Millennial thriller “Bloody Crayons” premieres on Cinema One this February

A summer trip turned deadly…

Kapamilya stars Janella Salvador, Elmo Magalona, Jane Oineza, Ronnie Alonte, Diego Loyzaga, Sofia Andres, Maris Racal, Yves Flores, and Empoy Marquez turn violent in suspense film “Bloody Crayons,” airing on Cinema One this coming February 18.

The 2017 Star Cinema thriller, featuring a group of students in the midst of mystery and series of death, is directed by Topel Lee and is based on the book of the same name by Wattpad writer Josh Argonza and adapted to screen by Carmel Josine Jacomille, RJ Panahon, Justine Reyes de Jesus, Kenneth Lim Dagatan, and John Paul Abeller.

Nine graduating students consisting of kind-hearted Eunice (Janella), her troubled bestfriend Olivia (Jane), Olivia’s ex Kenly (Diego), Kenly’s outspoken bestfriend Justin (Yves), project leader Kiko (Elmo), prim and classy Marie (Sofia), party girl Richalaine (Maris), and mysterious new student John (Ronnie) set off to a remote island to complete a film project.

A storm suddenly brews at the island and the students are forced to stay indoors. Bored, the group decides to play “Bloody Crayons,” a form of “truth or dare” with a twist. Secrets are revealed and a huge tension builds among the group. Because of the rules of the game, one of the players drinks a cup full of a concoction that others have mixed, shockingly spasms, and eventually dies.

With this unexpected turn, the group suddenly become wary of each other. Is there a killer among them? Will they get off the island in time to save themselves?

Ace Antipolo of Movie for Millennials described “Bloody Crayons” as a great thriller. He said, “it’s fun, suspenseful, thrilling, exciting, and a surprising treat that will promise you a good time in the cinema.”

Find out who the killer is in brain-shaking “Bloody Crayons” this Sunday (Feb. 11), 8pm on Cinema One. Cinema One is available on SKYcable and Destiny Cable Digital Channel 56, and Destiny Analog Ch. 37. Like Cinema One on Facebook at facebook.com/Cinema1channel to view full schedule.

 

Bakasyong nauwi sa patayan…

“BLOODY CRAYONS,” MAMBUBULABOG SA CINEMA ONE NGAYONG PEBRERO

 

Magiging marahas ang Kapamilya stars na sina Janella Salvador, Elmo Magalona, Jane Oineza, Ronnie Alonte, Diego Loyzaga, Sofia Andres, Maris Racal, Yves Flores, at Empoy Marquez sa isa’t isa sa suspense flick na “Bloody Crayons,” na eere na sa Cinema One ngayong darating na Pebrero 18.

Base sa libro ng Wattpad writer na si Josh Argonza at idinirek naman ni Topel Lee ang 2017 barkada film mula sa Star Cinema na may kakaibang kwento ng misteryo at patayan sa pagitan ng isang grupo ng mga estudyante. Isinulat naman ang screenplay nito nina Carmel Josine Jacomille, RJ Panahon, Justine Reyes de Jesus, Kenneth Lim Dagatan, at John Paul Abeller.

Tutungo sa isang malayong isla ang siyam na college students na kinabibilangan ng mahinhin na si Eunice (Janella), kanyang problemadong bestfriend na si Olivia (Jane), ang ex nito na si Kenly (Diego), maingay na bestfriend ni Kenly na si Justin (Yves), ang project leader na si Kiko (Elmo), ang sosyal na si Marie (Sofia), ang party girl na si Richalaine (Maris), at ang bagong estudyante na si John (Ronnie) para sa isang film project.

Sa pagdating ng isang bagyo, mapipilitan ang grupong manatili sa loob ng bahay at maglaro ng “Bloody Crayons,” isang klase ng “truth or dare” game. Ilang sikreto ang mabubunyag at lalaki ang tensyon sa grupo. Kailangang mapainom ang isang player ng isang inuming bahagi ng laro at sa pag-inom nito, bigla itong manginginig at magsusuka, at sa huli—mamamatay.

Dahil sa hindi inaasahang pangyayari, magsususpetyahan ang mga magkakaibigan. May mamamatay-tao ba sa loob ng kanilang grupo? Makaalis pa kaya sila mula sa isla ng buhay?

Pinuri ni Ace Antipolo ng Movie for Millennials ang “Bloody Crayons” bilang magandang thriller film. Anya, “ito ay puno ng suspense, thrill, at excitement, at isang sorpresang treat na siguradong magbibigay ng masayang experience sa loob ng sinehan.”

Abangan ang mga kagimbal-gimbal na pangyayari sa “Bloody Crayons” ngayong Linggo (Feb. 11), 8pm, sa Blockbuster Sunday ng Cinema One. Mapapanood ang Cinema One sa SKYcable at Destiny Cable Digital Ch. 56, at Destiny Analog Ch. 37. Sundan ang Cinema One sa Facebook facebook.com/Cinema1channelpara sa kumpletong schedule nito.

Comments are closed.