“MIRABELLA” PILOT WINS TV RATINGS, TRENDS ON TWITTER

MiraBellaABS-CBN’s official summer teleserye “Mirabella” has left TV viewers mesmerized as the pilot episode of Julia Barretto and Enrique Gil’s fantasy series won in the TV ratings game and dominated Twitter’s list of worldwide trending topics last Monday (March 24).

Based on data from Kantar Media, “Mirabella” scored a national TV rating of 22% or more than double of its rival program on GMA, “Paraiso Ko’y Ikaw” that only got 10%. Julia and Enrique’s series also conquered popular social networking sites such as Twitter where the hashtag #TheStoryOfMirabella became the number one worldwide trending topic.

Meanwhile, TV viewers will surely be more captivated by the story of “Mirabella” with the birth of Daisy (Dimples Romana) and Alfred’s (James Blanco) daughter Mira. What will Osang (Pokwang) and Paeng (John Lapus) do when they find out that Mira inherited the curse that Olive (Mylene Dizon) gave Daisy? Will they be able to raise Mira as a loving and kind person despite her having a broken family?

Don’t miss the drama series that will change the true meaning of beauty, “Mirabella,” weeknights, after “TV Patrol” on ABS-CBN Primetime Bida. For more information about “Mirabella,” visit the show’s official social media accounts at Facebook.com/MirabellaOnline and Twitter.com/MirabellaOnline.

-30-

“MIRABELLA,” BINIHAG AGAD ANG PUSO NG TV VIEWERS!

Sumibol na ang naiibang ganda ng kwento ng official summer teleserye ng ABS-CBN na “Mirabella” at base sa datos mula sa Kantar Media noong Lunes (Marso 24), agad nitong binihag ang puso ng mga manonood.

Pumalo ang pilot episode ng fantaseryeng pinagbibidahan nina Julia Barretto at Enrique Gil ng national TV rating na 22% o mahigit doble ng nakuha ng katapat nitong programa sa GMA na “Paraiso Ko’y Ikaw” (10%). Bukod sa ratings, panalo rin ang serye nina Julia at Enrique sa mga sikat na social networking site tulad ng Twitter kung saan naging number one worldwide trending topic ang hashtag na #TheStoryOfMirabella.

Samantala, tiyak na lalong mapapaibig ang buong sambayanan sa kwento ng “Mirabella” sa pagsilang ng anak nina Daisy (Dimples Romana) at Alfred (James Blanco) na si Mira. Ano ang gagawin nina Osang (Pokwang) at Paeng (John Lapus) kapag natuklasan nilang minana ni Mira ang sumpang ibinigay ni Olive (Mylene Dizon) kay Daisy? Kaya ba nila itong palakihin na puno ng pagmamahal sa kabila ng pagtalikod ng kanyang ama at pagkawala ng kanyang ina?

Huwag palampasin ang teleseryeng babago sa kahulugan ng tunay na kagandahan, “Mirabella” gabi-gabi, bago mag “TV Patrol” sa Primetime Bida ng ABS-CBN. Para sa karagdagang impormasyon kaugnay ng “Mirabella” bisitahin lamang ang official social media accounts ng programa sa Facebook.com/MirabellaOnline at Twitter.com/MirabellaOnline.

-30-

Comments are closed.