“PANGAKO SA ‘YO” AIRS FINALE TOMORROW

Angelo finds out from Claudia that Simon is his real father

“PANGAKO SA ‘YO” AIRS FINALE TOMORROW. Top-rating teleserye “Pangako Sa ‘Yo” airs its finale episode tomorrow night (Feb 12) after a week of non-stop revelations. The lives of Yna (Kathryn Bernardo), Angelo (Daniel Padilla), Amor (Jodi Sta. Maria), and Eduardo (Ian Veneracion) are about to see major changes after having found out that Claudia (Angelica Panganiban) has been pretending to have amnesia, and that she is responsible for the deaths of David (Diego Loyzaga), Diego (Bernard Palanca), and Caloy (Joem Bascon). Will Angelo be able to accept Simon (Alex Medina) as his father? Will Amor and Eduardo finally realize their dream of having a whole family? “Pangako Sa ‘Yo” continues to captivate viewers nationwide as its episode yesterday (Feb 10) recorded a national TV rating of 42.1%, or 26 points higher than its rival program “That’s My Amboy” on GMA, which only got 15.4%. “Pangako Sa ‘Yo” earlier hit its all-time high national TV rating of 42.7% last Tuesday (Feb 9). Don’t miss the finale of “Pangako Sa ’Yo,” tomorrow (Feb 12) after “FPJ’s Ang Probinsyano” on ABS-CBN Primetime Bida.

 

PAGTATAPOS NG “PANGAKO SA ‘YO,” BUKAS NA! Siguradong titigil ang mundo ng mga manonood sa pagtatapos ng top-rating teleseryeng “Pangako Sa ‘Yo” sa finale episode nito bukas (Feb 12) matapos ang isang linggo ng mga sunod-sunod na pasabog at rebelasyon. Unti-unti nang nababago ang takbo ng buhay at pag-ibig ng mga karakter sa serye ngayong nailantad na ang pagkukunwari ni Claudia (Angelica Panganiban) na may amnesia siya, pati na ang katotohanang siya ang may kagagawan sa pagkamatay nina David (Diego Loyzaga), Diego (Bernard Palanca), at Caloy (Joem Bascon). Matatanggap pa kaya ni Angelo (Daniel Padilla) ang kanyang tunay na amang si Simon (Alex Medina)? Matutupad na nga ba ang pangarap nina Amor (Jodi Sta. Maria) at Eduardo (Ian Veneracion) na magkaroon ng isang buong pamilya? Pumalo kahapon (Feb 10) sa national TV rating na 42.1% ang programa, o 26 puntos na mas mataas sa nakuhang 15.4% ng “That’s My Amboy” ng GMA. Nauna nang nasungkit ng programa ang all-time high na national TV rating nitong 42.7% noong Martes (Feb 9). Huwag palampasin ang finale ng “Pangako Sa ’Yo” bukas (Feb 12) pagkatapos ng “FPJ’s Ang Probinsyano” sa ABS-CBN Primetime Bida. Para sa exclusive updates, mag-log on sa Twitter.com/StarCreativesTV at Instagram.com/StarCreativesTV.

Comments are closed.