ONE Championship “Kings of Courage” and “Galaxy Battles” headline massive sports weekend on ABS-CBN S+A

 

It’s going to be another slammin’ and bangin’ weekend for Kapamilya sports fans as ABS-CBN S+A delivers the biggest sporting events from local and international basketball to mixed martial arts, European club football, and eSports.

Alab Pilipinas goes for another streak


Firing off all the intense action on Saturday (January 20) will be the ASEAN Basketball League (ABL) match between the CSL Knights Indonesia and Tanduay-Alab Pilipinas, airing LIVE from the GOT Kertajaya Surabaya in Indonesia on S+A and S+A HD starting at 8 pm. Fans can expect ABL reigning MVP Bobby Ray Parks and world import Justin Brownlee to lead Alab Pilipinas in getting another winning streak going after their huge win against one of the league’s best scoring teams, Thailand’s Mono Vampire basketball club last Sunday (January 14). Alab’s 114-87 beating of the 2015 Thailand Basketball League champion and current number two team in the ABL, surely sent a warning to the other teams in the ABL on what coach Jimmy Alapag’s boys can do to their opponents.

Catalan aims for 1st Pinoy win in ONE Championship for 2018


After the hardcourt action, we head into the cage as ONE Championship’s latest fight card, dubbed “Kings of Courage,” goes LIVE from the Jakarta Convention Center in Indonesia this Saturday (January 20) at 10 pm. On the line for the card’s main event will be the inaugural Women’s Strawweight World Championship which will be contested by Singapore’s unbeaten Tiffany “No Chill” Teo (7-0, 2 KOs) and China’s Jingnan “The Panda” Xiong (10-1, 7KOs). Meanwhile, Filipino Rene Catalan (3-2) looks to open the year on a winning note for the Pinoy fighters when he goes up against Chinese fighter Xuen Peng (1-1) in the undercard.

EPL and La Liga fever continues


On the other hand, things will heat up in England on Sunday (January 21) as Manchester City and Manchester United take on different foes to improve their respective standings in the EPL table. The Sky Blues will take the field first in Etihad Stadium against a visiting Newcastle side, as they try to further their lead which stands at 12 points clear of the Red Devils, LIVE on S+A at 1:25 am. Meanwhile, Man U’s match against Burnley will be telecast right after the Man City-Newcastle tiff at 3:30 am.

In “La Liga,” also catch Cristiano Ronaldo as he tries to lead Real Madrid back to its winning ways against Deportivo also on Sunday (January 21) at 11:10 pm LIVE on S+A.

Battle of NBA powerhouse teams


From world-class football, fans can shift to elite basketball action with the Golden State Warriors facing off once more with the Houston Rockets in what can be a preview of the Western Conference Playoffs this Sunday (January 21), with the game airing LIVE at 9:30 am on S+A and S+A HD. The last time the two teams went at each other, the Warriors’ swiss-army knife star Draymond Green dropped a triple-double in a 124-114 victory. Replays of the game will be aired at 12 nn.

eSports arrives on free TV


Last but not the least, is the groundbreaking LIVE airing of the “Galaxy Battles: Emerging Worlds” DoTA 2 tournament finals later in the afternoon at 3 pm LIVE from the Philippine Arena in Bulacan. The eSports spectacle has the entire gaming community of the Philippines waiting in bated breath to see popular international DoTA 2 teams like OG and our very own TNC squad in a battle of tactics, brains, and concentration in the virtual battleground. Shoutcasters like Nico “Kuyanic” Nazario, Jaz “Heneral Tuna” Comoda, and Bianca “Biancake” Yao, who are regularly seen on WomboXcombo, will be on deck in the event that is the fruit of ABS-CBN Integrated Sports’ and gaming talent agency Tier One’s partnership to bring eSports to free TV.

Don’t miss LIVE top-notch sporting action featuring “ONE Championship: Kings of Courage,” “Galaxy Battles: Emerging Worlds” DoTA 2 tournament, English Premier League, La Liga, the ASEAN Basketball League, and the National Basketball Association on S+A starting on Saturday (January 20). For more information and stories, visit ABS-CBN’s sports hub sports.abs-cbn.com and follow @ABSCBNSports on Facebook and Twitter.

 

 

Mainit na aksyon sa ABL, NBA, EPL, at La Liga
ONE CHAMPIONSHIP “KINGS OF COURAGE” AT “GALAXY BATTLES” TAMPOK

SA ‘SPORTS WEEKEND’ NG ABS-CBN S+A

Isa na namang umaatikabong Sabado at Linggo ang hatid ng ABS-CBN S+A sa Kapamilya sports fans sa pagpapalabas nito ng pinakamalalaking laban sa mundo ng basketball, mixed martial arts, European club football, at eSports.

