MYX MO! 2012 CELEBRATES ANOTHER LANDMARK YEAR FOR PINOY MUSIC

With a crowd estimated at 20,000 strong, MYX MO! 2012 is proof that the Pinoy music scene is far from dead. The Marikina Sports Park was packed with music fans who enjoyed performances from artists representing different genres, all seen on MYX. Rico Blanco as his alter-ego Fiesto Bandido opened the show with a performance that was both audibly and visually stunning, kicking off one awesome celebration of homegrown talent.

MYX MO! 2012 gathered some of local music’s biggest names like Yeng Constantino, Sponge Cola, Erik Santos, Callalily, Slapshock, Urbandub, 6cyclemind, Young JV, Chicosci, Ebe Dancel, Pinoy rock icons The Dawn and Wolfgang plus Ely Buendia who played with band Pupil and debuted his new band, The Oktaves. Former frontliners of the band Freestyle Top Suzara and Jinky Vidal shared the stage for the first time in years, performing “Bakit Ngayon Ka Lang”. Pinoy Hip-Hop was in full effect this year, represented by Flip Top breakout stars Loonie and Abra who both performed their respective #1 MYX hits. Kamikazee closed the show with their signature wild, high-voltage performance which was a fitting end for a very successful year-end celebration.

Aside from all the famous names, a MYX first this year is “MYX MOment” an online search for fresh talent who gets a once in a lifetime chance to perform on the MYX MO! 2012 stage. The winner, 25-year-old musician Volts Vallejo performed his original song “Ayaw Mo, Ayaw Ko” which he wrote specifically for his “MYX MOment” audition video.

MYX VJs Nikki Gil, Chino Lui-Pio, and Nikki Gil along with MYX VJ Search 2012 winners K.A. Antonio, Michelle Ng and Michael Mariano hosted the show and also joined the thousands of netizens during the live streaming via www.myxph.com.

MYX Channel Head Andre Allan Alvarez expressed his gratitude, “Thank you to everyone who went to the Marikina Sports Park and those who logged on to myxph.com from all over the world. We are always overwhelmed by all the support from the artists and the fans who celebrate with us every year.”

Catch MYX Mo! 2012 on MYX during these dates: December 21 at 7:00 p.m. to 1:00 a.m., December 24 at 1:00 p.m. to 7:00 p.m., December 25 at 7:00 pm to 9:00pm PART 1, December 26 at 7:00 p.m. to 9:00 p.m. PART 2 and December 27 at 7:00 p.m. to 9:00 p.m. PART 3, December 29 at 6:00 p.m. to 12:00 a.m., December 31 at 10:00 p.m. to 4:00 a.m. and January 1 at 10:00 a.m. to 4:00 p.m.

For more information on MYX Mo! 2012 and its airing schedule, log on to www.myxph.com. Also, download the MYX Charts iOS from the App Store and install it free of charge.

-30-

MYX MO! 2012 IPINAGDIWANG ANG MUSIKANG PINOY

Dinagsaan ng tinatayang 20,000 katao, ang MYX MO! 2012 ay patunay na buhay na buhay ang musikang Pilipino. Ginanap sa Marikina Sports Park ang music event na sinimulan ni Rico Blanco na gumanap bilang ang kanyang alter-ego na si Fiesto Bandido.

Pinagsama-sama ng MYX MO! 2012 ang ilang malalaking pangalan ng industriya tulad nina Yeng Constantino, Sponge Cola, Erik Santos, Callalily, Slapshock, Urbandub, 6cyclemind, Young JV, Chicosci, Ebe Dancel, Pinoy rock icons The Dawn at Wolfgang at si Ely Buendia na tumugtog kasama ang bandang Pupil at nagpakilala ng kanyang bagong bandang The Oktaves. Magkasama ring umawit sa unang pagkakataon pagkalipas ng ilang taon ang former singers ng Freestyle na si Top Suzara at Jinky Vidal. Nagpakitang gilas din sa Flip Top sina Loonie at Abra ng i-rap nila ang kanilang mga numero unong hits sa MYX. Tinapos ng Kamikazee ang masayang gabi sa pamamagitan ng isang eksplosibong performance.

Sa gitna ng mga naglalakihang pangalan sa industriya, nagperform ang 25-taong-gulang na musician na si Volts Vallejo, ang napili sa “MYX MOment”, isang online search na inilunsad lamang ngayong taon. Inawit niya ang “Ayaw Mo, Ayaw Ko” na isinulat niya para sa kanyang “MYX MOment” audition video.

Sina VJ Luis Manzano, Chino Liu-Pio at Nikki Gil kasama ang MYX VJ Search 2012 winners na sina K.A. Antonio, Michael Mariano at Michelle Ng ang nag-host ng concert at nagbigay ng walang-patid na spiels para sa libo-libong netizens sa livestreaming na naganap sa www.myxph.com.
Nagbigay pasasalamat ang MYX Channel Head na si Andre Allan Alvarez, “Maraming salamat sa lahat ng dumalo sa Marikina Sports Park at sa lahat ng nanood sa myxph.com. Labis po kaming natutuwa sa suportang ibinibigay sa amin ng fans at artists taon taon.”

Panoorin ang MYX MO! 2012 sa mga sumusunod na araw: December 21, 7:00 p.m. – 1:00 a.m., December 24, 1:00 p.m. – 7:00 p.m., December 25, 7:00 pm – 9:00pm para sa unang bahagi, December 26, 7:00 p.m. – 9:00 p.m. para sa ikalawang bahagi at December 27, 7:00 p.m. – 9:00 p.m. para sa ikatlong bahagi, December 29, 6:00 p.m. – 12:00 a.m., December 31, 10:00 p.m. – 4:00 a.m. at January 1, 10:00 a.m. – 4:00 p.m.

Para sa karagdagang impormasyon, mag log-on lang sa www.myxph.com at i-download ang MYX Charts iOS mula sa App Store at i-install ito ng libre.

-30-

 

Comments are closed.