“Pilipinas Got Talent” hits 40.8% on premiere telecast

ABS-CBN’s world-class talent search “Pilipinas Got Talent” (PGT) welcomed the new year strongly as its pilot telecasts captivated more viewers last Saturday (Jan 6) and Sunday (Jan 7) and hit national TV ratings of 36.8% and 40.8% respectively.

 

The show’s much-awaited season six premiere, which trended on Twitter worldwide with the hashtag #PilipinasGotTalent, also beat its rival shows that rated only 18.7% and 14.5% nationwide on the same dates, based on data from Kantar Media.

 

Fans eagerly awaited the return of judges Freddie “FMG” Garcia, Angel Locsin, Robin Padilla, and Vice Ganda, and host Billy Crawdord plus PGT’s newest host Toni Gonzaga.

 

So far, six acts made it through the next round that include towel dancers Mama’s Boyz, shadow play act Shadow Arts Theater Organization (SATO), dancing 67 year old Angelisa Del Rosario, dancers Type 1 Dance Company, arnis exhibitionist Janah Jade Lavador, and extreme pole dancers Cebeco II Blue Nights.

 

Meanwhile, the macho men of Bardilleranz, who showcased a pull up bars exhibition act, automatically advanced to the semi-finals after judge FMG chose them as his Golden Buzzer act this season. Even netizens online were amazed by the group, whose video in PGT’s official YouTube channel tallied 1.5 million views in just two days.

 

This week, more exciting acts will surely captivate viewers  as the seach for the most talented Filipinos continues.

 

The Manila leg of PGT’s live auditions is also set this Wednesday (Jan 10), Thursday (Jan 11), and Friday (Jan 12) in Tanghalang Pasigueno in Pasig City. For details on how you can watch, please contact 09378270694.

 

Don’t miss the talked about sixth season of “Pilipinas Got Talent,” Saturdays, 7 PM and Sundays, 7:30 PM on ABS-CBN. For updates, follow @abscbnpgt on Instagram and Twitter or like www.facebook.com/pilipinasgottalent.PGT on Facebook.

 

 

Mga bortang kalalakihan, nasungkit ang Golden Buzzer ni FMG
PREMIERE NG “PILIPINAS GOT TALENT,” TINUTUKAN NG BAYAN; PUMALO SA 40.8% RATING NATIONWIDE

 

Mainit na tinanggap ng mga manonood ang pagbabalik ng world class talent search na “Pilipinas Got Talent” matapos itong pumalo sa national TV rating na 36.8% noong Sabado (Jan 6) at 40.8% naman noong Linggo (Jan 7).

 

Tinalo ng pilot episodes ng programa ang mga kalaban nito sa timeslot at nag-trend pa worldwide ang official hashtag nito na #PilipinasGotTalent.

 

Talaga namang tinutukan at inabangan ng bayan ang pagbabalik ng judges na sina Freddie “FMG” Garcia, Angel Locsin, Robin Padilla, at Vice Ganda; host na si Billy Crawford, habang unang sabak naman ni Toni Gonzaga bilang PGT host.

 

Anim na acts ang nakalusot na sa susunod na round na kinabibilangan ng towel dancers na Mama’s Boyz, shadow play act na Shadow Arts Theater Organization (SATO), dancing 67 year old nanay na si Angelisa Del Rosario, dancers group na Type 1 Dance Company, arnis exhibitionist na si Janah Jade Lavador, at extreme pole dancers na Cebeco II Blue Nights.

 

Samantala, diretso naman sa semi-finals ang machong kalalakihan ng Bardilleranz, na nagpakita ng naiibang pull up bar exihibition, matapos silang piliin ni judge FMG bilang kanyang Golden Buzzer act ngayong season. Maging netizens ay napahanga din sa ginawa nila dahil ang video nila na matatagpuan sa official YouTube channel ng programa ay tumabo na ng mahigit 1.5 million views sa loob lang ng dalawang araw.

 

Mas magiging kapanapanabik pa nga ang mga kaganapan ngayong linggo sa pagpapatuloy ng paghahanap sa pinakamahusay na acts sa bansa.

 

Mangyayari naman ang inaabangang Manila live auditions sa Tanghalang Pasigueno sa Pasig City sa darating na Miyerkules (Jan 10), Huwebes (Jan 11), at Biyernes (Jan 12). Para sa tickets, i-contact lamang si Henry sa 09378270694.

 

Pakatutukan ang season six ng “Pilipinas Got Talent” tuwing Sabado, 7PM, at tuwing Linggo, 7:30 PM sa ABS-CBN. Para sa updates, i-follow ang @abscbnpgt sa Instagram at Twitter o i-like ang www.facebook.com/pilipinasgottalent.PGT sa Facebook.

Comments are closed.