Noven releases debut album “Ako’y Sayo”

“Tawag ng Tanghalan” grand champion boosts OPM with distinct Pinoy sound

“Tawag ng Tanghalan” grand champion Noven Belleza marks his official debut as a recording artist and is all set to conquer the OPM scene as he launches his first album under Star Music, “Ako’y Sayo.”

Noven shared his elation on the latest break that came his way. He said, “I’m overwhelmed that from the many people who dreamed, I was given this opportunity to have my own album. I am very thankful for all the blessings.”

With the passions of Pinoys in mind, Noven offers a debut album that features a timeless and distinct Pinoy sound and brings together the compositions of some of the industry’s best songwriters such as Vehnee Saturno, Jungee Marcelo, Jonathan Manalo, and Rey Valera.

“There are inspirational songs, there is a prayer, there are songs for the brokenhearted, for those who are in love, and for those who had to leave their family to give them a better future. All the songs are dedicated to them,” he shared.

His carrier single, “Tumahan Ka Na” composed by Vehnee, has dominated the MOR 101.9 charts for ten weeks now, peaking at number one.

Fresh from the success of “Tumahan Ka Na,” the former farmer from Negros Occidental also released today (Sept 28) his second single entitled “Nais Kong Ibalik” composed by Jonathan on September 28.

Other tracks to expect in the album are “Problemang Puso” composed by Vehnee Saturno, “Lupa” by Charo Unite and Ernie Dela Peña, “Sino Ako” by Fr. Joe Casteneda, “Kung Kailangan Mo Ako” (jukebox version) from Rey Valera, and “Ako’s Sayo” by Jungee Marcelo.

A cinematic version of the OPM classic “Kung Kailangan Mo Ako” is also included as a bonus track.

Aside from his recording project, the talented soloist was also recently inducted as a member of the Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit (OPM) together with other “Tawag ng Tanghalan” singers in a joint effort of TNT Versions (TNTV) and OPM.

Noven’s “Ako’y Sayo” is now available in all music stores nationwide and all digital stores worldwide. For more information, visit Starmusic.ph or follow Star Music’s official social media accounts at Facebook.com/starrecordsphil, Twitter.com/starrecordsph and Instagram.com/Starmusicph.

Grand champion ng “Tawag ng Tanghalan,” bibida na sa recording!

NOVEN, MAGBIBIGAY INSPIRASYON SA DEBUT ALBUM NA “AKO’Y SAYO”

Matutupad na ng “Tawag ng Tanghalan” grand champion na si Noven Belleza ang kanyang pangarap na ibahagi ang kanyang puso at magbigay ng inspirasyon sa pamamagitan ng paglusad ng pinakahihintay na debut album mula sa Star Music na may titulong “Ako’y Sayo.”

“Sobrang saya ko po dahil sa dami-daming ng taong nangangarap, nabigyan po ako ng opportunity na magkaroon ng sariling album. Kaya sobrang thankful ako sa lahat ng blessings na ibinigay ninyo at ibinigay ni Lord sa akin,” pagbabahagi ng binatang singer.

Kahit baguhan pa sa industriya, pangarap ni Noven na makapaghandog ng mga walang kupas na awiting tatatak sa mga Pinoy. Kaya naman sa kanyang album, tampok ang komposisyon ng ilan sa pinakakilalang OPM songwriters gaya nina Vehnee Saturno, Jungee Marcelo, Jonathan Manalo, at Rey Valera.

“May inspirational songs, may panalangin, may para sa mga bigo at umiibig. Mayroon ding para sa lahat ng nawalay sa pamilya para magbigay ng magandang kinabukasan sa kanila. Sa kanila lahat naka-dedicate ‘yan,” he shared.

Patok sa masa ang carrier single niyang “Tumahan Ka Na” na komposisyon ni Vehnee at sampung linggo nang nasa MOR 101.9 charts at consistent number one.

Mula naman sa tagumpay nito, nakatakdang i-release ni Noven ang ikalawang single niyang “Nais Kong Ibalik” sa ngayong araw (Sept 28).

Ilan pa sa dapat mapakinggan sa pinakahihintay na album na ito ang “Problemang Puso” mula kay Vehnee Saturno, “Lupa” ni Charo Unite at Ernie Dela Peña, “Sino Ako,” isang komposisyon ni Fr. Joe Casteneda, “Kung Kailangan Mo Ako” (jukebox version) ni Rey Valera, at “Ako’y Sayo” ni Jungee Marcelo.

Tampok rin sa debut album na ito ang cinematic version ng OPM classic na “Kung Kailangan Mo Ako” bilang bonus track.

Bukod sa kanyang bagong proyekto, pormal na ring miyembro ng Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit (OPM) si Noven kasama ang ilan sa mga magagaling na singers ng “Tawag ng Tanghalan” kamakailan.

Available na ang “Ako’y Sayo” album sa music stores nationwide at sa digital stores worldwide. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang Starmusic.ph o sundan ito sa Facebook (facebook.com/starmusicph) at sa Twitter at Instagram @starmusicph.

Comments are closed.