Pagbabalik ni Maja bilang Lily Cruz, humataw sa ratings

Maja, agaw-eksena ang paandar sa trending na comeback bilang Lily Cruz

Kasabay ng pasabog na pagbabalik ni Maja Salvador bilang si Lily Cruz sa hit Kapamilya teleserye na “Wildflower” ay ang pasabog rin na ratings na natamo ng episode noong Lunes (Oct 9) dahil pumalo ito sa panibago nitong all-time high national TV rating na 33.8% kontra sa kalabang programa na may 18%, base sa datos ng Kantar Media.

Talaga namang tinutukan ng sambayanan ang paglantad ni Lily Cruz sa mga Ardiente matapos ang matagal na pagkubli sa katauhan ni Ivy Aguas.

Trending sa Twitter hindi lang nationwide, kung hindi pati na rin worldwide, ang agaw eksenang entrada ni Lily suot ang gold na gown at may resbak pang armadong mga kalalakihan. Hindi pa natapos ang pangangabog ni Lily dahil nagbitaw rin ito ng matatalas na salita kontra sa mga Ardiente kasama na ang pinag-usapan niyang linya na ‘Black is out. Gold is in. And just like gold, I am indestructible!”

Napabilib si @shaimue sa pinakitang galing sa pag-arte ni Maja, “Yung mapapanganga ka na lang sa galing magbitiw ni @dprincessmaja ng mga lines niya, grabe!”

Kinilabutan naman si @gulyanRAA, “Nakakatindig balahibo ang pagbabalik ng nag-iisang Lily Cruz! Ikaw na talaga!”

“’Yung mga ganitong moment sa #Wildflower dapat walang commercial! Nakakabitin! Hahahahaha!” komento ni @mesooYanmari.

Ngayong nagbalik na muli si Lily Cruz, paano kaya haharapin ng mga Ardiente ang kanyang paghihiganti?

Huwag palalampasin ang “Wildflower,” Lunes hanggang Biyernes bago mag-“TV Patrol” sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (Skycable ch 167). Para sa updates, i-follow ang @wildflowerabscbn sa Instagram, @RSBDramaUnitNew sa Twitter at i-like ang official Facebook page ng programa sahttps://www.facebook.com/wildflowerchannel2/.

Panoorin ang past episodes ng palabas sa iWant TV o sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.

 

MAJA’S WILD COMEBACK AS LILY CRUZ SCORES NEW ALL-TIME HIGH RATING FOR “WILDFLOWER”

Maja Salvador’s much awaited comeback as Lily Cruz once again became the talk of the town and gave the hit primetime series “Wildflower” its newest all-time high national TV rating of 33.8% last Monday (Oct 9), compared to its rival program’s 18%, based on data from Kantar Media.

Lily captivated viewers as she made a grand entrance and crashed the Ardientes’ victory party with class and style, wearing a scene-stealing gold gown. To add up to the tension, Lily formally announced that Ivy Aguas is officially dead and that the Ardientes may be next.

“Black is out. Gold is in. And just like gold, I am indestructible!” said Lily in her fierce comeback speech.

Netizens instantly went abuzz with the scene that made the episode’s official hashtag #WildflowerIndestructible a trending topic on Twitter nationwide and worldwide.

“Maja Salvador’s Ivy Aguas/Lily Cruz will go down as one of the most unprecedented characters in PH TV history,” shared @nafthalene99.

“AND THAT’S HOW YOU MAKE AN ENTRANCE. LONG LIVE LILY CRUZ!” said alymazingxx.

@Abby13764239, meanwhile recognized Maja’s acting prowess, “All the grandeur, set and props aside, it wouldn’t have been executed so well if Maja didn’t execute her lines perfectly.”

How will Lily’s plans to take revenge on the Ardientes change now that she is known by everyone as Lily Cruz? How will the Ardientes escape her wrath?

Don’t miss “Wildflower,” weeknights before “TV Patrol” on ABS-CBN or ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). For updates, follow @wildflowerabscbn on Instagram, @RSBDramaUnitNew on Twitter and like the show’s official Facebook page athttps://www.facebook.com/wildflowerchannel2/. Catch its latest episodes on iwantv.com.ph or skyondemand.com.ph for Sky subscribers.

 

Comments are closed.