Nina Corpuz features super moms of stars in new book

Moms of KathNiel, Sen. Manny, Tony and Alex in “How To Raise a Superstar” book

Some of today’s big celebrities highly attribute their success to their doting moms, and readers will finally get to find out more about these mothers’ parenting styles plus some untold stories about their children in Nina Corpuz’s new book “How To Raise A Superstar” by ABS-CBN Publishing.

Nina interviewed Min Bernardo, Kathryn Bernardo’s mom; Pinty Gonzaga, the mother of Alex and Toni Gonzaga; Dionisia Pacquaio, the famous mommy of Sen. Manny Pacquaio; and the only actress among the featured moms, Karla Estrada, known as the ‘Queen Mother’ of Daniel Padilla. She then compiled their revelations in her much-awaited parenting book.

The author said the project aims to share parenting tips from popular moms highly acknowledged for the success of their celebrity sons and daughters. “We chose them because they are almost as visible or nearly as talked about as their children. This time we will hear their side of the story and see how close they come to the saying, ‘mother knows best,’” shared the anchor/ host in the book.

The book highlights these personalities as certified super moms. “After reading the book you will realize that the people behind these superstars are superstars themselves. Two words – Super Moms, and there is a wealth to learn from their experiences,” said Nina who is also a mother of three.

Readers will discover how Mommy Pinty has raised versatile stars in Alex and Toni and her quick tips for both parents and children who want to make it big in the industry.

Mommy D told her story of how he raised a champion like Manny, and how prayers helped her raise good and obedient children.

Karla and Min gave insights on how they raised today’s teen king and queen, Daniel and Kathryn, and also revealed 10 fast facts about the two.

The book is not just for moms who want their children to shine. It also talks about chasing dreams and dealing with failure, serving as an inspiration to dreamers who aspire to be superstars in different fields. It also includes advice from TV host and talent manager Boy Abunda, and tips from behavioral pediatrician, Dr. Francis Xavier Dimalanta.

“How To Raise A Superstar” is under ABS-CBN Publishing in partnership with Working Mom. It will soon be available in leading bookstores and newsstands nationwide for only P225.

 

 

 

Nanay nina Alex at Toni, Sen. Manny, at ng KathNiel, tampok sa bagong libro

SUPER NANAY NG MGA ARTISTA, BIDA SA LIBRO NI NINA CORPUZ

 

Kinikilala ng maraming celebrities ang kanilang mga ina bilang malaking bahagi ng kanilang tagumpay, at ngayon may pagkakataon nang mabasa ang mga kwento ng mga super nanay na ito pati na rin ang iba pang sorpresang kwento tungkol sa kanilang mga anak sa bagong libro ni Nina Corpuz na “How To Raise A Superstar” mula sa ABS-CBN Publishing.

Sinikap na makapanayam ni Nina ang ina ni Kathryn Bernardo na si Min, ang ina nina Alex at Toni Gonzaga na si Mommy Pinty, ang ina ni Sen. Manny Pacquiao na si Mommy Dionisia, at ang ina ni Daniel Padilla na si ‘Queen Mother’ Karla Estrada. Pinagsama-sama niya ang mga kwento nila sa kanyang pinakahihintay na parenting book.

Layunin ng proyektong ito na magbahagi ng tips mula mismo sa mga kilalang ina na pinaniniwalang malaking bahagi ng tagumpay ng kanilang mga anak. “Pinili namin sila dahil sila ay madalas makita o mapag-usapan tulad na lamang ng kanilang mga anak. Ngayon maririnig natin ang kanilang bersyon ng kwento at malalaman kung masasabi ba nilang totoo ang kasabihang ‘mother knows best,” ayon sa may akda.

Kikilalanin ang mga inang bahagi ng libro bilang certified super nanay. “Pagkatapos niyong mabasa ang libro, mapagtatanto niyo na ang mga tao sa likod ng mga superstars ngayon at superstars ding maituturing. Super Moms, at maraming pwedeng matutunan mula sa kanilang mga karanasan,” pagbabahagi ni Nina na isa na ring ina ngayon ng tatlong bata.

Tampok sa libro kung paano pinalaki ni Mommy Pinty ang mga versatile stars na sina Alex at Toni, pati na rin ang ilan sa kanyang tips para sa mga magulang at anak na gustong pasukin ang mundo ng showbiz.

Kwento naman ni Mommy D kung paano siya nagpalaki ng isang boxing champion, at kung paano nakatulong ang pagdarasal sa kanyang pagkakaroon ng mabubuti at masunuring mga anak.

Nagbigay naman ng mga bagong kwento sina Karla at Min kung paano nila pinalaki ang teen king at queen na sina Daniel at Kathryn, at nagbahagi rin ng 10 fast facts tungkol sa dalawa.

Ang libro ay hindi lamang para sa mga ina na gustong sumikat ang kanilang anak. Ito rin ay magbibigay inspirasyon sa mga anak sa pag-abot ng kanilang mga pangarap at magbibigay lakas ng loob sa pagtanggap ng kabiguan. Mababasa rin dito ang payo mula sa TV host at talent manager na si Boy Abunda at mga tips mula sa behavioral pediatrician na si Dr. Francis Xavier Dimalanta.

Ang “How To Raise A Superstar” ay mula sa ABS-CBN Publishing kasama ang Working Mom. Magiging available ito sa leading bookstores at newsstands sa halagang P225.

Comments are closed.