“PATROL NG PILIPINO” EXAMINES K-12 EDUCATION PROGRAM

The start of the new school year has signaled the rollout of the first phase of the country’s new K-12 education system, which still faces criticism despite the Aquino administration’s drive to promote it.

Tomorrow (June 5) in “Patrol ng Pilipino,” news reporter Jing Castaneda will examine the Department of Education’s reformed K-12 basic education curriculum based on its claimed pros and cons and how the government has prepared for the education system’s major overhaul.

The K-12 program seeks to equip students with the necessary skills and competencies to be more globally competitive by adding two more years to senior high school, among other changes.

Are Filipino students ready for this change? Have most parents remained pessimistic about the new education curriculum?

Meanwhile, Gretchen Malalad will scour Metro Manila to see how some cities support families who have difficulty providing school supplies to their kids, including providing free education, bags, and school supplies. She will also discuss in her report the same old problems school children in Caloocan, Malabon, Navotas, and Valenzuela City face every year, such as flooded classrooms.

Know the stories behind the biggest issues in Philippine education tomorrow (June 4) in “Patrol ng Pilipino” after “Bandila” on ABS-CBN or watch it earlier on DZMM TeleRadyo (SkyCable Channel 26), 9:15 p.m.

-30-

SISTEMANG K-12, BUBUSISIIN SA “PATROL NG PILIPINO”

Kasabay ng pagbabalik eskwela ngayong taon ang pagsisimula ng sistemang pang-edukasyong K-12 sa bansa na bagama’t pinapanukalang mas makatutulong sa mag-aaral na Pinoy ay dagdag- kalbaryo lang daw sa mga magulang.

Bukas (Hunyo 5) sa “Patrol ng Pilipino,” malalimang uusisain ni Jing Castaneda ang bagong sistemang ito ng Department of Education sa pamamagitan ng pagtimbang ng mga sinasabing mabuti at hindi mabuting katangian nito at ang mga paghahandang isinasagawa ng pamahaalaan para sa implementasyon nito.

Nilalayong bigyan ng K-12 curriculum ng mas dekalidad na edukasyon ang mga mag-aaral at sapat na panahon para mahasa ang kanilang iba’t ibang kakayahan at husay sa pamamagitan ng pagdagdag ng dalawa pang antas sa dati’y apat na taon lang sa sekundarya.

Handa na nga ba ang mga estudyanteng Pilipino sa pagbabagong ito? Ano nga ba ang saloobin ng mga magulang tungkol dito?

Samantala, lilibutin naman ni Gretchen Malalad ang buong Kamaynilaan para alamin kung tinutulungan ng ilang mga lungsod ang kakulangan ng mga pamilyang matugunan ang pangangailangan ng mga batang estudyante ngayong pasukan. Sa kanyang ulat, makikita rin ang taun-taong problemang hinaharap ng mga mag-aaral sa mga paaralan sa Caloocan, Malabon, Navotas, at Valenzuela City gaya ng pagbaha at kakulangan ng maayos na silid-aralan.

Alamin ang kwento sa likod ng mga balita at pinakamaiinit na isyung pang-edukasyon bukas (Hunyo 5) sa “Patrol ng Pilipino” pagkatapos ng “Bandila” sa ABS-CBN o sa mas maagang pag-ere nito sa DZMM TeleRadyo (SkyCable Channel 26), 9:15 p.m.

-30-

Comments are closed.