Alab Pilipinas, nais magsunod-sunod muli ng panalo
Sisimulan ito sa Sabado (Enero 20) ng bakbakang CSL Knights Indonesia at Tanduay-Alab Pilipinas sa ASEAN Basketball League (ABL) na mapapanood ng LIVE sa S+A at S+A HD ng 8 pm mula sa GOT Kertajaya Surabaya, Indonesia. Muling pangungunahan nina ABL MVP Bobby Ray Parks at world import Justin Brownlee ang Alab Pilipinas sa kanilang pagratsada matapos talunin ang isa sa pinakamalakas na koponan sa ABL na Mono Vampire ng Thailand noong nakaraang Linggo (Enero 14). Sa iskor na 114-87 laban sa dating hari ng Thailand basketball, ipinakita ng mga bata ni coach Jimmy Alapag ang kaya nilang gawin sa mga kalaban.

Catalan, habol ang unang panalo ng Pinoy sa ONE Championship
Pagkatapos nito, sagupaan sa loob ng hawla ng ONE Championship naman sa pag-ere ng “Kings of Courage” ng LIVE mula sa Jakarta Convention sa Indonesia ngayong Sabado (Enero 20) ng 10 pm. Pagtatalunan sa main event ang unang Women’s Strawweight World Championship nina Tiffany “No Chill” Teo (7-0, 2 KOs) ng Singapore at Jingnan “The Panda” Xiong (10-1, 7KOs) ng China. Nais naman ng Pinoy MMA fighter na si Rene Catalan (3-2) na makamit ang unang Panalo ng isang Pilipino sa ONE Championship ngayong taon sa kanyang pagharap kay Xuen Peng (1-1) ng China sa undercard.

EPL at La Liga, muling sisipa
Samantala, sasabak sa kanya-kanyang laban ang mga tanyag na koponan ng Manchester City at Manchester United sa English Premier League para mapaganda ang kanilang estado sa liga. Live na mapapanood ang pagharap ng Sky Blues sa mga bisita mula sa Newcastle sa Linggo (Enero 21) ng 1:25 am sa S+A. Bandang 3:30 am naman ipapalabas ang labanan ng Man U at Burnley. Pagdating naman sa La Liga, muling mangunguna si Cristiano Ronaldo para sa Real Madrid kontra Deportivo sa Linggo (Enero 21), LIVE ng 11:10 pm sa S+A.

Banggaan ng dalawang heavy weight sa NBA
Mula sa world-class football, lilipat naman ang fans sa world-class basketball sa banggaan ng Golden State Warriors at Houston Rockets sa darating na Linggo (Enero 21) ng 9:30 am. Sa huling laban ng dalawang higante sa Western Conference Playoffs, nagtala ng triple-double si Draymond Green ng Warriors sa kanilang 124-114 na panalo. Mapapanood ang replay nito ng 12 nn.

eSports, mapapanood na sa Free TV
Hindi papahuli ang pasabog ng eSports sa pagpapalabas sa S+A ng LIVE ng finals ng “Galaxy Battles: Emerging Worlds” DoTA 2 tournament simula 3 pm mula sa Philippine Arena sa Bulacan. Sabik na sabik na ang komunidad ng mga gamer sa Pilipinas para mapanood ang mga sikat na international team tulad ng OG at ang sariling atin na TNC sa labanan ng taktika, utak, at konsentrasyon. Magsisilbign panel ang shoutcasters tulad nina Nico “Kuyanic” Nazario, Jaz “Heneral Tuna” Comoda, at Bianca “Biancake” Yao, na regular na napapanood sa WomboXcombo. Handog ng ABS-CBN Sports at ng gaming talent agency na Tier One ang pagdala ng eSports na event na ito sa free TV.

Huwag palampasin ang mga umaatikabong aksyon sa mundo ng sports tulad ng “ONE Championship: Kings of Courage,” “Galaxy Battles: Emerging Worlds” DoTA 2 tournament, English Premier League, La Liga, ASEAN Basketball League, at ng National Basketball Association sa S+A simula Sabado (Enero 20). Para sa karagadagang mga istorya at impormasyon, bumisita lamang sa sports.abs-cbn.com at sundan ang @ABSCBNSports sa Facebook at Twitter.

-30-

Comments are closed.