QUEEN MOTHER KARLA BARES LIFE STORY ON “MMK”

Karla Estrada journeys back to her past as she shares her own life story, with Angelica Panganiban portraying the Queen Mother this Saturday (Jan 14) on “MMK.”

It is not a secret to many that before being known as the “Queen Mother,” Karla had surpassed a lot of struggles in life.

Karla used to enjoy a wealthy life until her grandfather, the one who provided for their family, suddenly died. This then forced her family to move from a private subdivision to the city proper in Tacloban.

Despite the hardships in life, Karla remained determined to reach her dream of becoming a big star one day. She joined singing contests despite the strong disapproval of her mother, who urged her to stop from competing to avoid criticism.

Karla carried on with her singing until her efforts paid off when she luckily got discovered in a music hub in Quezon City. She was then invited to join “That’s Entertainment,” unexpectedly skyrocketed to fame, and while at the top her career, got pregnant with her first child.

How did she deal with her pregnancy and her career being at risk?

Joining this “MMK” episode are Alexa Ilacad, Sharmaine Suarez, Carlos Morales, JhaiHo, Cheska Billiones and Roy Requejo. The episode is directed by Efren Vibar and written by Arah Badayos and Mae Rose Balanay. “MMK” is led by Star Creatives COO Malou Santos.

Don’t miss the longest-running drama anthology in Asia, “MMK”, every Saturday on ABS-CBN or ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Catch its latest episodes on iwantv.com.ph or skyondemand.com.phfor Sky subscribers.

-30-

 

ANGELICA BIBIDA SA LIFE STORY NI KARLA SA “MMK”

Tampok ang mga pinagdaanan sa buhay ng Queen Mother na si Karla Estrada, gagampanan ni Angelica Panganiban ang kanyang kwento ngayong Sabado (Jan 14) sa “MMK.”

Nakasanayan ni Karla ang isang maranyang buhay hanggang sa isang araw, namatay ang kanyang lolo na siyang tumutustos sa pangangailangan nilang pamilya. Dahil sa nangyaring ito kung kaya’t napilitan sila na lisanin ang nakagisnang buhay at lumipat sa lungsod ng Tacloban.

Sa kabila ng hirap sa buhay, nanatiling determinado si Karla para maabot ang kanyang pangarap na maging isang sikat na artista balang araw. Lakas-loob siyang sumali ng singing contests subali’t hindi sang-ayon dito ang kanyang ina at pinipilit siyang huwag na ipagpatuloy para iwasan ang kritisismo mula sa iba.

Hindi natinag nito si Karla at nagpatuloy sa pagkanta. Dumating ang pinakahihintay niyang pagkakataon nang madiskubre siya sa isang music hub sa Quezon City na nagbigay daan sa kanya para makapasok sa programang “That’s Entertainment.” Biglaang kasikatan ang natamo niya sa kanyang karera ngunit sa kasagsagan ng tagumpay, hindi inaasahang mabuntis siya sa una niyang anak.

Paano kaya hinarap ni Karla ang kanyang pagbubuntis lalo na at nasa rurok siya ng kanyang career?

Makakasama din sa upcoming episode sina Alexa Ilacad, Sharmaine Suarez, Carlos Morales, JhaiHo, Cheska Billiones at Roy Requejo . Ang episode ay sa ilalim ng direksyon ni Efren Vibar at panulat ni Arah Badayos at Mae Rose Balanay. Ang “MMK” ay pinamumunuan ng Star Creatives COO na si Malou N. Santos.

Abangan ang longest-running drama anthology sa Asya, ang “MMK” tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN o ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Panoorin nang libre ang latest episodes nito sa iwantv.com.pho skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.

-30-

  

Comments are closed.