Millennial love story “Baka Bukas” premieres on Cinema One this Sunday

Baka Bukas on Cinema One

 

Catch a lovely tale of friendship and romance in the 2016 Cinema One Originals Film Festival Audience Choice awardee “Baka Bukas,” starring Jasmine Curtis-Smith and Louise delos Reyes, as it finally airs on cable TV via Cinema One this Sunday (August 13).

Samantha Lee’s colorful film centers on the story of Alex (Jasmine) who fell in love with her best friend Jess (Louise). One night changes everything as Jess finds out about Alex’s affection towards her, and the two are forced to confront their real feelings for each other.

Aside from being the audience’s favorite, the film also got the Best Actress nod for Jasmine and Best Sound for Andrew Milallos at the Cinema One Originals filmfest. Its cast includes Kate Alejandrino, Nelsito Gomez, and “C1 BTS” host Gio Gahol.

After its successful filmfest run that gave the movie significant social media attention, “Bakas Bukas” was released in major cinemas nationwide last March.

Cheekie Albay of Cosmo.ph praised the film’s fresh approach stating, “I applaud the film for going where other films have not dared to go: for depicting lesbian relationships as a beautiful, tender bond between two people who deserve to love and be loved openly, despite their unconventional romantic choices.”

Filmmaker Samantha also garnered positive comments on the film’s quality despite it being her directorial debut.

According to a film review published in Uglywriters.com, “she [Samantha] manages to weave a film that greatly departs the usual romance films we see in local cinema. Her focus and treatment of the lesbian and gay characters in the story makes the film relatable to anyone in the audience. She presents them as real people, just like us.”

Dare to take a chance in “Baka Bukas” on Cinema One’s Blockbuster Sunday (August 13) at 8PM. Cinema One is available on SkyCable and Destiny Cable Digital Channel 56, and Destiny Analog Ch. 37. Like Cinema One on Facebook at facebook.com/Cinema1channel to view full schedule.

-30-

“BAKA BUKAS” NINA JASMINE AT LOUISE, TAMPOK SA CINEMA ONE NGAYONG LINGGO

Abangan ang kakaibang kwento ng pagkakaibigan at pag-ibig sa 2016 Cinema One Originals Film Festival selection at Audience Choice awardee na “Baka Bukas,” kasama sina Jasmine Curtis Smith at Louise delos Reyes, sa unang beses nitong pagpapalabas sa Cinema One ngayong Linggo (Agosto 13).

Ang makulay na pelikulang ito mula sa direktor na si Samantha Lee ay tungkol kay Alex (Jasmine) na nahulog ang loob sa kanyang pinakamatalik na kaibigan na si Jess (Louise). Isang gabi ang magpapabago sa lahat nang matuklasan ni Jess ang sikreto ni Alex at mapipilitan silang harapin ang totoong nararamdaman nila para sa isa’t isa.

Nakuha din ng pelikula ang Best Actress award para kay Jasmine at Best Sound para kay Andrew Milallos mula sa Cinema One Originals filmfest. Kabilang sa cast sina Kate Alejandrino, Nelsito Gomez, at ang “C1 BTS” host na si Gio Gahol.

Matapos ang pagpapalabas nito sa naturang filmfest na tumatak sa social media, ipinalabas rin ang “Baka Bukas” sa mga malalaking sinehan sa buong bansa noong Marso.

Pinuri ni Cheekie Albay ng Cosmo.ph ang pelikula sa bagong pag-atake nito sa kakaibang kwento ng pag-ibig. Ayon sa manunulat, ipinakita ng pelikula ang lesbian relationships bilang isang magandang pagsasamahan ng dalawang tao na parehong deserving magmahal at mahalin.

Natakanggap rin ng papuri si Samantha sa magandang pagkakagawa ng pelikula, sa kabila nang ito ang kanyang directorial debut.

Ayon sa review mula sa Uglywriters.com, nagawa ng direktor na bumuo ng pelikula na malayo sa karaniwang kwento ng pag-ibig na kadalasang napapanood sa mga lokal na sinehan. Ginawa rin niyang relatable ang mga karakter sa pelikula at pinakitang sila ay makakatotohanan.

Makipagsapalaran para sa pag-ibig sa “Baka Bukas” sa “Blockbuster Sunday” ng Cinema One ngayong Agosto 13, 8PM. Mapapanood ang Cinema One sa SkyCable at Destiny Cable Digital Ch. 56, at Destiny Analog Ch. 37. Sundan ang Cinema One sa Facebook facebook.com/Cinema1channel para sa kumpletong schedule nito.

-30-

Comments are closed.