Philippine multi-media stars Piolo Pascual and Toni Gonzaga reunite in an atypical love story, “Last Night”

Two of the Philippines’ largest and leading multi-media conglomerate, ABS-CBN’s brightest stars Piolo Pascual and Toni Gonzaga reunite in Star Cinema’s latest movie offering, “Last Night”, which will screen outside the Philippines starting October 6 via TFC@theMovies in key countries worldwide.

The film, directed by hitmaker Joyce Bernal, is the reunion project of Pascual and Gonzaga after their box-office film “Starting Over Again” in 2014. This also serves as the big screen comeback of Gonzaga after her last film “You’re My Boss” in 2015.

 

In the film, Gonzaga will give life to Carmina, a bright-eyed, idealistic young woman who has given up on life. “Sometimes you feel na you always have it together but in reality, you are really broken in the inside”, she shares.

Pascual plays Mark, a businessman who has lost the will to live. Pascual identifies with the humanness of Mark.  He understands how Mark was at the end of his rope and opted for his last resort to end all his worries.

 

“Naintindihan ko iyong pagiging human niya. Naintindihan ko iyong reason niya, kaya naintindihan ko iyong pagiging tao niya. As my character, I was reaching my boiling point kaya I wanted to end it. I was coming from these troubles na kinasuotan ko, and being left alone — parang that was my last resort (I understand him and his reasons, human as he is. To channel my character — I was reaching my boiling point which is why I wanted to end my life. I knew the troubles I got involved with, and being left alone — that was my last resort)”, he expounds.
Their paths cross during the lowest points of their lives. Believing they are on to the last night of their lives, they make a pact that starts as a friendship and eventually blossoms into love.

 

As Pascual and Gonzaga mark the comeback of their team up with very different roles, producer Star Cinema, together with N2 and Spring Films take the bold move of exploring a new movie genre –– night romance –– a tale of a dark but hopeful love story.

The unconventional screenplay is written by actress Bela Padilla. This is the fourth screenplay she has written, and the first to be produced by Star Cinema. “This is really one for the books for me,” Padilla gushes. “Ang laking honor na iyong script na sinulat mo from scratch, ang nag-produce pa Star Cinema, N2, at Spring Films; and director ko pa, Direk Joyce Bernal; ang artista ko pa, Toni and Piolo. What more can you ask for? (It is such a great honor that the script I wrote from scratch was produced by Star Cinema with N2 and Spring Films; and it is directed by Bb. Joyce Bernal, and stars Toni and Piolo. What more can you ask for?)

 

 

The film may be ‘dark’, but Gonzaga says it also sends a message of hope and love. “Mare-realize mo na ang sarap magmahal, ang sarap mabuhay, at ang sarap ma-experience ng buhay (It will make you realize how good it feels to love, to live, and to live life to its fullest.)”, she beams.

Padilla echoes Gonzaga’s sentiments and adds: “You want to give people hope. When there is darkness, there’s light. There will always be love”.

Are Carmina and Mark really set out for the last night of their lives? Will love be enough for them to hope and live again?

Find out in the Star Cinema film “Last Night” which will be screened outside the Philippines via TFC@theMovies in key countries worldwide on the following dates: October 6 in U.S. and Canada; October 7 and 8 in Europe and Thailand; October 12 in Middle East, Papua New Guinea, and Brunei; October 12 to 18 in Australia and New Zealand; October 13 in Saipan, October 22 in Taiwan; and October 29 in Hong Kong.

For more details and theater list of the film, visit tfc-usa.com/lastnight, tfc-ca.com/lastnight, emea.kapamilya.com, and TFC’s Facebook page applicable for your area. Connect with fellow global Kapamilyas and follow @KapamilyaTFC and KapamilyaGlobalPR on Twitter and Instagram.

###

Piolo Pascual at Toni Gonzaga balik- tambalan sa kakaibang romance na “Last Night”
Kakaibang mga karakter ang bibigyang buhay ng dalawa, kasabay ng pagpapakilala ng Star Cinema ng isang bagong movie genre na mapapanood sa key countries worldwide via TFC@theMovies simula Oct. 6

Muling magtatambal ang dalawa sa pinakamalalaking artista ng ABS-CBN na sina Piolo Pascual at Toni Gonzaga, sa pelikula ng Star Cinema na “Last Night”, na mapapanood sa labas ng bansa simula ngayong October 6 via TFC@theMovies.

Ang pelikulang “Last Night” ang reunion project nina Pascual at Gonzaga, tatlong taon matapos ang kanilang box-office hit film na “Starting Over Again” noong 2014.  Ito rin ang pagbabalik-pelikula ni Gonzaga dalawang taon matapos ang huling pelikula na kaniyang pinagbidahan na “You’re My Boss” noong 2015.

