Relive Milan Melindo’s Heroic Title Defense on ABS-CBN S+A

 

Despite the blood streaming from his busted eyebrows, Milan “El Metodico” Melindo did not let his fellow Filipinos, who came in droves, go home sad as he scored a critical knockdown against challenger Hekkie “The Hexecutioner” Budler en route to a split decision win in his first title defense last Saturday (September 16) in “Pinoy Pride 42: Clash for Glory.”

Pinoy boxing fans who missed the twin airings on free TV last Sunday on ABS-CBN and ABS-CBN S+A will have not just one, but two more chances to relive Melindo’s heroic stand this week. S+A will be re-airing the fight card this Thursday (September 21) at 12nn before the NCAA games for the day and on Friday (September 22) at 6pm right after the NCAA games.

Melindo, who retained his IBF Light Flyweight title and improved to 37-2 with 13 KOs, ditched his usual counterpunching style and was the more aggressive fighter than his dangerous South African opponent Budler, who held the IBO Light Flyweight belt. Suffering cuts from accidental head butts, ”El Metodico” dug deep to will a win for the Philippines.

“He thought I can’t see his punch because of the blood coming out of my eyes. It’s lucky that I was still able to hit him, and I credit the crowd for cheering me on, it helped me a lot. I was hurt in the fight but my heart kept telling me that I have to win,” Melindo said post-fight.

Aside from Melindo, Jonas “Zorro” Sultan also wowed the crowd as he outpointed former two-division world champ John Reil “Quadro Alas” Casimero in the biggest win of his budding career to earn a possible title shot against reigning IBF Super Flyweight king Jerwin Ancajas. Another promising prospect in Kevin Jake Cataraja also claimed victory by way of a second round knockout against Wiljan Ugbaniel while Jason Pagara’s charge for a world title has been put on hold after a draw with Kenyan James Onyango.

Fight fans can also catch up to the latest MMA ONE fights in the ONE Championship highlights show airing every night on S+A and S+A HD. In the latest fight card, “Total Victory,” Filipino strawweight Roy Doliguez defeated Yago Bryan and compatriot Ramon Gonzales scored a submission against fellow flyweight Liu Deligerihu Lu while headliner Geje Eustaquio was on the losing end of a close and tough fight against former ONE Flyweight world champion Kairat Akhmetov.

Don’t miss the glorious victory over adversity by Milan “El Metodico” Melindo against South African challenger Hekkie “The Hexecutioner” Budler in ALA Promotions and ABS-CBN Sports’ “Pinoy Pride 42: Clash for Glory” fight card re-airing this Thursday (September 21) at 12nn and on Friday (September 22) at 6pm. MMA fans can also tune into the ONE Championship Highlights Show airing at 10:30pm on S+A for the latest happenings inside the cage. For stories and more information about the fights and the athletes, visit ABS-CBN Sports’ online hub sports.abs-cbn.com, and follow their official social media accounts on Facebook and Twitter (@ABSCBNSports).

 

Doliguez, Gonzales, wagi sa “Total Victory” ng ONE Championship

MATAGUMPAY NA PAGDEPENSA NI MELINDO, MAPAPANOOD SA ABS-CBN S+A

Hindi inalintana ni Milan “El Metodico” Melindo ang dugong dumadaloy sa kanyang mga kilay sa kanyang pagpapatumba kay Hekkie “The Hexecutioner” Budler patungo sa isang matagumpay na pag-depensa sa kanyang IBF Light Flyweight title noong Sabado (Setyembre 16) sa harap ng maraming Pinoy fans sa Cebu sa “Pinoy Pride 42: Clash for Glory.”

Maaaring mapanood muli ang kanyang matapang na pakikipaglaban sa S+A at S+A HD sa pagpapalabas ng “Pinoy Pride 42: Clash for Glory” ngayong  Huwebes (Setyembre 21) ng 12nn at Biyernes (Setyembre 22) ng 6pm.

Umangat sa 37-2 na may 13 na KO ang kartada ni “El Metodico” na isinantabi muna ang kanyang istilo bilang counterpuncher para gulatin sa atake ang South African na si Budler, na hawak naman ang IBO Light Flyweight title. Kahit na sugatan at dudugan, itinayo pa rin ni Melindo ang bandera ng Pilipinas.

“Akala niya hindi ko nakikita mga suntok niya dahil sa dugong nasa may mata ko na. Swerte na lang siguro kasi natatamaan ko pa rin siya, at malaking tulong yung pag-cheer ng mga kababayan natin, nakatulong talaga. Nasaktan ako pero sabi ng puso ko eh laban lang hanggang manalo,” sabi ni Melindo pagkatapos ng laban.

Bukod kay Melindo, napa-bilib din ni Jonas “Zorro” Sultan ang mga manonood nang talunin niya ang dating two-division world champion na si John Reil “Quadro Alas” Casimero para sa pagkakataong makaharap ang hari sa IBF Super Flyweight division na si Jerwin Ancajas. Nagpakitang-gilas din si Kevin Jake Cataraja nang mapatumba sa second round si Wiljan Ugbaniel, habang naantala naman ang pangarap ni Jason Pagara na lumaban para sa welterweight world title nang mag-tabla sila ng Kenyan na si James Onyango.

Mapapanood rin ng fight fans ang pinakamainit na labanan sa mixed martial arts sa ONE Championship highlights show na umeere tuwing gabi sa S+A at S+A HD. Sa pinakahuling fight card nito na “Total Victory,” nagtagumpay sa strawweight division si Roy Doliguez kotnra kay Yago Bryan habang pinasuko naman ng kapwa Pinoy na si Ramon Gonzales si Liu Deligerihu Lu sa flyweight division. Samantala, bigo man si Geje Eustaquio manalo sa pangunahing laban, pinahirapan naman niya ang nakatapat na dating ONE Flyweight world champion na si Kairat Akhmetov.

Huwag palampasin ang matagumpay na pagdepensa ni Milan “El Metodico” Melindo sa kanyang IBF Light Flyweight title kontra against South African IBO Light Flyweight champ Hekkie “The Hexecutioner” Budler sa “Pinoy Pride 42: Clash for Glory” fight card ng ALA Promotions at ABS-CBN Sports sa muling pag-ere nito sa Huwebes (Setyembre 21) ng 12nn at sa Biyernes (Setyembre 22) ng 6pm. Maaari ring mapanood ng mga MMA fans ang ONE Championship Highlights Show tuwing 10:30pm sa S+A para sa mga pinakabagong balita  sa loob ng hawla. Para sa balita sa laban, bumisita lamang sa online sports hub ng ABS-CBN Sports na sports.abs-cbn.com, at sundan ang social media accounts nila sa Facebook at Twitter (@ABSCBNSports).

 

 

Comments are closed.