Moira takes centerstage for her first solo concert

(L-R) Star Music audio content head Jonathan Manalo, Star Music head Roxy Liquigan, Moira dela Torre, and Cornerstone artist handler Mac Merla

Concert sold out in 4 days, now has a repeat!

New Star Music artist Moira dela Torre is all ready to brave the concert stage solo as she holds her first ever show dubbed “Tagpuan” happening for two nights at the KIA Theater on February 17 and 18.

Initially scheduled on Feb. 17 (Saturday), the concert was sold out in four days after tickets were released. It has now opened for a repeat on the next consecutive night, scheduled on Feb. 18 (Sunday), and Moira couldn’t helped but be thrilled with this development.

“When I prayed for a concert, I didn’t expect it to be sold out let alone have a repeat. My heart is overwhelmed,” shared the singer-songwriter on her Facebook page.

The Cornerstone artist just signed a two-year contract with ABS-CBN’s record label, Star Music, making her one of the musicians to look forward to this 2018 with her much-awaited solo album in the works and will be out very soon.

Moira recently made waves due to her Himig Handog 2017 win as song interpreter for “Titibo-tibo,” as well as for her “Torete” cover which was the theme song of the Star Cinema flick “Love You To The Stars and Back.” She also sang “Huling Gabi,” a song included in the soundtrack of the film “Last Night.”

Her “Tagpuan” concert, named after the song she recently wrote, will be directed by actor John Prats, produced by Cornerstone Entertainment and Bright Bulb Productions. Surprise guests await the audience.

Tickets for the February 18 show are still up for grabs and prized at P3,922 (VIP), P2650 (VIP), P2,120 (orchestra), P1,272 (loge), and P848 (balcony). Visit ticketnet.com.ph or call 911-5555 for reservation.

Catch Moira’s “Tagpuan” concert on February 17 and 18 at 8pm. For more details, visit starmusic.ph, like Star Music on facebook.com/starmusicph, and follow it on Twitter and Instagram @ StarMusicPH.

 

 

Concert ni Moira, sold out pagkatapos ng 4 na araw, may repeat agad!

MOIRA, BIBIDA NA SA SARILING CONCERT

 

Handa na ang bagong Star Music artist na si Moira dela Torre para bumida sa concert stage para sa kanyang kauna-unahang show na may titulong “Tagpuan” at magaganap sa KIA Theater sa darating na Pebrero 17 at 18.

Isang gabi lang dapat ang nakalaan sa nasabing concert na naka-iskedyul sa Pebrero 17 (Sabado) pero sold out agad ito pagkatapos ng apat na araw mula nang inilabas ang tickets para dito. Nagbukas na muli ang concert para sa ikalawang gabi, na magaganap sa Pebrero 18 (Linggo) at dahil dito, hindi na mapigil ni Moira ang kanyang excitement sa nalalapit na proyekto.

“Nung ipinagdasal ko na magkaroon ako ng concert, hindi ko inaasahan na magiging sold out ito lalo na ang magkaroon pa ng repeat. Nag-uumapaw ang saya ko,” kanyang binahagi sa sariling Facebook page.

Pumirma na rin ang Cornerstone artist ng two-year contract sa record label ng ABS-CBN, ang Star Music. Ngayong 2018 inaasahang isa siya sa mga mang-aawit na dapat abangan, lalo na ang kanyang solo album na kasalukuyan nang binubuo at ilulunsad malapit na malapit na.

Kamakailan ay umingay ang pangalan ni Moira dahil na rin sa pagkapanalo ng “Titibo-tibo” sa Himig Handog 2017, ang songwriting entry na kanyang inawit. Ang cover naman niya ng “Torete” ay nagsilbing theme song ng pelikulang “Love You To The Stars and Back” ng Star Cinema. Siya rin ang umawit ng “Huling Gabi,” ang kantang kabilang naman sa pelikulang “Last Night.”

Ang aktor na si John Prats ang magsisilbing direktor ng kanyang nalalapit na “Tagpuan” concert, na pinangalanan ayon sa titulo ng kanyang isinulat na awitin kamakailan. Ang show ay prinodyus ng Cornerstone Entertainment at Bright Bulb Productions.

Mabibili na ang tickets para sa Pebrero 18 sa halagang P3,922 (VIP), P2650 (VIP), P2,120 (orchestra), P1,272 (loge), at P848 (balcony). Bisitahin ang ticketnet.com.ph o tumawag sa 911-5555 para sa reservation.

Abangan si Moira sa “Tagpuan” concert na magaganap na sa Pebrero 17 at 18, 8pm. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang starmusic.ph, i-like ang Star Music sa facebook.com/starmusicph, at sundan ito sa Twitter at Instagram @ StarMusicPH.

Comments are closed.