KAPAMILYA ARTISTS UNITE FOR MARAWI IN ONE MUSIC PH’S BENEFIT CONCERT

Kapamilya musicians and bands are coming together to support and help the victims of the armed conflict in Marawi City in a special live benefit concert by ABS-CBN’s music portal One Music PH on Sunday (August 6) at 6PM.

The concert, called “Awit Para sa Marawi,” will gather Xian Lim, Jake Zyrus, Alexa Ilacad, Kiana Valenciano, Sam Concepcion, Maris Racal, Ylona Garcia, Kaye Cal, Volts Vallejo, and “The Voice” champions Jason Dy, Lyca Gairanod, Elha Nympha, and Joshua Oliveros.

It will also feature performances by BoybandPH, Ang Bandang Shirley, Jensen and The Flips, Android 18, JRoa, Sam Mangubat, Iskala, Reynan Dal Anay, RJ Dela Fuente, Young JV, and Agsunta.

Fans who want to watch “Awit Para sa Marawi” can get tickets that are priced at P550, inclusive of one free shirt, at Kapamilya Tickets (ktx.abs-cbn.com).

Ticket sales will go to the Marawi relief operations of Operation Sagip, the emergency humanitarian arm of ABS-CBN Lingkod Kapamilya Foundation, Inc.

To watch the concert for free, all fans have to do is create an account on www.onemusic.ph, where they can also get instant access to music playlists, charts, videos, news and features about their favorite artists.

One Music PH is only one of the digital initiatives of ABS-CBN, the Philippines’ leading media and entertainment company, which is rapidly transitioning into an agile digital company with the biggest online presence among all media companies, and a growing list of digital properties.

Don’t forget to watch “Awit Para sa Marawi” by logging in to www.onemusic.ph on Sunday (August 6) at 6PM. For updates, just like www.facebook.com/OneMusicPH or follow @OneMusicPH on Twitter and Instagram.

 

XIAN, JAKE ZYRUS, AT IBA PANG KAPAMILYA ARTISTS MAGKAKAISA PARA SA MARAWI SA BENEFIT CONCERT NG ONE MUSIC PH

Magsasama-sama ang iba’t ibang musikero at banda para suportahan at tulungan ang mga biktima ng armadong gulo sa Marawi City sa isang special live benefit concert ng One Music PH, ang music portal ng ABS-CBN, ngayong Linggo (Agosto 6), 6PM.

Tampok sa “Awit Para sa Marawi” concert ang performances nina Xian Lim, Jake Zyrus, Alexa Ilacad, Kiana Valenciano, Sam Concepcion, Maris Racal, Ylona Garcia, Kaye Cal, Volts Vallejo, and “The Voice” champions na sina Jason Dy, Lyca Gairanod, Elha Nympha, at Joshua Oliveros.

Mapapanood din sa benefit concert ang BoybandPH, Ang Bandang Shirley, Jensen and The Flips, Android 18, pati na sina JRoa, Sam Mangubat, Iskala, Reynan Dal Anay, RJ Dela Fuente, Young JV, at Agsunta.

Available na ang tickets para sa “Awit Para sa Marawi” na nagkakahalaga ng P550. May kasama na itong isang libreng shirt at mabibili sa Kapamilya Tickets (ktx.abs-cbn.com).

Ang lahat ng halagang makukuha mula sa ticket sales ay mapupunta sa relief operations na isinasagawa sa Marawi ng Operation Sagip, ang emergency humanitarian arm ng ABS-CBN Lingkod Kapamilya Foundation, Inc.

Para mapanood ang concert nang libre, gumawa lang ng account sa www.onemusic.ph, na naglalaman ng music playlists, charts, videos, at pinakamainit na balita tungkol sa iba’t ibang artists.

Ang One Music PH ay isa lamang sa digital initiatives ng ABS-CBN, ang nangungunang media and entertainment company sa bansa, na ngayon ay nagiging isa nang digital company dahil sa patuloy nitong pangunguna kumpara sa mga katapat na network sa pagdala ng de-kalidad nitong content online at paglawak ng handog nitong digital properties.

Huwag kalimutang manood ng “Awit Para sa Marawi” sa www.onemusic.ph ngayong Linggo (Agosto 6), 6PM. Para sa updates, i-like lang ang www.facebook.com/OneMusicPH o sundan ang @OneMusicPH sa Twitter at Instagram.

Comments are closed.