PBA ROOKIES TERRENCE ROMEO AND RR GARCIA DENY RIVALRY IN “TAPATAN NI TUNYING”

Terrence Romeo, Anthony Taberna, and RR Garcia

UAAP’s Most Valuable Players and PBA rookies Terrence Romeo and Ryan Roose “RR” Garcia both deny their rumored rivalry, particularly during the UAAP games where they both played for Far Eastern University, in “Tapatan Ni Tunying” this Thursday (December 5).

“RR and I don’t have a rift. People think that we are competing on the hardcourt, but no. We are just giving our best to help our team to win,” Romeo said.

“If it were true, we would have lost in the very first round of the game. We both work very hard,” Garcia added.

Romeo and Garcia were recently drafted in the PBA under the team GlobalPort Batang Pier, signed three-year contracts, and got maximum rookie deals. They will receive P8.5 million each during the span of the deal.

More than the amount they will receive as official PBA players, the two are happy to finally achieve their dreams of getting into professional basketball and playing with the country’s top players.

“Our new teammates warmly welcomed us. The veteran players are always guiding and mentoring us. We are so happy,” Romeo shared.

Aside from clarifying issues about them, the two basketball heartthrobs will also talk about their respective relationships in the episode.

Don’t miss “Tapatan ni Tunying” (TNT) this Thursday, 4:45 PM on ABS-CBN’s Kapamilya Gold. For updates, follow @TNTunying on Twitter or like its Facebook page www.facebook.com/TNTunying.

 

ALITAN AT SAPAWAN NINA TERRENCE ROMEO AT RR GARCIA SA HARDCOURT, PINABULAANAN SA “TAPATAN NI TUNYING” 

Itinanggi nina Terrence Romeo at Ryan Roose “RR” Garcia, parehong UAAP Most Valuable Players at ngayo’y PBA rookies, ang usap-usapang matagal na silang may alitan at palaging nagsasapawan, partikular na sa mga laro nila sa UAAP kung saan kinatawan nila ang Far Eastern University sa “Tapatan Ni Tunying” ngayong Huwebes (December 5).

“Wala po kaming alitan ni RR. Pareho lang po kaming gustong tumulong sa team. Akala nila nagsasapawan kami, pero ang gusto lang namin ay parehong makatulong sa team at manalo,” pahayag ni Romeo.

“Maraming nagsasabi na parang hindi kami buo sa team namin dahil nagkakainitan daw kami. Pero hindi naman totoo yun. Kasi pareho naman yung laro namin. Kung ganoon e ‘di sana dati sa first round pa lang nagkatalo-talo na kami,” pag-sang-ayon ni Garcia.

Kamakailan ay parehong napili ang dalawa ng PBA team na Global Port Batang Pier, kung saan pumirma sila ng three-year contract at nabigyan pa ng maximum rookie deals. Dahil dito ay makakatanggap sila ng kabuuang P8.5 million.

Bukod sa halagang kanilang kikitain, higit na masaya ang dalawang bagitong basketbolista dahil natupad na ang kanilang pangarap na makapasok sa PBA. Makakasalamuha rin nila sa court ang mga iniidolo nila sa larangan ng basketball.

“Sobrang ang pag-welcome nila. ‘Yung mga beterano sa team, lagi nila kaming ginagabayan kung may mga hindi pa kami nalalaman. Sobrang saya namin,” sabi ni Terrence.

Bukod sa pagbibigay linaw sa mga isyung kanilang kinasasangkutan ay uusisain din ni Anthony Taberna ang buhay pag-ibig ng dalawang heartthrobs ng basketball.

Huwag palampasin ang “Tapatan ni Tunying” (TNT) ngayong Huwebes, 4:45 PM sa ABS-CBN Kapamilya Gold. Para sa updates, sundan ang @TNTunying sa Twitter o i-like ang www.facebook.com/TNTunying.

Comments are closed.