Pagmamahal ng guro sa mga katutubong estudyante tampok sa “MMK”

Tunghayan si Nyoy Volante ngayong Sabado (Nov 11) sa “MMK” bilang isang gurong ginamit ang musika upang itaguyod ang pamilya at makapagbigay-tulong sa kanyang komunidad.

Simula pagkabata, hilig na ni Joel (Nyoy) ang musika. Dahil na rin sa kanyang amang haranista, nagpatuloy ang pagmamahal ni Joel sa musika hanggang siya ay umabot sa kolehiyo. Pansamantalang natigil ang pangarap ni Joel na maging isang mang-aawit para pagtuunan ng pansin ang kanyang pag-aaral para maging guro.

Lilipas ang panahon at isa na siyang ganap na guro. Gagamitin niya ang kaalaman para magturo sa mga katutubo sa bundok na salat na salat sa maayos na kagamitan o pasilidad pang-eskwela.

Gamit ang musika, paano niya kaya magagawang baguhin ang kalagayan ng mga batang estudyang tinuturuan niya? Ano ang mga hamon na kanyang kakaharapin?

Makakasama rin sa upcoming episode sina Antoinette Taus, Marlo Mortel, Louise Abuel, Boboy Garovillo, Suzette Ranillo, at Marc Santiago.

Ang episode ay sa ilalim ng direksyon ni Dado Lumibao at panulat ni Mae Rose Balanay at Arah Jell Badayos. Ang “MMK” ay pinamumunuan ng Business Unit Head na si Roda C. dela Cerna at Star Creatives COO na si Malou N. Santos.

Abangan ang longest-running drama anthology sa Asya, ang “MMK” tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, i-follow ang @mmkofficial sa Facebook, Twitter, at Instagram.

 

SELFLESS TEACHER USES MUSIC TO HELP INDIGENOUS COMMUNITY IN “MMK”

Nyoy Volante gives life to the story of one of the most outstanding teachers in Kabankalan, Negros Occidental, who selflessly devoted himself and his music to helping an impoverished indigenous community, this Saturday (Nov 11) in “MMK.”

As a child, Joel always loved music and was influenced by his musically inclined father. His passion for music continued until college, until his dreams of becoming a musician got temporarily halted when he focused on pursuing his studies to become a teacher.

When Joel finally became one, he used everything he learned in school to teach indigenous kids, despite the lack of proper supplies and facilities to support their learning.

How did he turn things around for these kids using only his passion for music? How did he touch and change their lives?

Joining this upcoming episode are Antoinette Taus, Marlo Mortel, Louise Abuel, Boboy Garovillo, Suzette Ranillo, and Marc Santiago. The episode is directed by Dado Lumibao and written by Mae Rose Balanay and Arah Jell Badayos. “MMK” is led by business unit head Roda C. dela Cerna and Star Creatives COO Malou Santos.

Don’t miss the longest-running drama anthology in Asia, “MMK,” every Saturday after “Little Big Shots” on ABS-CBN or ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Catch its latest episodesoniwantv.com.phorskyondemand.com.ph for Sky subscribers. For more updates, follow @mmkofficial on Facebook, Twitter, and Instagram.

 

 

 

 

 

 

Comments are closed.