“MUTYA NG MASA” PRESENTS SUCCESS STORY OF PANGASINAN’S “PUTO KING”

Karen Davila with Mang Rufo

Broadcast journalist Karen Davila tells the story of how millionaire and so-called “Puto King” of Pangasinan put up his business with an initial capital of only P70 this Wednesday (Sept 18) in “My Puhunan.”

Mang Rufo may have grown up poor, but it didn’t stop him from taking risks. With the help of his wife Leonor, he made and sold puto from their initial capital of P70.

Their business expanded into what is now known as “Bella’s Calasiao Puto and Pasalubong Center,” the biggest supplier of puto calasiao in the province. Now, it produces 40,000 to 50,000 pieces of puto in different flavors every morning. From selling four kilos of puto before, now they produce 600 kilos worth P48,000 per day.

Now a millionaire, Mang Rufo was able to send all of his six kids to college, and now owns a house, as well as poultry, mango, and rice farms.

Mang Rufo wants to share his secrets to success with couple Melchor and Lani Estrada. He will give them little capital and teach them how to prepare puto and kutsinta.

Meanwhile, Doris Bigornia grants the wish of a couple with disabilities to be married in a Christian ceremony in “Mutya ng Masa” tomorrow (Sept 17). The program will surprise the couple by preparing the wedding that will be held at Fernwood Gardens. “Mutya ng Masa” will also give an ultimate makeover to the couple’s home.

Don’t miss “My Puhunan” this Wednesday (Sept 18), and “Mutya ng Masa” tomorrow (Sept 17), 4:15PM on ABS-CBN. For updates, follow @mypuhunan and @MutyaNgMasa on Twitter or like www.facebook.com/MyPuhunan and www.facebook.com/MutyaNgMasa.

 

Dream wedding ng mag-asawang may kapansanan, sinagot ng “Mutya ng Masa”

MILYONARYONG “PUTO KING” NG PANGASINAN, P70 LANG ANG PINUHUNAN

 

Ilalahad ni Karen Davila ang kwento ng pag-asenso ng tinaguriang “Puto King” ng Pangasinan na siyang may-ari ng pinakamalaking gawaan ng puto calasiao sa probinsiya ngayong Miyerkules (Sept 18) sa “My Puhunan.”

Namulat sa mahirap na pamumuhay si Mang Rufo, ngunit hindi ito naging hadlang para sumabak siya sa pagnenegosyo. Sa tulong ng kanyang misis na si Leonor, gumawa at nagbenta sila ng mga puto mula sa puhunang P70 na inutang pa nila.

Lumago na ito para maging “Bella’s Calasiao Puto and Pasalubong Center,” na gumagawa ng 40,000 hanggang 50,000 piraso ng iba’t ibang flavor ng puto tuwing umaga. Mula sa apat na kilo dati, bumebenta na sila ngayon ng 600 kilong puto na nagkakahalagang P48,000 kada araw.

Milyonaryo na rin si Mang Rufo. Napagtapos na niya ang anim nilang mga anak, at nakapagpundar na ng tahanan, manukan, maggahan, at palayan.

Nabago ni Mang Rufo ang kanilang pamumuhay, at nais niyang ibahagi ang mga sikreto nito sa mag-asawang Melchor at Lani Estrada. Sa pagdating ni Mang Rufo sa kanilang buhay, mabibigyan ng puhunan at kaalaman ang mag-asawa sa paggawa ng puto at kutsinta. Mabilis kaya nila itong matututunan?

Samantala, pagbibigyan naman ni Doris Bigornia ang hiling ng dalawang mag-asawang may kapansanan na maikasal at humarap sa altar sa “Mutya ng Masa” bukas (Sept 17). Sa episode, ipapakita ang mabusising pagpaplano at paghahanda ng “Mutya ng Masa,” sa pangunguna ni Doris sa kasal na gaganapin sa Fernwood Gardens. Pero hindi lang yan, dahil pati make-over at gamit sa bahay ay iniregalo na rin ng programa.

Tutukan na ang katuwang ng Pilipino sa pagsisimula at tagumpay, ang “My Puhunan” ngayong Miyerkules (Sept 18), at ang katuwang sa lungkot at ligaya ng buhay, ang “Mutya ng Masa” bukas (Sept 17), 4:15PM sa ABS-CBN. Para sa updates, sundan ang @mypuhunan at @MutyaNgMasa sa Twitter o bisitahin ang www.facebook.com/MyPuhunan at www.facebook.com/MutyaNgMasa.

Comments are closed.