“PATROL NG PILIPINO” CHECKS ON FLOOD-PRONE CAMANAVA

History seemed to have repeated itself last week when massive rains and floods induced by the southwest monsoon submerged barangays in Luzon, a picture reminiscent of the damages left by typhoon Ondoy in 2009.

ABS-CBN news reporter Jeff Canoy braved the flood waters to get the stories of stranded residents and affected areas in Caloocan, Malabon, Navotas, at Valenzuela (CAMANAVA). Watch his full report tomorrow (August 14) in “Patrol ng Pilipino” on ABS-CBN.

The government always keeps an eye on the CAMANAVA area, particularly Malabon, which gets flooded even during high tides. Despite the CAMANAVA flood control project, the city suffered torrential floods even worse than those brought by Ondoy.

Amidst recurring disasters, how can the said flood control project, which cost billions of pesos, reduce the vulnerability of the area to flooding disasters?

Jeck Batallones, meanwhile, will present another side of the story by checking on the informal settlers who live on creeks and waterways in Metro Manila. He will uncover the stories of families living under the bridges on South Superhighway at P. Casal in Manila whose lives and health are at risk. How do they get by during the rainy season?

Know the stories behind the news tomorrow (Aug 14) in “Patrol ng Pilipino” after “Bandila” on ABS-CBN or watch it earlier on DZMM TeleRadyo (SkyCable Channel 26), 9:15 p.m. For updates on the program, follow @Patrol_Pilipino on Twitter or like www.facebook.com/PatrolNgPilipinoTV.

 

KALAGAYAN NG CAMANAVA MATAPOS ANG HABAGAT, BUBUSISIIN SA “PATROL NG PILIPINO”

Mistulang naulit ang bagyong Ondoy sa delubyong sinapit ng Metro Manila noong nakaraang linggo bunsod ng southwest monsoon o habagat.

Sinuong ni Jeff Canoy ang baha upang ihatid ang aktwal na kalagayan ng mga binahang barangay at nasalantang residente sa Caloocan, Malabon, Navotas, at Valenzuela (CAMANAVA) na lubhang naapektuhan. Panoorin ang buong ulat niya bukas (Agosto 14) sa “Patrol ng Pilipino” sa ABS-CBN.

Nakatuon ang atensyon ng pamahalaan sa CAMANAVA area partikular sa Malabon na kahit high tide ay lumulubog sa tubig. Sa kabila ng pagkakaroon ng flood control project, mas matindi pa sa Ondoy ang bahang naranasan ng mga residente rito.

Matapos ang ulan at humpuha ang baha, bulto naman ng basura ang naiwan sa mga kalsada. Sa kabila ng paulit-ulit na kalamidad, paano mas makakatulong ng pangmatagalan ang CAMANAVA flood control project na bilyong piso ang halagang ginugol ng pamahalaan?

Samantala, tuwing baha, hindi lang problema sa basura ang nauungkat. Kasama na rin dito ang isyu ng mga informal settler sa ilalim ng mga creek at estero sa Metro Manila. Ilalahad ni Jeck Batallones ang kwento ng mga pamilyang nanininirahan sa ilalim ng mga tulay sa South Superhighway at P. Casal sa Maynila. Sa kabila ng peligro sa kanilang buhay at kalusugan, paano nila itinatawid ang maghapon sa ilalim ng tulay lalo na kung panahon ng tag-ulan?

Alamin ang mga kwento ng ating mga kababayang napinsala ng matinding pag-ulan at pagbaha bukas (Agosto 14) sa “Patrol ng Pilipino” pagkatapos ng “Bandila” sa ABS-CBN o sa mas maagang pag-ere nito sa DZMM TeleRadyo (SkyCable Channel 26), 9:15 p.m. Para sa updates ng programa, sundan ang @Patrol_Pilipino sa Twitter o i-like ang www.facebook.com/PatrolNgPilipinoTV.

Comments are closed.