Melindo, ripe for stardom — analyst

Stardom is ripe for the taking for IBF world light flyweight division lynchpin Milan “El Metodico” Melindo (36-2; 13KOs), according to respected boxing analyst and boxing historian Atty. Ed Tolentino.

“The country is looking for a new boxing hero and I think Milan, even if he’s a little guy, he can fill this void,” said Tolentino.

This is the reason why, Tolentino said, it is important for Melindo to score the big victory in “Pinoy Pride 42: Clash For Glory” this Saturday (September 16) at the Waterfront Hotel and Casino in Cebu City, which will be airing on ABS-CBN this Sunday (September 17) at 3:30 pm and on primetime on S+A at 6:30 pm.

“El Metodico” will be defending his title for the first time after decking Akira Yaegashi against his toughest opponent to date in South African Hekkie “The Hexecutioner” Budler (31-2; 10KOs), the current ruler in the IBF light flyweight division.

Tolentino said Melindo must stay true to his moniker of “El Metodico” if he wants to win against his formidable opponent. “Budler is a pocket rocket, he is the one that’s going to instigate the hostilities. It is for Milan to stay in cruise control and not have this fight dictated by emotions. Keep it tactical, avoid the brutality that Budler will bring into this fight, which Milan has already proven that he can do.”

Meanwhile, the “Pinoy Pride 42” fight card itself packs quite a punch with Jason “El Nino” Pagara (40-2; 25KOs) also facing James Onyango (23-11-1; 19KOs) of Kenya in his continued quest to earn a title fight, while looking for his 14-straight win dating back to 2011.

According to Dyan Castillejo, who will be joining Tolentino in Saturday’s panel, Pagara is poised to go for a knockout victory as he badly needs to make a mark in the welterweight division he currently plies in.

“He might score a knockout this time as he has so much to prove and I heard that he really has been training hard. He wants to get in a world title fight already but his weight division is very competitive so he needs to step up his game,” said Castillejo, who has been covering the sport of boxing for more than 15 years.

Another thing to look forward in this edition of ALA Promotions and ABS-CBN’s boxing series are the showdowns between fellow Filipinos, which has never been done before. Great Filipino prospects John Reil Casimero (24-3; 15KOs) and Jonas Sultan (13-3; 9KOs) will figure in a title eliminator bout for the right to challenge the IBF World Jr. Bantamweight champion Jerwin Ancajas, another Pinoy. Likewise, rising stars Kevin Jake Cataraja and Wiljan Ugbaniel must put aside ties as they square off in the undercard. Aside from them, “King” Arthur Villanueva (30-2; 16KOs) will also look to get back on the winning track against Richie Mepranum (31-6-1) after dropping his last bout.

Viewers can catch “Pinoy Pride 42” on Saturday (September 16) live, without any commercial, and in high definition via SKY Sports PPV for only P99 for SKYCable, SKYdirect, One SKY, and SKYbroadband subscribers. They can call 418-0000 or their local SKY office, or visit www.mysky.com.ph/boxingppv  for more information.

There will also be a free TV airing on ABS-CBN this Sunday (September 17) at 3:30 pm and at S+A at 6:30 pm on primetime. For stories and more information about the fights and the athletes, visit ABS-CBN Sports’ online hub sports.abs-cbn.com, and follow their official social media accounts on Facebook and Twitter (@ABSCBNSports).

 

“El Metodico,” sasabak sa unang depensa sa “Pinoy Pride 42”

MELINDO, HANDA NANG KARGAHIN ANG PINOY BOKSING – ANALYST

Hinog na ang kampeon sa IBF world light flyweight division na si Milan “El Metodico” Melindo (36-2; 13KOs) para tingalain sa larangan ng boksing sa Pilipinas ayon sa respetadong boxing analyst at boxing historian na si Atty. Ed Tolentino.

“Naghahanap ng bagong boxing hero ang ating bansa and I think Milan, kahit maliit lang siya, he can fill this void kahit papaano,” ani Tolentino.

Kaya naman mahalaga raw na maipanalo ni Melindo ang laban sa “Pinoy Pride 42: Clash For Glory,” na magaganap ngayong Sabado (Setyembre 16) sa Waterfront Hotel and Casino sa Cebu City at mapapanood sa ABS-CBN sa Linggo (Setyembre 17) ng 3:30 pm at sa primetime sa S+A ng 6:30 pm.

Idedepensa ni Melindo sa unang pagkakataon ang kanyang titulo kontra sa kanyang pinakamabigat na kalaban sa kasalukuyan, ang kampeon ng IBO light flyweight division na si Hekkie “The Hexecutioner” Budler (31-2; 10KOs).

Payo ni Tolentino kay Melindo, manatiling “El Metodico.” “Huwag niyang sasabayan si Hecky Budler sapagkat ‘yun ang gusto niya… kailangan iwas ka muna…best way talaga, kung ano ang ginawa niya kay Akira Yaegashi.” Tinalo ni Melindo sa pamamagitan ng 1st round knockout si Yaegashi noong Mayo sa Japan para maagaw ang titulo.

Samantala, hitik naman sa magagandang laban ang “Pinoy Pride 42,” na tatampukin din si Jason Pagara (40-2, 25KOs) laban kay James Onyango (23-11-1, 19KOs) ng Kenya. Layunin ni “El Nino” ang makamit ang kanyang ika-14 sunod na panalo mula pa noong 2011.

Sabi ni Dyan Castillejo, na makakasama ni Tolentino sa pagbigay ng komento sa darating na Pinoy Pride, malaki ang tsansang maka-knockout si Pagara lalo na at kailangan niyang gumawa ng marka sa kanyang dibisyon.

“Baka maka-knockout siya ngayon kasi marami siyang kailangan patunayan at narinig ko na talagang naghanda siya para dito. Matagal na niyang gustong lumaban para sa world title pero napakahirap kasi ng weight division niya. Kailangan niyang iaangat ang laro niya,” ani Castillejo na mahigit 15 taon nang nagbabalita tungkol sa boksing.

Tampok din sa fightcard na ito ang unang paghaharap ng Pinoy laban sa Pinoy sa boxing event na itinaguyod ng ALA Promotions at ng ABS-CBN. Magtutuos sina John Reil Casimero (24-3; 15KOs) at Jonas Sultan (13-3; 9KOs) para sa pagkakataong malabanan ang IBF World Jr. Bantamweight champion na isa ring Pilipino na si Jerwin Ancajas. Kapwa Pilipino rin sina Kevin Jake Cataraja at Wiljan Ugbaniel na magbabanatan din sa undercard.  Bukod sa kanila, magpapakitang-gilas din si “King” Arthur Villanueva (30-2; 16KOs) kontra kay Richie Mepranum (31-6-1).

Mapapanood ang “Pinoy Pride 42” sa Sabado (Setyembre 16) ng live, walang komersyal, at sa high definition sa SKY Sports PPV sa halagang P99 para sa SKYcable, SKYdirect, One SKY, at SKYbroadband subscribers. Tumawag lang sa 418-0000 o sa lokal na SKY office, o kaya ay pumunta sa www.mysky.com.ph/boxingppv  para sa detalye.

Ipapalabas din ito sa free TV sa ABS-CBN sa Linggo (Setyembre 17) ng 3:30 pm at sa primetime sa S+A ng 6:30 pm. Para sa balita sa laban, bumisita lamang sa online sports hub ng ABS-CBN Sports na sports.abs-cbn.com, at sundan ang social media accounts nila sa Facebook at Twitter (@ABSCBNSports).

Comments are closed.