New set of MNL48 top 10 aspirants revealed on “It’s Showtime”

         MNL48 Week 2 top 10 aspirants Eunice, Sayaka, Shaina, Shaira, Alice, Aria, Tin, Essel, Heart, Abby

“It’s Showtime” has kicked off the nationwide search for the first generation members of the country’s first-ever all-girl idol group MNL48, the Filipino version of Japan’s highest-selling and phenomenal idol group AKB48.

Produced by ABS-CBN and Hallo Hallo Entertainment, the search revealed its second weekly top ten aspirants, who were determined through fan votes from the top 75 girls who made it to the latest stage of the competition.

The top ten girls, led by the top-ranking Eunice of Cabanatuan, danced to the classic OPM hit “Mr. Kupido” on “It’s Showtime” last weekend. She was followed by Sayaka of Legazpi City, twins Shaina and Shaira of Cainta, Alice of Quezon City, Aria of Antipolo, Tin of Iloilo, Essel of Cavite, Heart of Malabon, and Abby Of Cavite.

Abby is the new face that joined the group, while Eunice zoomed to the top from her number six ranking last week. Val of Cavite, last week’s top one, failed to make the cut this time.

Every week, the ranking of the top 75 girls may change depending on the votes cast by their fans. Voting is also reset and reopened weekly so fans can vote again for their “oshi” or favorite on the MNL48 website (MNL48.ph) and mobile app, where the highest to the bottom ranking applicants and their audition videos are displayed.

The top 75 girls also undergo daily trainings and appear on their online show (MNL48 on YouTube) to engage with their fans.

Every Saturday, the ten girls who will receive the highest number of fan votes for the week will be revealed and perform on the “It’s Showtime” stage, boosting their chances of getting in the idol group.

The competition, meanwhile, will conclude in April with the announcement of the group’s official members.

Just like its origin and sister group AKB48, MNL48 members will be performing daily in an exclusive theater and will automatically become the first endorsers of Tokyo Girls Collection Shop, which will soon open at Vertis North Mall in Quezon City. The newest group’s supporters can also look forward to the girls’ music recording, handshake events, TV guestings, and a concert.

AKB48 is also recognized as an international sister group, with sister groups in Thailand, Taiwan, India, and Indonesia.

Who among the girls will succeed in the coming weeks and ultimately make up the country’s first-ever all-girl idol group?

Get updates on MNL48’s top 75 aspirants by watching “It’s Showtime,” tuning in to its daily online show on YouTube, and following @mnl48official on Twitter, Instagram, and Facebook.

 

Kauna-unahang all-girl idol group na MNL48, binubuo na!

Bagong top 10 aspirants ng MNL48, pinangalanan sa “It’s Showtime”

Painit na nang painit ang labanan at pasikatan sa “It’s Showtime” sa pagbubuo nito ng pinakaunang all-girl idol group ng bansa na MNL48, ang Pinoy version ng popular na grupong AKB48 ng Japan.

Pinangalanan na ang ikalawang set ng top ten girls na nanguna sa botohan mula sa top 75 girls ng kumpetisyon, na nilikha sa pagsasanib-puwersa ng ABS-CBN at Hallo Hallo Entertainment.

Nagpasikat sa “It’s Showtime” ang naturang top ten girls noong nakaraang weekend na sumayaw sa awiting “Mr. Kupido.” Kabilang dito si Eunice mula Cabanatuan, na siyang nanguna sa botohan, kasama sina Sayaka ng Legazpi City, kambal na sina Shaina at Shaira ng Cainta, Alice ng Quezon City, Aria ng Antipolo, Tin ng Iloilo, Essel ng Cavite, Heart ng Malabon, at Abby ng Cavite.

Si Abby ang bagong mukha na pasok sa top ten, samantalang umangat naman si Eunice sa tuktok mula sa kanyang top six ranking noong unang linggo. Samantala, naligwak naman si Val ng Cavite na siyang nanguna sa listahan noong nakaraang botohan.

Kada linggo, babalik sa umpisa ang botohan at muling bubuksan para sa mga tagahanga na gustong suportahan ang kanilang “oshi” o paboritong aspirant sa pamamagitan ng MNL48 website (MNL48.ph) at mobile app, kung saan makikita ang ranking ng mga aspirant at ang kanilang audition videos.

Sa ngayon, araw-araw na nagte-train ang top 75 girls at lumalabas sa online show nila (MNL48 on YouTube) upang ipakilala ang sarili at makipag-usap sa fans.

Ang sampung babae naman na makakatanggap ng pinakamaraming boto bawat linggo ang bibigyan ng pagkakataong mag-perform sa “It’s Showtime” stage tuwing Sabado, boosting their chances of getting in the idol group.

Magtatapos naman ang kumpetisyon sa Abril kung kailan papangalanan ang opisyal na mga miyembro ng MNL48.

Gaya ng AKB48, magpe-perform din ang MNL48 members araw-araw sa isang ekslusibong venue at magiging endorsers ng Tokyo Girls Collection Shop, na magbubukas sa Vertis North Mall sa Quezon City. Marami ring dapat na abangan ang kanilang fans, gaya ng paglulunsad ng kanilang mga awitin, handshake events, TV guestings, at concert.

Ang AKB48 ay isa ring international sister group, na may mga bersyon sa Thailand, Taiwan, India, at Indonesia.

Sino-sino kaya sa top 75 girls ang mamamayagpag sa mga susunod na linggo at makakarating sa dulo para bumuo sa sa ultimate Pinay idol grop?

Para sa updates sa MNL48 at para makilala pa ang top 75 girls, manood lamang ng “It’s Showtime” at ang online show nito sa YouTube araw-araw, at sundan ang @mnl48official sa Twitter, Instagram, at Facebook.

                 MNL48 Week 1 top 10 aspirants Val, Shaina, Shaira, Alice, Sayaka, Eunice, Aria, Tin, Heart, Essel

Comments are closed.