MGA SAKIT NA PANGKARANIWAN SA NANAY, BIBIGYANG PANSIN SA “SALAMAT DOK”

 

Bilang selebrasyon para sa Mother’s Day, tatalakayin ng “Salamat Dok” ang mga pangkaraniwang sakit ng mga nanay dahil sa pagta-trabaho sa bahay at opisina ngayong darating na Linggo (Mayo 14), 7:30 am sa ABS-CBN. Samahan sina Alvin Elchico at Bernadette Sembrano sa pag-alam sa mga sanhi ng karamdaman – at karampatang lunas – para sa ikagiginhawa ng ating mga ina.

Isang nanay rin ang tatapusin ang pangungulila sa mga anak, sa pagtulong ng programa sa isang 74 year gulang na lola. Pagkatapos nito, pag-uusapan din ang mga dapat gawin habang nagbubuntis, at mga paalala para maiwasan ang Shaken Baby Syndrome sa mga sanggol na anak.

Sa Sabado naman (Mayo 13) ng 6am,  sanhi ng pagkakaugat sa paa, binti at hita at ang mga posibleng epekto nito sa kalusugan sa kalaunan ang paguusapan nina Alvin at Bernadette kasama ang mga eksperto. Abangan din ang iba pang impormasyong hatid ng programa na makakatulong sa pangangalaga sa pamilyang Pilipino. Samantala, patuloy naman ang lingguhang medical mission ng “Salamat Dok” sa ABS-CBN compound upang bigyan ng libreng gamot at check-up ang mga Kapamilya.

Panoorin ang “Salamat Dok!” tuwing 6am sa Sabado at 7:30 am sa Linggo sa ABS-CBN o ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Mapapanood din ito online sa iwantv.com.ph o skyondemand.com.ph.  Para sa karagdagang impormasyon, bumisita at i-follow ang kanilang social media accounts sa Facebook (@ABSCBNsalamatdok) at Twitter (@salamatdok).

 

Comments are closed.