MYX welcomes Inigo Pascual as newest VJ

MYX VJ Inigo

VJ Inigo, excited to promote OPM to his generation

Inigo Pascual spreads his wings from being a performer to becoming a veejay as the leading music channel in the country, MYX, officially announces the singing sensation as the new member of the MYX Squad.

Inigo joins MYX’s roster of VJs — Robi Domingo, Sharlene San Pedro, Ai dela Cruz, Turs Daza, Sunny Kim, and Donny Pangilinan – in their daily task of hosting various shows and introducing the latest in the music scene.

The 20-year old singer revealed that it has always been his dream to become a MYX VJ, even when he was still living abroad.

“As a kid I was a fan of MYX already. So when I first became a guest celebrity VJ, I really told my handler, ‘One day I’ll be a MYX VJ!’ and it’s happening. It’s finally here, and I’m so excited to meet the MYX family and to be able to be a VJ for you guys,” gushed the “ASAP” Jambayan artist.

He may be new to the MYX Squad, but he’s definitely not new to the music scene—especially after topping various music charts with his hit single “Dahil Sa’Yo” last year.

Passionate about OPM, the new MYX VJ aims to promote local music more to his generation.

“If we want our music to be loved in other places, we should love it first in our own country. How are you gonna bring it to another country if you don’t even love your own?” said the young performer.

He also revealed that he’s excited to work with close pal Donny, and the ever-bubbly Sunny as he shares the same love for K-Pop.

Catch VJ Inigo in the following shows: MYX International Top 20, Saturdays at 6pm; MYX Daily Top 10 Pinoy Edition, Thursdays at 1am, 7am, 12pm, and 8pm; and on MYX Versions, Pop MYX, Pinoy MYX, and My MYX. MYX is available via SKYcable channel 23. For more information on MYX programming, log on to www.myxph.com, like @MYX.Philippines on Facebook, and follow MYX on Instagram (@myxph) and Twitter (@MYXPhilippines).

 

VJ Inigo, misyong i-promote pa ang OPM sa kanyang henerasyon

INIGO PASCUAL, PINAKABAGONG MYX VJ

Mula sa pagiging matagumpay na performer, papasukin naman ni Inigo Pascual ang pagiging veejay dahil opisyal nang inanunsiyo ng nangungunang music channel sa bansa, ang MYX, na ang singing sensation ang pinakabagong miyembro ng MYX Squad.

Sasamahan ni Inigo ang MYX VJs na sina Robi Domingo, Sharlene San Pedro, Ai dela Cruz, Turs Daza, Sunny Kim, at Donny Pangilinan bilang host ng iba’t ibang programa sa MYX at tagapagpakilala ng mga latest happenings sa music scene.

Ayon sa 20-anyos na singer, matagal na niyang pangarap maging MYX VJ, kahit noon pang naninirahan siya sa ibang bansa.

“Bata pa lang ako, fan na ako ng MYX. Kaya nung una akong naging guest celebrity VJ, sinabi ko talaga sa handler ko, ‘balang araw, magiging MYX VJ ako,’ tapos ngayon, nangyayari na nga. Nandito na ako, at sobrang excited akong makilala pa ang MYX family at maging VJ para sa inyo,” kwento ng “ASAP” Jambayan singer.

Hindi na bago ang binata sa mundo ng musika, lalo pa’t nanguna sa iba’t ibang music charts ang kanyang hit single na “Dahil Sa’yo” noong 2017.

Dahil sa kanyang passion sa OPM, misyon ng bagong MYX VJ na mapalaganap pa ang local music sa kanyang henerasyon.

Ayon sa binata, “kung gusto nating mahalin ang mga kanta natin si ibang lugar, dapat mahalin muna natin ito dito. Paano mo dadalhin yung musika mo sa ibang bansa kung hindi mo mahal yung sarili mong musika?”

Excited na rin si Inigo na makatrabaho ang kanyang kaibigang si Donny at ang makulit at kaaya-ayang si Sunny na kapareho niyang mahilig sa K-Pop.

Panoorin si VJ Inigo sa MYX International Top 20 tuwing Sabado, 6pm; sa MYX Daily Top 10 Pinoy Edition tuwing Huwebes, 1am, 7am, 12pm, at 8pm; at sa MYX Versions, Pop MYX, Pinoy MYX, at My MYX. Mapapanood ang MYX sa SKYcable channel 23. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.myxph.com, i-like ang @MYX.Philippines sa Facebook, o sundan ang MYX sa Instagram (@myxph) o Twitter (@MYXPhilippines).

MYX channel head Andre Allan Alvarez welcomes VJ Inigo to the MYX family. Also in photo is VJ Sunny.

MYX VJ Inigo and VJ Sunny

VJ Inigo

VJ Inigo

MYX newest VJ Inigo

Comments are closed.