Mystery music game show “I Can See Your Voice” premieres on ABS-CBN

Weekend family bondings will get more fun and exciting as ABS-CBN finally premieres the local adaptation of South Korea’s hit mystery music game show “I Can See Your Voice” this Saturday (Sep 16).

 

Led by the country’s most sought after and award-winning host Luis Manzano, “I Can See Your Voice” is the first game format to be localized by ABS-CBN in partnership with Korea’s CJ E&M.

 

“What sets us apart is our humor that we Filipinos only have. This show is very casual and relax.  We just want to create an atmosphere wherein you can laugh. There no much tension in this show,” said Luis.

 

Despite being a seasoned host already, Luis admitted that he still feel pressured especially when the representative of the Korean franchise visited the country.

 

“He said, ‘In Korea, we have three hosts. Here, we have only you.’ Apparently, in Korea, there’s one host, one comedian, and a singer. Well at least I have done two out of three,” he jokingly added.

 

“I Can See Your Voice” features six secret songers and a guest star who must guess who among the contestants is a SEE-nger (one who can sing) and who among them is a SEE-ntunado (one who cannot sing or tone deaf). To help the guest star make the cut, a group of SING-vestigators composed of Angeline Quinto, Alex Gonzaga, Kean Cipriano, Wacky Kiray and Andrew E comment and give their opinions every round.

 

For the first round called Stop, LOOKs and Listen, the guest star must eliminate one secret songer based on how he or she looks. To help the guest star decide, a video profile showing the lives of the secret songers plus a very quick preview of their actual singing voice will also be played.

 

At the end of the round, the eliminated secret songer must step on the Stage of Truth and sing live to reveal if he or she is a SEE-nger or a SEE-ntunado. The eliminated secret songer will receive a consolation prize of P5,000.

 

The game gets tougher in the second round called The Voice is SYNCHING, where the five remaining secret songers must lipsynch a song. If the secret songer is a SEE-nger, he/she will lipsynch to his/her own voice and if he/she is a SEE-ntunado, he/she will sing along to someone else’s voice. Two contestants must bid goodbye at the end of the round and will receive P10,000 each.

 

In the final round called I Like to PROVE it, PROVE it, the last three secret songers will have their last chance to convince the guest star to pick them as the winner. Each one will present a piece of evidence, such as a photograph or a medal, to prove that they can really sing.

 

The guest star again picks two contestant to eliminate, who will go home with P15,000 each. The last secret songer standing will be named the winner, get P25,000 cash, and sing a duet with the guest star. If the winner is a SEE-nger, he or she will automatically get to compete in “It’s Showtime’s” “Tawag ng Tanghalan.”

 

This week, Mr. Pure Energy Gary Valenciano and Broadway Diva Lea Salonga try their luck at guessing who the SEE-nger is.

 

“I Can See Your Voice” is the first Korean game format localized by ABS-CBN. The show is a big hit in Korea and has been distributed in many countries worldwide.

 

Don’t miss the premiere of “I Can See Your Voice” this Saturday and Sunday (Sep 16 and 17), 9:30 PM in ABS-CBN.

 

 

Luis Manzano, pangungunahan ang local adaptation ng hit Korean game franchise
Bagong mystery music game show na “I Can See Your Voice,” mapapanood na sa ABS-CBN

 

Makukuha nga ba sa tingin kung sino ang marunong kumanta?

 

Makihula at maki-SEE-ya na sa pinakabagong mystery music game show sa telebisyon na “I Can See Your Voice,” sa pangunguna ng award-winning host na si Luis Manzano, simula ngayong Sabado (Sep 16) sa ABS-CBN.

 

Ang hit game show na likha ng CJ E&M sa Korea ay nasa Pilipinas na para lalong pasayahin ang bonding ng pamilya tuwing weekend at para hamumin ang talas sa pagkilatis ng mga Pinoy na likas na mahilig sa kantahan.

 

“Ang kaibahan siguro ng bersyon natin sa iba ay ‘yung humor natin na tayong Pilipino lang ang mayroon at syempre ang mga SING-vestigators natin na sina Andrew E., Kean Cipriano, Wacky Kiray, Angeline Quinto, at Alex Gonzaga. Gusto namin maparamdam sa mga tao na pwede silang magtawanan at wala masyadong tensyon dito,” sabi ni Luis.

 

Bagamat isa ng batikang host, aminado si Luis na may pressure pa rin siyang nararamdaman lalo pa noong bumisita ang representative ng Korean franchise sa bansa.

 

“Sinabi niya sa amin na sa Korea, may tatlong hosts— isang host, isang komedyante, at isang singer. Dito, ako lang. Sabi ko, mabuti dalawa sa tatlo ay nagawa ko na,” pabirong dagdag ni Luis.

 

Bawat episode, isang guest star ang makikipaghulaan kung sino sa anim na secret songers ang totoong SEE-nger at sino naman ang SEE-ntunado. Para tulungan at gabayan siya ay makikigulo at magbibigay ng samu’t saring opinyon ang SING-vestigators na sina Angeline Quinto, Alex Gonzaga, Kean Cipriano, Wacky Kiray and Andrew E.

 

Sa unang round na kung tawagin ay Stop, LOOKs, and Listen, kinakailangan mag-eliminate ng guest star ng isang secret songer base lamang sa kanyang itsura. Isang video profile din ang ipapalabas bawat secret songer na may patikim ng kanilang totoong boses.

 

Sa pagtatapos ng round, isang secret songer ang tatapak sa Stage of Truth at kakanta nang live para magkaalaman kung SEE-nger siya o SEE-ntunado. Makakatanggap siya ng P5,000 consolation prize.

 

Level up naman ang hamon sa ikalawang round na The Voice is SYNCHING kung saan isa isang magli-lipsynch ang natitirang limang secret songers. Kapag ang secret songer ay SEE-nger, boses niya ang gagamitin at kapag SEE-ntunado naman ay boses ng iba ang maririnig ng lahat. Dalawang ang magpapaalam sa round na ito na makakatanggap naman ng P10,000 each.

 

Pinakahuling round ang I like to PROVE, it PROVE it, kung saan isa-isang magpapakita ng ebidensya ang natitirang tatlong secret songers at kukumbinsihin ang guest star na sila ang piliiin para manalo sa game. Ito ay maaaring larawan, medalya, o kung ano pang maaaring magpatunay na sila ay marunong umawit.

 

Dalawa muli ang mamamaalam sa last and final round at tatanggap ng P15,000 bawat isa. Ang matitirang secret songer ang siyang tatanghaling winner, mananalo ng P25,000 cash prize, at makaka-duet ang guest star ng episode. Kung siya naman ay isang totoong singer, mayroon siyang sure slot para lumaban sa “Tawag ng Tanghalan” sa “It’s Showtime.”

 

Unang sasabak ngayong linggo ang nag-iisang Mr. Pure Energy na si Gary Valenciano at Broadway Diva Lea Salonga.

 

Ang “I Can See Your Voice” ang pinakaunang Korean game format na gagawan ng Pinoy version ng ABS-CBN. Hit na hit ang naturang programa sa Korea at mainit na ring tinanggap ang format sa iba’t ibang bansa.

 

Huwag palalampasin ang “I Can See Your Voice,” Sabado at Linggo, 9:30pm sa ABS-CBN.

 

Comments are closed.