“MY PUHUNAN” TRACES SUCCESS STORY OF BEAUTY SALON FLOOR SWEEPER TURNED MILLIONAIRE

Karen Davila with MJ and Rosalie

Broadcast journalist Karen Davila traces the success story of a beauty salon floor sweeper-turned-beauty salon owner and millionaire in the latest episode of “My Puhunan” tomorrow (August 28).

MJ Aparice had to work as a house help to send himself to school in Davao. After graduating from high school, he went straight to Manila and worked as a floor sweeper at a beauty parlor where he learned the correct techniques for haircutting and styling.

MJ risked P10,000 of his savings to put up a small beauty salon in Mandaluyong in 2007. The salon immediately gained patrons for its affordable and excellent service, and in just four months, MJ was able to expand his business. Now, he already owns seven branches of Heaven’s Salon.

Now successful, MJ wants to impart what he’s learned through the years with struggling beautician Rosalie, who earns a living as a “walking parlor” and goes around her barangay to offer her manicure, pedicure, and haircutting services. Rosalie’s only wish is to have more beauty equipment and cosmetic tools, as well as to learn more about providing beauty services – a wish that will be granted by mentor MJ.

Karen, meanwhile, features actress and former “That’s Entertainment” performer Jennifer Sevilla and her shop, Lynelle’s House of Hair Fashion that sells real and synthetic hair wigs. After her mother was diagnosed with lung cancer and was starting to lose hair due to chemotherapy, Jennifer enjoyed light moments with her mother putting on different wigs. Jennifer considers her mother’s memory as the heart of her business.

Watch “My Puhunan” tomorrow (Aug 28), 4:15 PM on ABS-CBN. For updates, follow @mypuhunan on Twitter or visit www.facebook.com/MyPuhunan.

 

DATING TAGAWALIS SA PARLOR NA NAGING MILYONARYO, KIKILALANIN SA “MY PUHUNAN”

Aalamin ni Karen Davila ang sikreto ng tagumpay ng isang milyonaryang may-ari ng mga beauty salon na dati’y taga-walis lamang sa isang parlor bukas (Agosto 28) sa “My Puhunan.”

Namasukan bilang katulong si MJ Aparice upang makapagtapos ng high school sa Davao. Pagka-graduate, namasukan siya bilang taga-walis sa isang parlor sa Maynila kung saan siya natuto ng tamang techniques sa paggupit at pag-style ng buhok.

Isinugal ni MJ ang naipon niyang P10,000 para pampuhunan sa isang maliit na salon sa Mandaluyong noong 2007. Dahil sa mura at maganda ang kanyang serbisyo, sa loob lang ng apat na buwan, napalago niya ang kanyang negosyo. Sa ngayon, meron na siyang pitong branches ng beauty parlor.

Ngayong siya ay matagumpay na, aalalay naman si MJ sa beautician na si Rosalie, na nagsisilbing “walking parlor” na umiikot sa kanilang barangay at naglalako ng kanyang serbisyong manicure, pedicure, at gupit. Hiling lamang ni Rosalie na madagdagan ang kanyang mga kagamitan, pati na rin ang kanyang kaalaman pagdating sa pagpapa-byuti – isang hiling na pagbibigyan ng mentor niyang si MJ.

Pagpapaganda rin ang napiling negosyo ng celebrity businesswoman at dating “That’s Entertainment” baby na si Jennifer Sevilla na tampok sa “My Idol’s Puhunan.” Pag-aari niya ang Lynelle’s House of Hair Fashion na nagbebenta ng lahat ng klase ng wigs, mula synthetic at totoong hair wigs. Nang na-diagnose ang kanyang ina ng lung cancer at nasimulang malagasan ng buhok dahil sa chemotherapy, naging pampagaan ng loob ni Jennifer ang pagpapasuot dito ng wig. Ang alaala ng ina ang tinuturing ni Jennifer na puso ng kanyang negosyo.

Tutukan na ang katuwang ng Pilipino sa pagsisimula at tagumpay, ang “My Puhunan” bukas (Aug 28), 4:15 PM sa ABS-CBN. Para sa updates, sundan ang @mypuhunan sa Twitter o bisitahin ang www.facebook.com/MyPuhunan.

My Puhunan anchor Karen Davila 3 My Puhunan anchor Karen Davila with MJ

Comments are closed.