OGIE SOARS HIGH WITH FIRST, MOMENTOUS KAPAMILYA ALBUM

 

Ogie, ABS-CBN Philharmonic Orchestra on a musical masterpiece

After his refreshing return to ABS-CBN last year, OPM icon Ogie Alcasid makes another soaring move as a Kapamilya as he launches his debut album under Star Music, “NakakaLokal,” a first-of-its-kind musical collaboration with the ABS-CBN Philharmonic Orchestra.

 

This is the first joint project of the premiere ensemble with a solo artist in an album, a history-in-the-making in the local music industry. The symphonic music of the orchestra, led by its music director Gerard Salonga, complements Ogie’s latest offering to his fans and those eagerly awaiting the newest OPM pieces to hit the radio.

 

“A song always sounds best when it’s with the orchestra as there are a lot of things you can’t do with a software that the orchestra can deliver. One of my biggest dreams was to work with the ABS-CBN Philharmonic Orchestra and it was a blessing they said yes,” Ogie shared.

 

The award-winning artist’s new collection has 10 tracks, 6 of which are original compositions including “Nakakalokal,” “Ikaw ang Tanging Pag-ibig Ko,” “Akala Ko,” “Di Na Muli,” “Di Ka Pababayaan,” and “Do You Wanna Dance With Me.”

 

He is most excited about the song “Nakakalokal” which has been chosen as the official theme song of this year’s songwriting competition, Himig Handog PPop Love Songs.

 

“It has brasses, with the horn section, with guitar and strings. It proudly showcases Pinoy music at its best,” Ogie revealed.

 

In addition to his new songs, Ogie has a medley with his wife, another OPM icon and Asia’s Songbird Regine Velasquez. These include classic hits “Kailangan Ko’y Ikaw,” “Pangako” and “Hanggang Ngayon.”

 

The singer-host-actor also has three cover songs in this highly anticipated album. These include “Kailangan Kita,” the theme song of Star Cinema’s film with the same title starring Claudine Barretto and Aga Muhlach; “Ikaw ang Aking Pangarap” from the top-rating ABS-CBN teleserye “Lobo” starring Angel Locsin and Piolo Pascual; and “Ikaw Lamang,” the theme song of the film “Dubai,” also from Star Cinema starring John Lloyd Cruz, Claudine and Aga.

 

The multi-awarded artist has released more than 20 albums in the past with gold, platinum and double platinum feats, highly contributing to the local music scene with his original compositions, well-loved and timeless love songs, and unforgettable performances.

 

His first Star Music album is produced by Jonathan Manalo. It is out now on digital stores worldwide and is available at all record bars nationwide for only P350.

 

For more information, visit Starmusic.ph or follow Star Music’s official social media accounts at Facebook.com/starrecordsphil, Twitter.com/starrecordsph and Instagram.com/Starmusicph.

-30-

Ogie, ABS-CBN Philharmonic Orchestra, nagsama sa bonggang masterpiece

OGIE, TODO SULONG SA UNA AT INAABANGANG KAPAMILYA ALBUM

 

Pagkatapos ng kanyang pagbabalik sa ABS-CBN nitong nakaraang taon, mayroon na namang malaking pasabog ang OPM icon na si Ogie Alcasid bilang Kapamilya sa kanyang paglulunsad ng unang album mula sa Star Music, ang “NakakaLokal” na isang kakaibang collaboration kasama ang ABS-CBN Philharmonic Orchestra.

 

Ito ang unang pagsasanib pwersa ng premyadong grupo sa isang solo artist para sa isang album. Kakaibang kombinasyon ang ibibigay ng beteranong singer kasama ang orchestra, sa pangunguna ng music director nito na si Gerard Salonga, para sa mga makikinig at nag-aabang sa pinakabagong mga awiting OPM sa radyo.

 

“Mas maganda ang tunog ng isang kanta kapag kasama ang orchestra kasi maraming hindi nagagawa ang makina o ang software na nagagawa ng orchestra. Pangarap ko talagang makatrabaho ang ABS-CBN Philharmonic Orchestra at blessing na pumayag sila,” kwento ni Ogie.

 

Mayroong sampung tracks ang bagong collection ni Ogie, at anim dito ay mga orihinal na komposisyon kasama na ang mga awiting “Nakakalokal,” “Ikaw ang Tanging Pag-ibig Ko,” “Akala Ko,” “Di Na Muli,” “Di Ka Pababayaan,” at “Do You Wanna Dance With Me.”

 

Pinaka-excited si Ogie sa “Nakakalokal” single na siyang napiling official theme song ng songwriting competition na Himig Handog PPop Love Songs ngayong taon.

 

“Kapag narinig mo siya, maiintindihan mo na ‘ah eto pala ‘yung album ni Ogie.’ Parang binibida niya ‘yung musikang Pinoy,” dagdag niya.

 

Bukod sa mga bagong awitin, mayroon ding medley si Ogie kasama ang kanyang maybahay, ang OPM icon at Asia’s Songbird na si Regine Velasquez. Kasama dito ang mga classic hits na “Kailangan Ko’y Ikaw,” “Pangako” at “Hanggang Ngayon.”

 

Handog din ng singer-host-actor ang tatlong cover songs sa pinaka-inaabangang album. Kasama dito ang “Kailangan Kita” na theme song ng pelikula mula sa Star Cinema na pinagbidahan nina Claudine Barretto at Aga Muhlach; “Ikaw ang Aking Pangarap” mula sa tinangkilik na ABS-CBN teleserye na “Lobo” na pinangunahan nina Angel Locsin at Piolo Pascual; at ang “Ikaw Lamang,” ang theme song naman ng pelikulang “Dubai” ng Star Cinema kasama sina John Lloyd Cruz, Claudine and Aga.

 

Higit na sa 20 album ang nagawa ng multi-awarded artist na may gold, platinum at double platinum awards. Malaki na ang naging kontribusyon niya sa local music scene sa kanyang mga orihinal na komposisyon, natatanging awitin, at mga nakakatindig balahibong performances.

 

Ang unang album niya sa ilalim ng Star Music ay prinodyus ni Jonathan Manalo. Ito ay mabibili na sa lahat ng digital stores worldwide. Mabibili rin ito sa lahat ng record bars nationwide sa halagang P350.

 

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang Starmusic.ph o sundan ang official social media accounts ng Star Music sa Facebook.com/starmusicph, Twitter.com/starrecordsph at Instagram.com/Starmusicph.

-30-

Comments are closed.