Nora Aunor’s “Kabisera” hits Cinema One this Sunday

A mother’s inspiring fight based on a true story

Nora Aunor, recently hailed as the 33rd PMPC Star Awards Best Actress, stars in powerful family drama “Kabisera,” premiering on Cinema One this Sunday (September 24).

The film that earned the Superstar her latest acting award revolves around her character as Mercy, the matriarch of a Filipino family dealing with hooded people who are involved in extra-judicial killings and other abuses in Philippine society. An inspiring tale based on a true story, “Kabisera” depicts a mother and wife’s biggest challenges as she uncovers her family’s involvement in shocking secrets.

Aside from being headlined by the Grand Dame of Asian Cinema, the film’s top-caliber cast includes award-winning actors Ricky Davao, JC De Vera, Jason Abalos, Victor Neri and Perla Bautista. Also joining the cast are newcomers RJ Agustin, Ronwaldo Martin, and Alex San Agustin.

“Kabisera” was part of the 2016 Metro Manila Film Festival and was cited by the screening committee for its steady directorial hand, conscientious script and effective cinematography matched by the lead actors’ faultless performances. It is directed by Real Florido and Arturo San Agustin and produced by Firestarters Productions and Silver Story Entertainment.

Catch a mother’s unremitting fight with the Superstar in “Kabisera” on Cinema One’s “Blockbuster Sunday,” Sept. 24 at 8pm. Cinema One is available on SkyCable and Destiny Cable Digital Channel 56, and Destiny Analog Ch. 37. Like Cinema One on Facebook at facebook.com/Cinema1channel to view full schedule.

 

Matinding laban ng isang ina base sa tunay na pangyayari

“KABISERA” NI NORA AUNOR, TAMPOK SA CINEMA ONE NGAYONG LINGGO

 

Mapapanood na ang Superstar na si Nora Aunor sa pelikula kung saan kinilala siya bilang 33rd PMPC Star Awards Best Actress, ang powerful family drama na “Kabisera” na ipapalabas na sa Cinema One ngayong Linggo (Setyembre 24).

Sentro ng pelikula si Mercy (Nora), ina ng pamilyang nasangkot sa gulo ng extra-judicial killings at iba pang abusong nagaganap sa lipunan. Ang inspiring na kwento nito ay base sa tunay na karanasan at umiikot sa isang ina at asawa na haharapin ang pinakamabigat na pagsubok sa pagdiskubre niya ng mga lihim na kinasasangkutan ng kanyang pamilya.

Maliban sa bidang itinuturing na Grand Dame of Asian Cinema, kasali sa top-caliber cast ng pelikula ang award-winning actors na sina Ricky Davao, JC De Vera, Jason Abalos, Victor Neri at Perla Bautista, pati na rin sina RJ Agustin, Ronwaldo Martin, at Alex San Agustin.

Kabilang ang “Kabisera” sa 2016 Metro Manila Film Festival. Binigyang pansin ng screening committee nito ang kalidad ng pelikula dahil sa epektibong direksyon, script, at sinematograpiya na sinabayan pa ng magaling na pagganap ng mga bidang artista. Ito ay mula sa direksyon nina Real Florido at Arturo San Agustin, at prinodyus ng Firestarters Productions at Silver Story Entertainment.

Panoorin ang matinding laban ng isang ina para sa kanyang pamilya kasama ang nag-iisang Superstar sa “Kabisera,” ipapalabas na sa “Blockbuster Sunday” ng Cinema One ngayong Linggo (Set. 24), 8pm. Mapapanood ang Cinema One sa SkyCable at Destiny Cable Digital Ch. 56, at Destiny Analog Ch. 37. Sundan ang Cinema One sa Facebook facebook.com/Cinema1channel para sa kumpletong schedule nito.

Comments are closed.