Paulo, Ritz, at Ejay gagamitin ang pag-ibig upang bigyang kahulugan ang walang hanggan sa “The Promise of Forever”

Titigil ang oras ng mga manonood dahil matutunghayan na ang kuwento ng pag-ibig na panghabambuhay na isinumpa ng tadhana sa “The Promise of Forever,” na mapapanood na simula Lunes (Sep 11) sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN.

Bibigyan ng bagong kahulugan ng “The Promise of Forever” ang walang hanggan dahil imbes na maging susi sa masayang pagmamahalan, ito ang magiging hadlang upang makamtan ng dalawang taong itinakda ang inaasam-asam nilang buhay at pag-ibig.

Kilalanin si Nicolas (Paulo Avelino), ang lalaking tinaguriang ‘immortal man.’ Hindi ito tumatanda at namamatay, kaya naman hangga’t wala pang lunas ang karamdaman, sinisiguro niyang hindi siya iibig sa sino man upang hindi masaktan nang paulit-ulit sa pagkamatay ng mga minamahal.

Sa pamumuhay niya sa mundo nang mag-isa, marami siyang makikilala at isa na nga rito si Sophia (Ritz Azul), ang batang iniligtas niya mula sa isang sunog. Lubos ang pasasalamat sa ikalawang buhay, gagamitin ni Sophia na inspirasyon ang lalaking nagligtas sa kanya upang magsikap at bigyan ng maayos na kinabukasan ang pamilya.

Matapos ang maraming taon, magkukrus muli ang landas ng dalawa sa cruise ship na pinagtatrabahuhan ni Sophia. Pipilitin ng dalagang kilalanin si Nicolas at aalamin kung siya nga ba ang lalaking nagligtas sa kanya, hanggang sa hindi inaasahang mahulog ang loob nila sa isa’t-isa. Ngunit magiging balakid pa rin ang sumpa ng ‘immortal man’ sa pagmamahalan ng dalawa na pipigil sa kanilang maabot ang buhay nilang inaasam.

Bukod naman sa imortal na buhay, magiging hadlang din sa pagmamahalan nila si Philip (Ejay Falcon), ang lalaking nagmamahal kay Sophia na gagawin ang lahat upang mapasakanya ito. Sabay rin dito ang panganib na dala ni Marlon (Tonton Gutierrez), ang lalaking may misyong tapusin ang buhay ni Nicolas.

Mahanap pa kaya ni Nicolas ang lunas sa kanyang sumpa? Paano nga kaya maipaglalaban ni Sophia ang pagmamahal niya para kay Nicolas kung nakahadlang sa kanila si Philip?

Bukod sa mga maiinit nitong mga eksnea, siguradong magiging kaabang-abang ang mga tagpo ng “The Promise of Forever” dahil dadalhin nito ang mga manonood sa mga magagandang tanawin ng Czech Republic, Belgium, Netherlands, at Poland. Kasasabikan din ang premyadong cast ng serye kasama sina Cherry Pie Picache, Amy Austria, Benjie Paras, Susan Africa, Ynna Asistio at Nico Antonio. Ito ay sa ilalim ng direksyon nina Darnel Villaflor at Hannah Espia.

Huwag palampasin ang kuwento ng pangako ng walang hanggang pag-ibig sa “The Promise of Forever,” ngayong Lunes na sa ABS-CBN at sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167) Para sa karagdagang impormasyon, sundan lang ang @DreamscapePH sa Instagram at Twitter at facebook.com/dreamscapeph sa Facebook.

PAULO, RITZ, EJAY USE LOVE TO GIVE NEW MEANING TO ETERNAL LIFE IN “THE PROMISE OF FOREVER”

Time will stop for viewers who will witness the much-awaited tale of love that is forever cursed by fate in ABS-CBN’s newest series “The Promise of Forever,” which airs on Monday (Sep 11) in ABS-CBN’s Kapamilya Gold.

Viewers will see another side of forever as the upcoming Kapamilya series shows how it will forbid two lovers from getting the love and life they aspire for.

Get to know Nicolas (Paulo Avelino), an immortal man who does not age and die. With his condition, he keeps himself from falling in love so he will not feel the pain of losing his loved ones over and over again.

But as he goes on with his life alone, he meets Sophia (Ritz Azul), a young girl he saves from a burning house. Thankful for her second life, Sophia makes the man who saved her as her inspiration and grows up responsible and hardworking for her family.

After several years, their paths once again cross in a cruise ship where Sophia is working as a seawoman and Nicolas as one of its passengers. Because of Nicolas’ uncanny resemblance to the man who saved her life, Sophia persists on knowing Nicolas and tries to learn about his past.

As they spend more time together, they fall in love with each other, but the immortal man’s curse gets in their way and keeps them from having their happy ever after.

But aside from the unbreakable spell, Sophia’s lover Philip (Ejay Falcon) will also make sure that Sophia and Nicolas do not end up together and will do whatever it takes to win her heart back. Also putting their lives in danger is Nicolas’ descendant Marlon (Tonton Gutierrez), whose mission is to end Nicolas’ life.

Will Nicolas find the cure to his curse? How will Sophia fight for Nicolas with Philip on their way?

Meanwhile, “The Promise of Forever” will bring viewers to some of the best and most scenic views in eastern and western European countries such as Czech Republic, Belgium, the Netherlands, and Poland. Also bringing more excitement to the series is its stellar cast that includes Cherry Pie Picache, Amy Austira, Benjie Paras, Susan Africa, Ynna Asistio, and Nico Antonio. It is under the direction of Darnel Villaflor and Hannah Espia.

Don’t the story of love that is forever cursed by fate, “The Promise of Forever,” airing this Monday on ABS-CBN and ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). For more information, follow @dreamscapeph on Instagram and Twitter and like facebook.com/dreamscapeph on Facebook.

Comments are closed.