Moira, first OPM artist to lead Spotify’s Top 50 PH charts

“Titibo-Tibo” hits #1 PH spot on Spotify

Fresh from winning in the “Himig Handog 2017,” Moira dela Torre has topped the Philippines Top 50 charts of the leading digital music service Spotify with her winning song “Titibo-Tibo.”

In an announcement released on Monday by Spotify, Moira has officially ranked first in its Top 50 charts in the country, making her the first OPM artist to secure the top spot.  The music streaming site has also included the artist in their Top Hits PH playlist + cover feature.

Moira’s light, feel-good song “Titibo-Tibo,” composed by this year’s Himig Handog grand winner Libertine Amistoso, is the first ever OPM track to lead the Philippines Top 50, previously topped by foreign entries.

Aside from her Himig Handog feat, the 24-year-old musician has been making waves this year as she also made and popularized a wonderful cover of Moonstar 88’s “Torete,” the official theme song of the recent Star Cinema flick “Love You To The Stars and Back.” She also sang “Malaya,” the theme song of last year’s movie, “Camp Sawi.”

Early next year, the season 1 contestant of “The Voice of the Philippines” is expected to release her very own, much-awaited solo album under Star Music.

For more details on Moira’s upcoming shows and projects, visit Starmusic.ph, like Star Music on facebook.com/starmusicph, and follow it on Twitter and Instagram @ StarMusicPH.

 

“Titibo-Tibo,” #1 sa PH Top 50 ng Spotify

MOIRA, UNANG OPM SINGER NA NANGUNA SA SPOTIFY

Mula sa kanyang matagumpay na pagsali sa “Himig Handog 2017,” nanguna naman si Moira dela Torre sa Philippines Top 50 charts ng sikat na digital music service na Spotify para sa kanyang winning song na “Titibo-Tibo.”

Ayon sa announcement na inilabas ng Spotify noong Lunes, si Moira ay opisyal nang nasa ikaunang spot sa Top 50 charts sa bansa, at dahil dito, siya ang pinaka-unang OPM artist na nagkamit ng nasabing tagumpay. Ayon pa sa nasabing music streaming site, isinama rin siya nito sa kanilang Top Hits PH playlist + cover feature.

Ang feel-good song na “Titibo-Tibo,” mula sa composer nito na kinilalang Himig Handog grand winner na si Libertine Amistoso, ay ang unang awiting OPM na nanguna sa Philippines Top 50 ng Spotify na dati ay nasosolo lamang ng mga awiting banyaga.

Bukod sa kanyang tagumpay sa Himig Handog, ang 24-year-old musician ay unti-unti na ngang nakikilala sa larangan ng musika dahil kamakailan ay gumawa rin siya ng kanyang bersyon ng “Torete” ng Moonstar 88, at ito ay naging theme song ng pelikulang “Love You To The Stars and Back” ng Star Cinema. Siya rin ang umawit ng “Malaya” na ginamit namang theme song sa pelikulang “Camp Sawi” noong 2016.

Inaabangan na rin ang paglabas ng kanyang solo album mula sa Star Music na inaasahang ilulunsad sa susunod na taon.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga shows at proyekto ni Moira, bisitahin ang Starmusic.ph, i-like ito sa facebook.com/starmusicph, at sundan sa Twitter at Instagram @StarMusicPH.

Comments are closed.