NIKKI AND BILLY START TO ADJUST WITH THEIR LONG-DISTANCE LOVE AFFAIR

 

Almost a month after her boyfriend, Billy Crawford flew to France to revive his music career in Europe, “Mundo Man ay Magunaw” lead star Nikki Gil shared that their relationship remains strong despite the ‘long-distance.’ 

According to Nikki, she and Billy have somehow begun to adjust in the new setup. Although it is not easy, considering the time difference and their hectic schedules, both of them exert effort to take care of their relationship while they are working hard to succeed in their respective careers. “Billy and I are okay. Yes, it’s hard to be away from each other but we make sure that we keep in touch everyday either through phone calls or Skype,” she said. 

Nikki further revealed that her solid family is a big factor with her adjustment to the long-distance love affair that she and Billy have. “I’m blessed to have a complete family. We get to help one another emotionally and spiritually by knowing what to pray for each other,” she said. 

Similar to her boyfriend Billy, Nikki’s showbiz career keeps on blossoming. After starring in several theatrical plays and making a mark now as the ‘bida-kontrabida’ in the top-caliber afternoon series “Mundo Man ay Magunaw,” Nikki expressed that she is ready to take on bigger and more challenging projects. “I still want to be the villain but with a bigger twist where I will be required to shift portrayals in a snap,” said Nikki. 

To hone her craft as an actress, Nikki continues to aspire to work with some of the most talented actors in the industry. “I’d be happy to be part of a project where I’ll get to work with serious actors with the likes of Coco Martin, from whom I’ll learn so much in terms of acting,” she said. 

Also, Nikki said that she is open to go sexy. “If the character will require it, I can do it. But to play a sexy character with a sexy theme to start with, maybe I’ll just leave that to the more professional. Because it also takes a certain talent and skill to be an effective sexy actress,” she said. 

Meanwhile, Nikki is excited with the life-changing twists that are about to happen in their afternoon soap that their loyal TV viewers will surely love. “In the story, a lot will be fixed, but many will also be destroyed. When we get to read the script on tapings, even us, the cast, are surprised with the big revelations in the show,” Nikki shared. 

Don’t miss the shocking and heart pounding revelations in “Mundo Man ay Magunaw,” weekdays at 2:30 pm, after “It’s Showtime” on ABS-CBN’s Kapamilya Gold. For more updates, log on to www.abs-cbn.com, follow @abscbndotcom on Twitter or ‘like’ their Facebook fan page http://www.facebook.com/mundomanaymagunaw

-30-

Matapos masubukang magbida at kontrabida, “Mundo Man ay Magunaw” star willing nang magpa-sexy?
NIKKI AT BILLY, ADJUSTED NA SA LONG-DISTANCE NA RELASYON 

Halos isang buwan na ang long-distance relationship ng celebrity couple na sina Nikki Gil at Billy Crawford matapos lumipad pa-France ang huli upang buhayin ang music career sa Europe. 

Kuwento ng bida ng “Mundo Man ay Magunaw,” kapwa sila nag-a-adjust ng boyfriend sa bagong set-up. Hindi man madali, gumagawa sila ng paraan na maalagaan ang kanilang relasyon habang pinagbubuti ang kani-kanilang career. Aniya, “Okay kami ni Billy. Mahirap na magkalayo pero wala naman kaming magagawa dahil desisyon namin ito. Kaya araw-araw, we keep it touch–nagtatawagan at nag-i-Skype.” 

Dagdag pa ni Nikki, malaking tulong sa adjustment niya sa long-distance na relasyon nila ni Billy ang suporta ng kanyang pamilya. “Blessed ako dahil buo ang pamilya ko. Nagkakatulungan kami physically, emotionally, and spiritually. Alam ng lahat kung anong panalangin ang kailangan ng bawat isa,” sabi niya. 

Tulad ng boyfriend niyang si Billy, patuloy din ang pagsulong ng showbiz career ni Nikki. Matapos bumida sa ilang theatrical play at ngayong nagmamarka na bilang bida-kontrabida sa de-kalibreng panghapong teleserye ng ABS-CBN, handa si Nikki na sumabak sa mas malalaki at mapanghamong proyekto. 

Upang mahasa ang talento sa pag-arte, hangad ni Nikki na makasama sa trabaho ang ilan sa pinakamahuhusay na aktor sa industriya. “Masaya ako kung sakaling makakatrabaho ko ‘yung mga serious actor kagaya ni Coco Martin, ‘yung tipong marami akong matututunan,” aniya. 

Bukas rin daw si Nikki sa pagpapa-sexy. “Kung kailangan ng character, kakayanin ko. Pero ang gumanap ng sexy role na may sexy theme mula simula, iiwan ko na lang ‘yun sa mga mas professional,” ani ni Nikki. 

Samantala, patuloy na inaanyayahan ni Nikki ang TV viewers na subaybayan ang mas umiinit na kuwento ng kanilang Kapamilya Gold teleseryeng “Mundo Man ay Magunaw.” Aniya, “Marami pa pong twists sa kwento. Maraming maayos at marami ring masisira. Kahit kami kapag nagbabasa ang script, nagkakagulatan kami. Kaya sana ay aabangan ng lahat.” 

Huwag nang bibitaw sa de-kalibreng Kapamilya Gold teleserye ng ABS-CBN, ang “Mundo Man ay Magunaw,” araw-araw, 2:30 pm, pagkatapos ng “It’s Showtime.” Para sa karagdagang impormasyon, mag-log on sa www.abs-cbn.com, sundan ang @abscbndotcom sa Twitter o i-‘like’ ang Facebook page ng show http://www.facebook.com/mundomanaymagunaw.

-30-

 

Comments are closed.