Ngayon sa kanilang muling pagtatambal, sa ilalim ng direksyon ni Joyce Bernal, kakaibang mga karakter ang kanilang bibigyan ng buhay.

Gaganap si Gonzaga bilang si Carmina, isang babaeng puno ng pag-asa, hanggang isang araw kung kailan tila guguho ang kaniyang mundo. “Sometimes you feel na you always have it together. But in reality, you are really broken in the inside”, paliwanag niya tungkol sa kaniyang karakter.

Samantala, bibigyang-buhay naman ni Pascual si Mark, isang lalaking nagulo ang mundo dahil sa mga pagkakamaling kaniyang nagawa. “Naintindihan ko iyong reason, kaya naintindihan ko iyong pagkatao niya. As my character, I was reaching the boiling point kaya I wanted to end it. I was coming from these troubles na kinasuotan ko, and being left alone parang that was my last resort”, paglalarawan niya tungkol sa kaniyang karakter.

Magtatagpo ang landas nila nang sila ay mawalan na ng pag-asa sa buhay. Ngunit dahil sa isang kasunduan, sila ay makakahanap ng pagkakaibigan na kalaunan ay mauuwi sa pag-iibigan.

Ang balik-tambalan nina Pascual at Gonzaga ay kasabay nang pagpapakilala ng Star Cinema, sa pakikipagtulungan ng N2 at Spring Films, ng isang bagong movie genre — ang Night Romance — kung saan isasalaysay nila ang isang kuwento ng pag-ibig na mayroong dark theme ngunit puno ng pag-asa.

Ang kuwento ng pelikula ay hango sa screenplay na isinulat ng aktres na si Bela Padilla. Ito ang ika-apat na screenplay na kaniyang ginawa, at ang una nang isinagawa ng Star Cinema. Bago ito, nakilala ang aktres sa mahusay niyang mga pagganap, tulad sa TV series na “My Dear Heart”.

Aminado si Padilla na hindi siya makapaniwalang naisapelikula na ang screenplay niya na ito. “This is really one for the books for me”, saad niya. “Ang laking honor na iyong script na sinulat mo from scratch, na hindi ko nga alam kung may magpo-produce at all, at ang nag-produce pa Star Cinema (sa pakikipagtulungan ng N2 at Spring Films). Ang direktor ko pa ay si Bb. Joyce Bernal, at ang artista ko pa Toni and Piolo — what more can you ask for”?

Ayon kay Pascual, kakaibang love story ang ipapakita ng kanilang pelikula. Aniya, “We are taking the risk. I love the challenge. Ang sarap kasing paglaruan iyong conflict niya. Ina-address niya iyong present situations, psyche ng mga tao na dumarating sa punto na life or death. We are trying to show you what choice to make through the characters”.

Bagama’t ‘dark’ ang atake sa pelikula, sinabi ni Gonzaga na ang kuwento ay puno ng pag-asa at pagmamahal. “Mare-realize mo na ang sarap magmahal, ang sarap mabuhay, ang sarap ma-experience ng buhay”, paliwanag niya.

Sinang-ayunan naman ito ni Padilla at sinabi na ang pangunahing mensahe ng kanilang pelikula: “You want to give people hope na when there is darkness, there’s light. There will always be love”.

Tuluyan na kayang sumuko sina Carmina at Mark? Sapat na kayang dahilan ang pag-ibig upang muling umasa at magmahal? Alamin iyan sa Star Cinema film na “Last Night”, na mapapanood sa labas ng Pilipinas via TFC@theMovies sa key countries worldwide sa mga sumusunod na petsa: October 6 sa U.S. at Canada; October 7 at 8 sa Europe at Thailand; October 12 sa Middle East, Papua New Guinea, at Brunei; October 12 hanggang 18 sa Australia at New Zealand; October 13 sa Saipan; October 22 sa Taiwan; at October 29 sa Hong Kong.

Para sa karagdagang impormasyon at theater list ng pelikula, bisitahin ang tfc-usa.com/lastnight, tfc-ca.com/lastnight, emea.kapamilya.com, o bisitahin ang TFC Facebook page na angkop sa inyong kinaroroonan. Maki-connect sa kapwa global Kapamilyas at i-follow ang @KapamilyaTFC at KapamilyaGlobalPR sa Twitter at Instagram.

###

Media contact:
Marianne De Vera and Joyce Jimenez
ABS-CBN Global Corporate Affairs and PR
632 415 22272 (LANDLINE)
global_corporate_affairs@abs-cbn.com (EMAIL)

with additional text by Pia Lopezbanos-Carrion
ABS-CBN Global Corporate Affairs and PR
ABS-CBN International – TFC
2001 Juniperro Serra Blvd, Ste. 200
Daly City, CA 94014
pia_lopezbanos@abs-cbn.com (EMAIL)
(00) 1 650 241 5607 (LANDLINE)

Comments are closed.