NBA PLAYOFFS CONTINUES ON ABS-CBN, S+A

ABS-CBN continues to bring games from the NBA Playoffs to Filipino basketball fans through its free TV channels this weekend starting with Game 3 between defending champion Cleveland Cavaliers and the Indiana Pacers LIVE on Friday (April 21) at 7am on S+A and Game 3 between Houston Rockets and Oklahoma City Thunder on “NBASabaDOS” on Saturday (April 22) via satellite at 10am on ABS-CBN Ch.2.

Lebron James will try to lead his team to a 3-0 lead as Paul George and the Pacers look to steal a game on their home turf in their first round best-of-seven series. Meanwhile, the showdown of leading MVP candidates James Harden and Russell Westbrook moves to Oklahoma City where the home team will try to finally notch a win after losing the first two games.

NBA Sunday (April 23) on S+A brings a double-header as the San Antonio Spurs visit the Memphis Grizzlies in their den, looking for a 3-0 series lead LIVE at 8am while Stephen Curry and the Western Conference top seed Golden State Warriors challenge Damian Lillard’s Portland Trail Blazers LIVE at 10:30am straight from Moda Center in Portland.

On Monday (April 24) LIVE at 6:30am on S+A, the Chicago Bulls, which currently leads Eastern Conference top seed Boston Celtics 2-0, will play their second game at the United Center in Chicago, hoping to finish strong before the series heads back to Boston.
Do not miss the scintillating NBA Playoff drama and action on ABS-CBN and S+A. For more information and stories, visit ABS-CBN’s sports hub sports.abs-cbn.com and follow @ABSCBNSports on Facebook and Twitter.

-30-

NBA PLAYOFFS MAGPAPATULOY NA MAGPAINIT NG UMAGA SA ABS-CBN, S+A

 

Walang humpay ang paghahandog ng ABS-CBN ng NBA Playoffs sa mga Pinoy basketball fans sa mga free TV channel nito ngayong weekend na sisimulan ng Game 3 sa pagitan ng defending NBA Champions na Cleveland Cavaliers at Indiana Pacers ng LIVE sa Biyernes (April 21) ng 7am sa S+A at Game 3 ng Houston Rockets kontra Oklahoma City Thunder sa “NBASabaDos” sa darating na Sabado (April 22) via satellite ng 10am sa ABS-CBN Ch. 2.

Pangungunahan ni Lebron James ang Cavaliers na gustong makasungkit ng 3-0 lead laban kay Paul George at Pacers sa kanilang best-of-seven series. Samantala, magsasalpukan naman sa ikatlong beses ang MVP candidates na sina James Harden at Russell Westbrook sa pagpunta ng serye sa tahanan ng Thunder kung saan pipilitin nilang makakuha ng isang panalo pagkatapos ng dalawang sunod na talo.

Para naman sa NBA Sunday (April 23) sa S+A, isang double-header ang handog ng ABS-CBN sa pagpapalabas ng LIVE ng bakbakan sa pagitan ng San Antonio Spurs na bumibisita sa Memphis Grizzlies upang makuha sana ang 3-0 na kartada sa kanilang serye ng 8am. Pagkatapos niyan, magsasalpukan naman ang Golden State Warriors at Portland Trailblazers ng 10:30am LIVE mula sa Moda Center sa Portland.

Pagdating naman ng Lunes (April 24), LIVE na mapapanood sa S+A sa ganap na 6:30am ang Eastern Conference matchup sa pagitan ng top seed Boston Celtics na naghahabol sa Chicago Bulls at nais makasilat ng panalo sa homecourt ng Bulls.
Huwag palampasin ang mga umaatikabong aksyon sa mga laro ng NBA Playoffs sa ABS-CBN at S+A. Para sa karagdagang impormasyon, bumisita lamang sa online sports hub ng ABS-CBN Sports na sports.abs-cbn.com, at sundan ang social media accounts nila sa Facebook at Twitter (@ABSCBNSports). Makisali sa usapan gamit ang hashtags na #NBAsaABSCBN at #NBASabaDOS.

-30-

Comments are closed.