kanta sa kanila. Nabanggit din nito na may posibilidad na magkaroon ng album ang McLisse.

 

“Napagdesisyunan namin na ‘If We Fall In Love’ kasi alam naman natin na sobrang kilig love team sila, tapos ‘yung journey nila talagang inaabangan every now and then,” ang sabi ni Rox. “Bakit hindi tayo mag-come up ng song na sobrang kikiligin ‘yung fans tapos talagang magre-reflect ng totoong nangyayari sa kanila?”

 

Dagdag pa ni Elisse, “Nung nakita ko po ‘yung lyrics, sabi ko bagay. Parang ang hirap sabihin na bagay, pero ‘yung na-feel ko po parang sakto sa’min.”

 

Ramdam naman ng Hashtags member na si McCoy ang kanta, at ipinahayag niyang kuwento ng kanta ang kanilang status ni Elisse. “May tanong pa rin sa mga nangyayari sa amin. Kumbaga, hindi pa namin alam kung anong meron din kaya sakto rin ‘yung kanta,” sabi ni McCoy.

 

Ang naturang duet ay orihinal na kinanta nina Yeng Constantino at RJ Jimenez, at isinulat naman ni RJ noong siya ay contestant sa 2006 na hit talent-reality show na “Pinoy Dream Academy.” Ang bagong bersyon ng kanta ng McLisee ay remastered ni Rox Santos. Mapapakinggan na ito sa Spotify at YouTube. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang Starmusic.ph o sundan ang official social media accounts ng Star Music sa Facebook.com/starmusicph, Twitter.com/starrecordsph at Instagram.com/Starmusicph.

 

-30-

Comments are closed.