Noli De Castro back with more “kababalaghan” stories this Halloween

Halloween is not complete without veteran broadcaster Noli De Castro’s “Kababalaghan” TV special and this year, “Kabayan” promises four stories that will bring friends and families together for a good scare this Sunday afternoon (October 29) after “Banana Sundae” and once again after “Gandang Gabi Vice” on ABS-CBN.

The first story involves veteran TV host Cory Quirino, who experience being haunted by a spirit living inside an antique Bu-lul fertility idol that her then husband brought to their home. She and their househelp started to feel eerie around the house until a dark and creepy creature finally appeared before them and spoke to them.

The second story is about a woman who practiced witchcraft and was possessed by many demons. She was able to hide her identity and even served as a choir member, until a priest came to visit their church and felt that an evil presence is entering her again. This led to the woman revealing her past where she admitted to have hurt and killed many people using her powers.

In the third story, “Kabayan” will take us to the old Clark Air Base hospital, which has been a popular destination for ghost-hunting. Built in the ‘60s, the facility treated wounded American soldiers who fought in the Vietnam war. Up to this day, the spirits of those who did not make it continue to haunt the abandoned hospital.

To wrap up this year’s “Kababalaghan” special, “Kabayan” will also visit the old house in Sta. Mesa, Manila where lost souls are said to be staying. The family renting the worn down house said they have experienced many scary instances that prove they are not alone in their home. Even the neighbors have attested to seeing ghosts and even elementals in the building beside the haunted house.

Find out the stories behind the scary experiences of these Kapamilyas and witness what action was done to bring back peace in their lives on Noli De Castro’s “Kababalaghan” special this Sunday afternoon (October 29) after “Banana Sundae” and once again after “Gandang Gabi Vice” on ABS-CBN and ABS-CBN HD. Watch online via iwantv.com.ph or skyondemand.com.ph.

 

TV host Cory Quirino, nabiktima ng masamang ispirito

SAMAHAN ANG PAGBABALIK NI NOLI DE CASTRO PARA SA MGA KWENTONG “KABABALAGHAN”

 

Hindi makukumpleto ang Halloween kung wala ang nakaugaliang tradisyong Kapamilya na “Kababalaghan” TV special ni “Kabayan” Noli De Castro. Ngayong taon, apat na kwentong siguradong magbibigay ng katatakutan sa mga manonood sa darating na Linggo (Oktubre 29) pagkatapos ng “Banana Sundae” sa hapon at pagkatapos ng “Gandang Gabi Vice” naman sa gabi sa ABS-CBN.

Tampok sa unang kwento ang beteranang TV host na si Cory Quirino na ginulo ng masamang ispiritong naninirahan sa antigong Bu-lul fertility idol na inuwi ng noon ay asawa niya. Simula nang madala ang idol sa kanilang bahay, nakaramdam na sila ng kakaiba at tumindi pa ang kanilang takot nang minsang magpakita at magsalita ang itim na nilalang mula sa Bul-lul.

Ang pangalawang kwento ay tungkol sa isang babaeng may itinatagong madilim na nakaraan. Isang choir member sa simbahan si Alice nang minsan ay maramdaman ng isang bumibisitang pari na may pumapasok sa kaniyang masamang espiritu. Doon na siya napapayag na magpa-exorcise para mailabas ang mga demonyo sa kanyang katawan. Dito na rin niya inamin na siya ay dating mangkukulam na marami nang nasaktan at napatay dati gamit ang kanyang kapangyarihan.

Sa pangatlong kwento ay dadalhin tayo ni Kabayan sa ospital ng Clark Air Base na sikat puntahan ng mga gustong maghanap ng multo. Unang itinayo ang ospital noong ‘60s para sa mga Amerikanong sundalong nakipaglaban sa giyera sa Vietnam. Hanggang ngayon ay naglipana pa rin ang mga kaluluwa ng mga yumaong sugatan sa ospital.

Sa pang-apat na kwentong “Kababalaghan” naman, bumisita si “Kabayan” sa isang lumang bahay sa Sta. Mesa kung saan nagkalat daw ang mga ligaw na kaluluwa. Ang pamilyang naguupa mismo sa lumang bahay at kanilang mga kapitbahay ang nagpatotoo sa mga nakakatakot at hindi maipaliwanag na mga pangyayari doon, pati na ang pagpapakita ng kaluluwa at maging lamang-lupa sa katabing gusali ng bahay.

Alamin ang mga kwento sa likod ng mga nakakatakot na karanasan ng ilang Kapamilya at kung ano ang ginawang paraan upang maibalik ang katahimikan sa kanilang mga buhay sa “Kababalaghan” special ni “Kabayan” Noli De Castro sa Linggo (Oktubre 29) pagkatapos ng “Banana Sundae” sa hapon at pagkatapos ng “Gandang Gabi Vice” naman sa gabi sa ABS-CBN.

Comments are closed.