Paulo at Ritz lalabanan ang oras at kamatayan sa pagtatapos ng “The Promise of Forever”

Oras at kamatayan ang magiging kalaban ng pagmamahalan nina Laurence (Paulo Avelino) at Sophia (Ritz Azul) ngayong nakatakda nang isagawa ni Marlon (Tonton Gutierrez) ang kanyang mga eksperimento sa immortal man upang mabuo ang inaasam niyang miracle drug sa huling araw ng “The Promise of Forever.”

Magiging matinik ang huling pagsubok ng magkasintahan dahil nadakip na nga ni Marlon si Laurence at hindi na patatakasin pa upang makuha ang huling sangkap ng miracle drug. Bilang ganti rin sa pagkamatay ng kanyang ama at anak, sisiguraduhin ni Marlon na maghihirap sa kanyang kamay ang immortal man hanggang sa huli nitong hininga.

Ibubuwis naman ni Sophia ang kanyang buhay upang makasama ang lalaking habambuhay niyang mamahalin. Makakatulong din niya si Philip (Ejay Falcon) upang mabawi si Laurence mula sa kapahamakan.

Ano nga kaya ang naghihintay na kapalaran kina Sophia at Laurence? Ito na nga ba ang katapusan ng walang hanggang nilang pagmamahalan?

Huwag palampasin ang huling araw ng “The Promise of Forever” sa ABS-CBN at sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Para mapanood ang past episodes ng programa, pumunta lamang sa iWant TV o sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.

Paulo, Ritz battle against time and death in “The Promise of Forever” finale

Laurence and Sophia face the biggest battle of their lives as they fight against time and death now that Marlon has his hands on the immortal man and is moments away from creating the miracle drug in “The Promise of Forever” finale.

Victory is almost within Marlon’s reach after he successfully abducted Laurence, whose body contains the final ingredient needed for the miracle drug. But in order to avenge the death of his father and son, Marlon will also make sure that the immortal man suffers under his care by torturing Laurence to death.

Despite the danger that lies ahead of her, Sophia will risk her life to save her fiancé to fulfill their promises of forever love. Philip (Ejay Falcon) will also help her find the love of her life and be by her side until the end.

Will Sophia still see Laurence alive? Will this be the end of their eternal love?

Don’t miss the “The Promise of Forever” finale on ABS-CBN and ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). To watch the show’s past episodes, log in to iWant TV or on skyondemand.com.ph for Sky subscribers.

Comments are closed.