“MY EX AND WHYS,” “LA LA LAND” TO LIGHT UP NUVALI SKY WITH OPENAIR CINEMA ONE

Catch two film surprises this weekend as OpenAir Cinema One presents the blockbuster film “My Ex and Whys” and the 2017 Oscars’ Best Picture nominee and musical hit “La La Land” at The Fields in Nuvali, Sta. Rosa, Laguna this Saturday, April 29.

 

This huge outdoor screening event is OpenAir Cinema One’s third year in Nuvali done in partnership with Nuvali Night Sky Cinema. Tag TV also joins in this year’s revelries.

 

Grab a friend to lean on as you cry over Liza Soberano’s hugot lines in the blockbuster hit “My Ex and Whys.” Liza plays love-hesitant blogger Cali who has to work with her ex-boyfriend Gio, played by Enrique Gil, as he convinces her that he has retired from his playboy ways. The romantic flick is Liza and Enrique’s most successful movie to date, snagging P341 million worth of ticket sales worldwide since it was first shown in February.

 

Meanwhile, swoon and sing along to the “City of Stars” tune under the stars in the film “La La Land,” starring Emma Stone and Ryan Gosling who play aspiring actress Mia and jazz pianist Sebastian as they try to find their way in Hollywood. Emma nabbed the 2017 Academy Award for Best Actress for this role while Ryan got the Best Performance by an Actor in Golden Globe’s Motion Picture category for musical or comedy. The film also garnered other several Academy Awards wins including Best Director for Damien Chazelle.

 

Music by day, movies by night; the event is hosted by John Lapus and kicks off at 3PM with a special performance by Sue Ramirez and serenading music by Pinoy bands UDD (Up Dharma Down) and Maude.

 

This OpenAir Cinema One event follows the successful Boracay screening of the online and book series-turned-blockbuster film “Vince and Kath and James” held last April 8.

 

Cinema One, the Philippines’ number one cable channel, is available on Skycable Channel 56, Destiny Cable Analog 37, and Digital 57. Like Cinema One on Facebook at facebook.com/Cinema1channel to view full schedule.

 

-30-

“MY EX AND WHY’S” NG LIZQUEN, AT MUSICAL HIT NA “LA LA LAND,” IPAPALABAS SA OPENAIR CINEMA ONE SA NUVALI

 

Abangan ang dobleng handog ng OpenAir Cinema One ngayong Sabado sa pagpapalabas ng blockbuster hit na “My Ex and Whys” at ng 2017 Oscars’ Best Picture nominee at musical hit na “La La Land” sa The Fields, Nuvali, Sta. Rosa, Laguna ngayong April 29.

 

Ito na ang pangatlong taon ng OpenAir Cinema One sa Nuvali at kabahagi ang Nuvali Night Sky Cinema, at ang Tag TV ngayong taon, sa pinaka-aabangang malaking outdoor screening event na ito.

 

Magsama ng kaibigang masasandalan dahil muli mong iiyakan ang hugot lines ni Liza Soberano sa “My Ex and Whys.” Siya ay gumanap bilang Cali, isang blogger na kailangan makatrabaho ang kanyang ex-boyfriend na si Gio, ang karakter na ginampanan naman ni Enrique Gil. Dito susubukang patunayan ni Gio na nagbago na ito para kay Cali na takot namang umibig muli. Ito ang pinakamatagumpay na pelikula ng LizQuen na nakakuha ng P341 million ticket sales sa Pilipinas at sa iba’t ibang bansa mula nang una itong ipalabas noong Pebrero.

 

Maki-awit naman ng “City of Stars” sa ilalim mismo ng mga bituin kasabay ang pagpapalabas ng pelikulang “La La Land.” Ito ay pinagbidahan nina Emma Stone at Ryan Gosling bilang aspiring actress na si Mia at jazz pianist na si Sebastian na susubukang hanapin ang kanilang landas sa Hollywood. Si Emma ang hinirang na Best Actress ng Academy Awards ngayong taon habang nakuha naman ni Ryan ang Best Actor para sa musical o comedy category ng Golden Globes para sa kanilang role na ginampanan dito. Marami pang ibang Academy Awards ang natanggap ng pelikula kasama na ang Best Director award para kay Damien Chazelle.

 

Ang outdoor screening ay magsisimula ng 3PM kasama si John Lapus bilang host. Maliban sa mga nakaka-in love na mga pelikula, may special performance rin si Sue Ramirez, at haharanahin ang mga manonood ng Pinoy bands na UDD (Up Dharma Down) at Maude.

 

Ang OpenAir Cinema One event na ito ay kasunod ng matagumpay na screening sa Boracay ng online at book series na ginawang blockbuster film na “Vince and Kath and James” noong April 8.

 

Ang Cinema One ang numero unong cable channel sa bansa at ito ay mapapanood sa Skycable Channel 56, Destiny Cable Analog 37, at Digital 57. Sundan ang Cinema One sa Facebook at facebook.com/Cinema1channel para sa full schedule nito.

 

-30-

Comments are closed.