MELAI’S CHARACTER IN “IPAGLABAN MO” LOCKED UP BECAUSE OF P60,000 DEBT

Melai, ikinulong sa bodega dahil sa utang sa “Ipaglaban Mo” (1)

Melai Cantiveros (Elena) plays the character of a mother who was locked up for three days by her neighbor, to whom she owed P60,000, in “Ipaglaban Mo” this Saturday (July 19).

Elena, a laundrywoman, only finished second grade in elementary. But she had big dreams for her three children. So she strived to send them to college.

Elena, however, did not earn enough for her family. Her husband had no permanent job. So she would always borrow money from her neighbor Gloria (Malou de Guzman), a sari-sari store owner. But then Gloria, an enterprising woman, charged a substantial interest on Elena’s loans. Then one day, Elena’s debts reached P60,000.

Desperate Elena would hide from Gloria whenever the latter would come to collect payment. Gloria got mad upon learning this, so she locked up Elena in her warehouse. She refused to set her free unless she signed a promissory note.

Elena suffered from dehydration and was hospitalized because of this. Her situation became worse because of her hypertension and diabetes. Elena fought for her rights and filed an illegal detention case against Gloria. Will the court take Elena’s side? What punishment might Gloria face?

Also joining the cast in this week’s episode, titled “Nang Dahil Sa Utang” and directed by Theodore Boborol, are Amy Nobleza, Yves Flores, Reign Tolentino, JB Agustin, and Paolo O’hara.

Don’t miss “Ipaglaban Mo,” the drama anthology that empowers Filipinos with knowledge of their legal rights and obligations, hosted by Atty. Jose Sison and Jopet Sison, this Saturday (July 19) after “It’s Showtime” on ABS-CBN. For more updates follow @IpaglabanMo2 on Twitter, @IpaglabanmoABSCBN on Instagram, and like the Facebook page www.Facebook.com/IpaglabanMoABSCBN.

-30-

Melai, ikinulong sa bodega dahil sa utang sa “Ipaglaban Mo” (2)

MELAI, IKINULONG SA BODEGA DAHIL SA UTANG NA P60,000 SA “IPAGLABAN MO”

Tatlong araw na ikinulong sa bodega ng kapitbahay ang karakter ni Melai Cantiveros (Elena) dahil sa utang na P60,000. Ito ang istorya na ipapalabas sa “Ipaglaban Mo” ngayong Sabado (Hulyo 19).

Hanggang ikalawang baitang sa elementarya lamang ang narating ng labanderang si Elena. Kaya naman pangarap niyang mapagtapos sa kolehiyo ang tatlo niyang anak.

Dahil sa liit ng kinikita niya at kawalan ng permanenteng trabaho ng asawa, madalas mangutang si Elena kay Gloria (Malou de Guzman), may-ari ng isang sari-sari store. Maging ang patubuang utang o 5-6 ay pinatulan na niya kaya naman hirap na siyang makaahon sa pagkakautang na umabot na sa P60,000.

Dumating sa puntong sobrang gipit at tuliro na si Elena kaya naman pinagtataguan na lamang niya ang naniningil na si Gloria. Nabuko ito ni Gloria at dahil sa galit ay ikinulong niya si Elena sa bodega ng kanyang bahay. Ayaw niya itong palabasin hangga’t hindi pumipirma sa promissory note.

Na-dehydrate at na-ospital si Elena dahil dito, at muntik niya pa itong ikamatay dahil sinumpong siya ng sakit na highblood at diabetes. Ipinaglaban ni Elena ang karapatan sa sinapit at sinampahan ng kasong illegal detention si Gloria. Panigan kaya siya ng korte? Anong parusa ang maaaring ipataw kay Gloria?

Bahagi rin ng episode na ito na pinamagatang “Nang Dahil Sa Utang” na idinerehe ni Theodore Boborol sina Amy Nobleza, Yves Flores, Reign Tolentino, JB Agustin, at Paolo O’hara.

Huwag palampasin ang “Ipaglaban Mo,” ang gabay ng mga Pilipino sa kanilang karapatan at obligasyong legal, ngayong Sabado (Hulyo 19) pagkatapos ng “It’s Showtime” sa ABS-CBN. Para sa updates, sundan ang @IpaglabanMo2 sa Twitter, @IpaglabanmoABSCBN sa Instagram, at i-like ang Facebook page nito na www.Facebook.com/IpaglabanMoABSCBN.

-30-

 

Comments are closed.